Chapter 17 - Happiness

192 0 0
                                        

Author's Pov

"Ako ang sasagot" sabi ni Aliana at hinatak ang phone ni Sofia wala ng nagawa si Sofia at hinayaan nalang si Sofia. "Aish! Bakit mo pa siya nerereplyan? Puro naman non sense pinaguusapan niyo" medyo inis na sabi ni Aliana.

"Kawawa naman kung hindi ko rereplyan diba?" sagot ni Sofia kay Aliana.

Binabasa naman ni Aliana ang conversation ni Trisha at Sofia, sa phone ni Sofia at pinapanood lang ito ni Sofia.

"Tss! 'Are you taken?' hmmpp! Sapakin ko siya diyan eh" inis na inis na binasa ni Aliana ang convo nila.

"Love naman, nakita mo yung sagot ko? Bakit ka ba inis na inis kay Trisha?" pagpapakalma ni Sofia kay Aliana.

"May tiwala ako pero sa kanya wala" seryosong sabi ni Aliana kay Sofia "Remember? Baliw na baliw yan sayo" pagpapaalala ni Aliana.

"I know pero last year pa yun. Duh! Nag away pa nga tayo ng dahil sa kanya" sabi naman ni Sofia

"Hi Sofia!" pambungad na bati ni Trisha kay Sofia kahit na nasa tabi niya si Aliana.

"Hi" bati din ni Sofia

"Tss!" pabulong na sabi ni Aliana pero narinig pa rin ito ni Sofia.

"Can I seat with you guys? Wala kasi akong friends dito eh" maarteng sabi ni Trisha.

"Sure, ayos lang" sagot agad ni Sofia na ikinainis ni Aliana.

"Una na ako Sof, may aarilin pa ako" pagpapaalam ni Aliana na ipinagtaka ni Sofia dahil ang balak nilang dalawa ay sabay silang uuwi at gagawa ng assignment nila.

Tumayo naman na si Aliana at hindi nagpaalam kay Trisha.

"Wait lang Trish ah" paalam ni Sofia at sinundan ang nagmamadaling si Aliana.

"Yana!" tawag ni Sofia pero hindi siya nililingon nito. "Wait!" sabi ni Sofia at hinawakan si Aliana para mapatigil ito.

"What?" mataray na tanong ni Aliana.

"Kala ko ba sabay tayo?" mahinahon na tanong ni Sofia.

"Nakikipagkita din kasi si Brice ngayon, hindi nakapasok kasi may sakit dadalawin ko lang" sabi ni Aliana.

"Brice nanaman?" tanong ni Sofia.

"He is my boyfriend anong masama dun?" pabalang na tanong ni Aliana.

"You promise me na hindi ka pupunta muna kay Brice kasi babawi ka" medyo inis na sabi ni Sofia.

Matagal silang natahamik at nagsalita ulit si Sofia...

"Sige na, naiintindihan ko naman. Sa susunod na lang siguro" medyo may lungkot na sabi ni Sofia.

"Nagseselos ka kasiiii" pangaasar ni Sofia kay Aliana.

"Hindi ah, naiinis lang ako kasi palagi siyang sulpot ng sulpot kala mo naman.." depensang sabi ni Aliana.

"Love, okay namang aminin mo na eh." patuloy na pangaasar ni Sofia kay Aliana.

"Gusto mo bang mag away o ano?" pagbabanta ni Aliana kay Sofia.

"I'm just joking." sabi ni Sofia

"Takot ka din pala" sabi din ni Aliana. "Oh sayo na yang phone mo" pagbabalik niya ng phone kay Sofia at si Sofia naman ay tinignan kung anong ginawa ni Aliana.

Napangiti naman si Sofia sa reply ni Aliana kay Trisha. "Ayaw kasi ni Love na sumasama ako sa mga hindi niya kilala"

"True to life lang?" pangaasar nanaman ni Sofia pero sa kaloob looban neto ay kinikilig na.

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon