Chapter 11 - Sorry

233 0 0
                                    

Aliana's Pov

Nang maihatid ko si Sofia kagabi maaga na akong gumising ngayon para kamustahin na siya. Kailangan ko pa magpatulong sa driver nila Sofia dahil nakatulog na siya. Nilakad ko na lang ito papuntang bahay nila Sofia at for sure hindi pa gising yun. Nag doorbell naman ako at agad naman akong pinagbuksan ni Manag Flor.

"Aliana!" nagulat ako ng may tumawag sa akin kaya nilingon ko yun at si Ate Savannah!! "Nako dalaga ka na ah!" pangaasar ni Ate at ginulo ang buhok ko.

"Ate namiss kita!" sabi ko at niyakap siya.

"Maaga ka ata nandito. Tulog pa ang bata" sabi ni Ate Savannah.

"Lasing na lasing kasi Ate eh, tsaka medyo nagkainitan po kagabi kaya gusto ko lang manghingi ng sorry" explain ko sa kanya.

"Manang Flor!" napatingin kami sa taas "Pakikuha naman po yung medicine kit diyan! Salamat!" utos ni Sofia ng nakapikit. Aish! Pag nahulog siya diyan!

"Sige na ikaw na mag dala" sabi ni Ate Savannah "Magkwekwentuhan pa tayo mamaya" dagdag na sabi ni Ate Savannah kaya naman tumango na lang ako at hinanap na agad ang medicine kit.

Umakyat ako agad at hindi na kumatok nakahiga lang ito at hindi ako napansin.

"Mana- Ano ginagawa mo dito?" ang sungit! May kasalanan din naman siya ah!

"Inumin mo muna ito" sabi ko at inabot ang gamot at tubig. Kinuha naman niya at sinunod ang sinabi ko.

"Look Sofia-"

"I know, hindi manlang kita pinagexplain kagabi. Napangunahan din ako ng galit ko. I'm sorry Yana" hindi ko maiwasang mapangiti dahil naintindihan niya ako. Nakahinga ako ng maluwag dun.

"Naiintindihan kita Sof, iiwasan ko na dapat siya pero sakto pa na nakita mo napapalapit siya" pag eexplain ko pa rin.

"Nagkita na ba kayo ni Ate Savannah?" tanong niya sa akin. Pero napansin kong namumutla siya kaya naman kinapa ko ang noo niya at tama nga hinala ko. Nilagnat ang loko...

"Oo nagkita kami" sagot ko "Nilalagnat ka" pagaalala ko kay Sofia.

"Malayo yan sa bituka" nagawa pang magbiro.

"Sofia!, Aliana! Kain na muna!" rinig kong sigaw ni Ate Savannah.

"Tara na" aya ni Sofia kaya naman sinundan ko na siya pababa.

Author's Pov

Sabay sabay na silang kumain pero napansin ni Savannah na hindi nagagalaw ni Sofia ang pagkain niya.

"Sof ayos ka lang?" tanong ni Savannah pero hindi ata narinig ni Sofia ang sinabi ng kanyang Ate. Napatingin din si Aliana kay Sofia at nakita niyang nilalaro laro lang niya ang pagkain neto.

"Sof" tawag ni Aliana at napatingin naman si Sofia sa kanya. "Ayos ka lang?" tanong din ni Aliana.

"Oo naman, punta lang ako sa kwarto ko" excuse ni Sofia.

"Sof" seryosong tawag ng Ate Savannah niya bago makatayo si Sofia. "Anong iniisip mo?" pag aalala ni Savannah.

"Nahihilo lang ako Ate" sagot ni Sofia.

"Aliana alalayan mo na lang si Sofia papuntang kwarto niya" utos ni Savannah.

Hindi na umangal si Sofia at tumayo na. Sinundan naman ni Aliana si Sofia papunta kwarto niya.

"Bakit hindi mo sinabi agad?" punong puno ng pag aalala na tanong ni Aliana.

"Mala-"

"Yan ka nanaman eh" saway ni Aliana "Matigas talaga ulo mo" sabi ni Aliana. Sumimangot naman si Sofia at tinignan si Aliana na nagpapaawa. Tinarayan lang siya ni Aliana at hindi umubra ang ginawa ni Sofia.

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon