Author's Pov
"Ate Savannah hindi naman niya ako alipin para utusan ng ganyan! Do you think matutuwa si Daddy sa gagawin niya?!" sigaw ni Sofia sa Ate niya at hindi na nagawang pigilan ni Savannaha at nasampal na niya ang kapatid na si Sofia. Gulat na gulat si Sofia sa ginawa ng Ate niya.
"Ayoko lang napahamak ka" sabi ni Savannah sa kanya.
"Talaga ba Ate? Sa tingin mo hindi rin ako mapapahamak sa gagawin niya? Nasisiraan na kayo ng bait!" sabi ni Sofia at nilayasan niya si Savannah.
"Sofia! Saan ka pupunta?" sigaw ng Ate niya pero hindi niya ito pinansin at umalis na ng bahay nila..
Savannah's Pov
Alam kong mali ang mga sinabi ko sa kanya pero ayoko kasing magagalit si Lolo sa kanya alam ko kung paano magalit si Lolo ayokong ibunton sa kanya ang galit niya kay Sofia.
"Aliana? Nandyan ba si Sofia sainyo?" tanong ko kay Aliana. Gabing gabi na kasi nag aalala na ako.
"Wala siya dito Ate. Anong nangyari?" kahit na ayoko siyang idamay pero alam kong matutulungan niya si Sofia.
"Nag away kasi kami at kanina pa siya hindi umuuwi. Nagaalala na ako" sagot ko sa tanong ni Aliana. Bakit ba kasi hinayaan ko siyang umalis eh.
"Sige Ate, itatry kong tawagan siya. Balitaan na lang kita" sabi ni Aliana.
Aliana's Pov
Saan ka ba nagpunta Sofia? Hay! Wag ka sana gagawa ng ikapapahamak mo. Hindi ko mapapatawad sarili ko kapag may nangyaring masama sayo. Bakit kasi ang tigas tigas minsan ng ulo mo eh...
Kring....Kring......
Bakit kaya tumatawag ito?
"Hello Iñigo"
"Ina nandito sa bahay ni Mads si Sofia. Nakainom eh"
"Sige, pupunta ako diyan" hay Sofiaaaa...
----------------
"Pasensya ka na Mads ah, medyo nag away din kasi kami ni Sofia kanina" panghihingi ko ng tawad. Kakarating ko lang sa bahay nila Maddie at bumungad na agad sa akin Mads
"Ayos lang yun. Nandun siya sa kwarto ko natutulog" sabi niya sa akin at pinatuloy sa bahay nila.
Author's Pov
Dinala na nga ni Maddie si Aliana sa kwarto niya kung saan natutulog ng mahimbing si Sofia. Hindi maiwasan ni Aliana na maawa kay Sofia.
"Sof?" tawag ni Aliana pero hindi pa din sumasagot si Sofia kaya naman nilapitan pa niya ito at niyugyog para magising "Sofia" tawag ulit ni Aliana at gumalaw naman na si Sofia at onti onting minulat ang mga mata niya..
"A-anong g-ginawa m-mo dito?" hindi makapaniwalang tanong ni Sofia.
"Saka na ako magpapaliwanag, umuwi na muna tayo" sagot naman ni Aliana kay Sofia. "Please" pagmamakaawa ni Aliana. Dahan dahan na bumangon si Sofia at tinulong naman siyang makatayo ni Aliana.
"Mads alis na kami. Salamat ah" pasasalamat ni Aliana kay Maddie.
"Wala yun, sige na at may pasok pa tayo bukas" sabi naman ni Maddie.
Inalalayan ni Aliana si Sofia na makababa at makasakay ng kotse niya. Nang makasakay na sila parehas ay naging tahimik lang ito.
Bigla naman pinahinto ni Aliana ang kotse niya na ipinagtaka ni Sofia kaya napatingin ito kay Aliana.
"Talaga bang ready ka na sa relasyon na ito?" tanong ni Aliana nagpabigla kay Sofia. Kita sa mga mata ni Aliana na onti na lang ay iiyak na ito. "Kase kung hindi ka pa ready, wag na muna natin ipilit" pagpapatuloy na sabi ni Sofia.

BINABASA MO ANG
Promise?
FanfictionMay mga tao na hindi natin pinapansin kasi iba sila sa mga taong nakapaligid sayo. May mga tao na kahit sarili nilang pamilya ay hindi sila maintindihan, May mga tao na nag bubulag bulagan sa katotohanan na nakakasakit na sila. May mga tao na para k...