Chapter 22 - Trip

187 1 0
                                    

Author's Pov

3:30 AM

Patuloy na nagkakasiyahan ang magkakaibigan lahat na sila ay lasing. Kung ano ano na ang mga ginagawa nila pero ang dalawa sa kanila ay inaalagaan na ang lasing na lasing nilang kasintahan na si Iñigo at Sofia. Hirap na hirap na silang patigilan ang dalawa sa pag inom pero hindi pa rin sila nag papaawat.

"Babe" saway ni Maddie dahil balak nanaman tumangga ng alak ni Iñigo.

"Love tara na" sabi ni Aliana at hinila na ito papalabas pero parehas silang na-out off balance dahil parehas na silang lasing at nahihilo.

"Ooopsshh" sabi ni Sofia at tumawa.

"Uggghhh bakit ba kasi wala pa akong girlfrieeeend" sigaw naman ni Zayn at uminom nanaman ng alak.

"Love naman!" reklamo ni Aliana at itinayo ulit si Sofia.

"Tulungan ko na po kayo" sabi ng isa sa mga kasambahay nila Sofia.

"Salamat po" pagpapasalamat ni Aliana "Pwede po bang pakitulungan na din yung mga kaibigan ko mamaya?" tanong niya dito habang akay akay ni Aliana at nung kasambahay si Sofia.

"Opo naman po" sabi naman nito.

Naidala naman na nila si Sofia sa kwarto nito.

Aliana's Pov

Aaminin kong medyo lasing na ako but I can manage myself pero ito kasing babaeng ito alam na nga niyang mahina siya uminom ang dami daming alak ang itinungga. Aish! Humanda siya pag gising niya.

Tumingin ako sa walk in closet ng kwarto na ito nagbabaka sakali ako na may mga damit dito. Nilalagkit na kasi ako.

"Wow"

Punong puno ng hindi pa nagagalaw na damit yung cabinet na ito. Nahihiya akong galawin kaya naman sinara ko na ulit ito at pumunta sa tabi ng lasinggera kong girlfriend.

Tinanggal ko ang jacket niya dahil pinagpapawisan na ito. May mga sugat pa rin siya sa braso at kamay niya dahil sa pambubugbog. Hay! I want to take away her pain dahil hindi ko siya kayang nakikitang nasasaktan.

"Love" tawag niya sa akin pero nakapikit pa rin ito. Nanaganip ba siya? O alam niyang katabi niya ako "Don't leave" I guess she's dreaming dahil may pumatak na luha sa kanyang mga mata. Ano kaya ang napanaginipin niya?

"Hindi kita iiwan"

-----

Sofia's Pov

Nagising ako dahil hindi ko na kaya yung init na nararamdaman ko. Babangon na sana ako pero hindi ko na gawa dahil nakayakap sa akin si Aliana. Hindi ko mapigilan na mapangiti.

Hindi ko inaasahan na yung bestfriend ko ay magiging girlfriend ko na ngayon. Sobrang dami nangyari this past few months. Kahit na ang daming problema na dumadaan sa akin o sa aming dalawa thankful ako kasi palagi siyang nandyan at hindi ako iniiwan.

Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin. Matapos kong makabangon ay hindi agad ako nakatayo dahil nakaramdam ako ng hilo at sakit ng ulo. Aish!

Pinilit kong makatayo at pumunta sa restroom. Nagulat ako sa laki ng kwarto na ito. I can't believe this...

 I can't believe this

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon