Author's Pov
Maagang bumangon at nag ayos ng sarili si Sofia. Balak kasi nito na sabay sila ni Aliana kaya naman dali dali siyang bumaba at hindi kumain. Sumakay na ito sa kotse since malapit lang ang bahay nila sa isa't isa mabilis na nakapunta si Sofia sa bahay ni Aliana at nag doorbell sa gate nila. Pinagbuksan naman siya ng katulong nila Sofia.
"Oh Sofia ang aga mo naman ata" pambungad ng mommy ni Aliana at nakipagbeso kay Sofia. "Kumain ka na ba?" tanong ng mommy ni Aliana.
"Hindi pa po, pero hindi naman po kasi ako kukamain ng breakfast kaya ayos lang po" sagot ni Sofia.
"Nako masama yan sa kalusugan, tara kumain ka na" sabi ng mommy ni Aliana at hinila si Sofia.
"Mo- anong ginagawa mo dito?" pagulat na tanong ni Aliana.
"Sumabay ka na sa amin kumain" sabi ng mommy neto.
"Hindi na po talaga, baka po sumama pa yun-"
"Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo" pananakot ni Aliana kaya napabuntong hininga naman si Sofia.
"Sabi ko nga kakain na ako" bulong ni Sofia pero narinig ito ni Aliana at napangiti na lang si Aliana.
Pumunta na silang tatlo sa dinning table at nandun na rin ang daddy ni Aliana at nagbabasa ng newspaper. Napansin neto na may tao kaya binaba na niya ang binabasa niya at nginitian si Sofia at sinuklian din ito ni Sofia.
"Nako nangangayayat ka na Sofia ah" pansin ng daddy ni Aliana.
"Ah eh" sabay napakamot ng ulo si Sofia.
"Siguro si Aliana kumakain ng pagkain mo" pangaasar ng daddy ni Aliana sa anak niya.
"Daddy!" saway ni Aliana at natawa naman silang lahat kay Aliana.
"Nako Alejandro wag mo na nga asarin ang anak mo" sabi ng mommy ni Aliana.
Nagsimula na silang kumain at nagkwekwentuhan lang silang lahat. Minsan ay nagtatanong sila tungkol kay Sofia at nakikinig lang si Aliana.
"Nabalitaan ko ang nangyari sayo. You know that I can investigate to that" sabi ng daddy ni Aliana may kakilala kasi itong sundalo na mataas ang ranggo dahil kilala ang pamilya nila at bukod doon nag mamay ari rin sila ng resort samantala ang mommy ni Aliana ay isang doctor.
"Mo-" magsasalita na sana si Aliana pero hinawakan ni Sofia ang kamay ni Aliana sa ilalim ng mesa at pinisil ito.
"Pwede po ba tayo mag usap pagkatapos kumain?" tanong ni Sofia at seryosong nakatingin si Aliana sa kanya "Yung tayo lang pong dalawa" pagtapos ni Sofia sa sasabihin niya.
Binitawan ni Aliana ang pagkakahawak ni Sofia sa kamay niya.
"Wait...Sasabahin mo kay daddy pero hindi sa akin? Ang daya ah!" pagtatampo ni Aliana.
"Aliana Isabelle hayaan mo na si Sofia" saway ng mommy ni Aliana kaya naman napasimangot si Aliana.
"Sasabihin ko mamaya, wag kang atat" pag papagaan niya ng loob kay Aliana.
Hindi sumagot si Aliana sa sinabi ni Sofia. Matapos silang kumain ay iniwan nga nila ang daddy ni Aliana at Sofia.
"They were finding Aliana alam ko po talaga kung nasaan sila noon pero hindi ko sinabi. They want her not me matigas lang ho talaga ulo kaya po ako na ang nasaktan nila. Bago po ako mawalan ng malay they wanted to say na if hindi daw sumunod sa usapan ang daddy niya ang anak niyo daw po ang madadamay" pag eexplain ni Sofia.
"Si William" hindi nagdadalawang isip na sagot ng daddy ni Aliana. "Kapatid ko" dagdag niyang sabi.
"Ano pong kailangan niya?" tanong ni Sofia.
BINABASA MO ANG
Promise?
Fiksi PenggemarMay mga tao na hindi natin pinapansin kasi iba sila sa mga taong nakapaligid sayo. May mga tao na kahit sarili nilang pamilya ay hindi sila maintindihan, May mga tao na nag bubulag bulagan sa katotohanan na nakakasakit na sila. May mga tao na para k...
