Author's Pov
Matapos na makakain ng hapunan. Nagpahinga muna ang lahat matapos ang mahabang pagbabad sa dagat malapit sa rest house nila Sofia.
Narinig ni Aliana na may tumutunog na cellphone kaya naman agad niyang hinanap ito. Nalaman niyang kay Sofia pala kaya naman tinawag niya ito.
"Love! May tumatawag sayo" sigaw neto dahil na sa banyo si Sofia.
"Pakisagot na lang" sigaw din ni Sofia.
Sinunod naman ni Aliana ang sinabi ni Sofia at sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Oooh, Sino ito?"
Nagtaka naman si Aliana dahil malalim ang boses ng nasa linya. Hindi nito maiwasan na matakot.
"Pakisabi sa may ari nito. Magpaalam na siya ah?"
"Huh?" tanong ni Aliana.
"Mukhang hindi pa niya nasasabi. Malapit na siyang kunin. HAHAHAHAHAHAHAHA"
Biglang nabitawan ni Aliana ang phone ni Sofia. Takot at gulat ang naramdaman ni Aliana ng narinig niya ang mga salitang iyon. Nakakatakot ang tawa neto.
"Love?" tawag ni Sofia pero hindi ito naririnig ni Aliana. Napansin nito na tulala at nasa lapag na ang kanyang cellphone kaya naman pinulot na muna niya ito at humarap sa kanyang kasintahan. "Okay ka lang?" tanong nito at nilagay ang kanyang sa balikat ni Aliana.
Nagulat ito at nagkatapat ang mga mata nila. Onti na lang at papatak na ang mga luha ni Aliana na agad na napansin ni Sofia habang si Aliana naman ay napayuko nalang at napasandal sa dibdib ni Sofia. Mas matangkad kasi si Sofia kay Aliana.
"Yanaaa, nag aalala na ako" rinig sa boses ni Sofia na nagaalala na talaga ito at umiling iling naman si Aliana na ikinagulo ng isip ni Sofia. "Aliana.." tawag ni Sofia pero hindi pa rin ito sumasagot
Tok...Tok...
Nilayo naman na ulit ni Aliana ang kanyang sarili kay Sofia at nakatitig lang si Sofia kay Aliana na sobra na ng nag aalala.
Parehas silang napatingin sa bumukas na pintuan.
"Ah eh" naiilang na sabi ni Mads dahil nahalata niyang malungkot ang itsura ng dalawa. "Nag aaya kasi silang uminom baka gusto niyong sumama" sabi ni Maddie.
"Sige susunod na lang kami" sabi ni Sofia at binalik ang tingin kay Aliana.
"Okay" sabi ni Maddie at sinara na ang pintuan.
"Yana?" tanong ni Sofia pero hinawakan lang ito ni Aliana at hinila na palabas ng kwarto si Sofia.
"Wala lang yun" mahinang sabi ni Aliana habang naglalakad sila papunta kanila Maddie.
"Kung wala yun bakit parang paiyak ka na?" tanong ulit ni Sofia.
"Wala nga" sagot ni Aliana at tinignan niya sa mata si Sofia. "Yiee concern siya" pagbibiro ni Aliana pero hindi nagpadala si Sofia dito.
"Aliana.." medyo inis na nitong sabi.
"Uy! Nandyan na pala kayo!" sigaw ni Zayn sa kanila.
Nauna ng naglakad si Aliana sumunod ang kanina pang nag aalala at naguguluhan na si Sofia.
"Boring naman kung iinom lang tayo diba? So may naisip ako.." sabi ni Iñigo "Mag truth or dare tayo"
"G! Ako diyan babe!" sang ayon naman ni Maddie "Ano oks lang ba sainyo yun?" tumango si Zayn at hinintay ni Sofia si Aliana na tumango. Nang nakita niyang tumango ito, tumango na rin siya.
BINABASA MO ANG
Promise?
FanfictionMay mga tao na hindi natin pinapansin kasi iba sila sa mga taong nakapaligid sayo. May mga tao na kahit sarili nilang pamilya ay hindi sila maintindihan, May mga tao na nag bubulag bulagan sa katotohanan na nakakasakit na sila. May mga tao na para k...