Chapter 2 - Too Late

523 5 0
                                    

Author's Pov

"Manang Flor!" sigaw ni Aliana sa tapat ng bahay nila Sofia. "Manang!" sigaw niya ulit pinindot ang doorbell.

Agad naman silang pinagbuksan ni Manang Flor at hindi na hinintay magsalita ang matanda at pumasok na sa loob ng bahay. Sinundan naman ni Manang Flor ang dalawa.

"Nasaan po si Sofia?" tanong ni Aliana.

"Nasa kwarto niya po" sabi ni Manang Flor at tinuro kung saan ang kwarto ni Sofia. Nauna ng umakyat si Marcus sumunod si Aliana.

Hindi nakasara ang pintuan ni Sofia kaya naman agad silang nakapasok. Parehas nanghina ang dalawa sa nakita nila. Nakahandusay na sa lapag ang katawan ni Sofia punong puno ng dugo. Nilapitan nila ito agad sa at may hawak hawak ito sa kanyang kanan na kamay na blade na naging dahilan upang dumugo ang kanyang kaliwang kamay habang sa kaliwang kamay naman ay may hawak itong papel.

Hindi na napigilan ni Aliana ang umiyak "M-mar-cus d-dalh-iin n-natin siy-a sa h-hosp-ppi-ttal" utal utal na sabi ni Aliana dahil ito ay humahagulgol na.

Hindi na sumagot si Marcus at binuhat na ang walang malay na si Sofia. Pagkabababa nila ay nanlaki at nagulat si Manang Flor sa nakita niya.

"Manang babalik ho ako dito, pero wag sanang makakarating muna sa Lolo niya ito" bilin ni Aliana. Nagawa namang tumango si Manang Flor ngunit hindi pa rin ito makapagsalita.

Lumabas na sila at sumakay sa sasakyan ni Aliana. Nasa backseat na ang katawan ni Sofia

"Ako na magdridrive" suggest ni Marcus at agad na pumunta sa driver seat samantalang si Aliana naman ay sinamahan ang kanyang best friend sa likod.

Aliana's Pov

"Clear!"

Sofia lumaban kaaa....

Naalala kong may papel siyang hawak kaya napagdesisyunan kong dalhin ito. Basahin ko kaya?

Kung sino man ang makakabasa neto I just want you to know that I'm fine

Fine ka diyan!

Choice ko na tapusin na ang buhay ko. Maybe you're one of the reason I end my life or maybe not. But then again narealize ko na wala palang may kasalanan kung hindi ako. Pinili kong ipagtabuyan at mag sinungaling para sa ikakasaya ng mahal ko sa buhay. Ayokong magsisisi ka kung mababasa mo man ito. I totally care for you, I totally care for all of you...

-Sofia

--------------

"Aliana gising" ughh nakatulog pala ako. Sabi ng doctor under observation pa siya kaya naman nag hintay kami ng ilang oras para dun hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako. Hay! Kung hindi pala namin naagapan si Sofia wala na siya.

"Gising na daw siya at nailipat na siya sa private room" explain ni Marcus "Tara na?"

Tumango lang ako at sinundan na siya. Binuksan na niya ang pintuan at chinecheck siya ng dalawang nurse.

"Ma'am yun po ang bilin ng doctor sainyo" sabi nung nurse. Ano nanaman sinabi nito?

"1 week?! Ugghh okay naman na ako" pag rereklamo niya. Tss! Tigas ng ulo!

"Ahmm nurse?" tawag ko sa kausap ni Sofia "Balikan niyo na lang ho kami kakausapin ko lang siya" sabi ko at parang pinayagan ako dahil tumabi na sila.

"Sige po" sabi nung isa pang nurse.

"Iwan ko muna kayo" sabi ni Marcus.

"Ang kapal ng mukha mo na pumunta pa dito!" malutong na sabi ni Sofia.

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon