Chapter 34 - Together

156 1 0
                                    

Aliana's Pov

Dahil sira ang pintuan ng kwarto niya sa guest room kami natulog and after that agad siyang nag ayos ng gamit niya umuwi na rin ako kinaumagahan para din mag ayos. Hindi pa niya kayang kausapin ang Mommy niya. Mas okay na daw na bumukod na siya ngayon. Bukas pa naman ang paglilipat niya pero gusto ko rin na nakaayos na ang gamit ko para hindi hassle.

Ting!

"Akira wants to talk to me kaya pinagbigyan ko na. I'm here at the mall hinihintay ko lang siya. I'll text you lateer. I love youuu"

"Nako Nicole pag pinagpalit mo ako nakooo. I love you tooo"

Sofia's Pov

"What happen to your hand?" tanong ni Akira sa akin

"May nangyari lang kagabi" sagot ko sa kanya "Diretsuhin mo na ako Akira" dagdag kong sabi

"Gusto ko manghingi ng sorry. Dapat hindi ko na lang pinilit yung sarili ko sayo" paghingi niya ng tawad "Alam ko naman na si Aliana pa din. Gusto ko lang na manatili yung friendship"

"I accept your apology Akira but I can't promise you na ganun pa rin yung friendship na gusto mo dahil alam mong mahirap yang hinihingi mo. Alam ko din na gusto mo pa din yung ex mo. Ayaw mo ba siya balikan? You said it before na childhood best friends kayo at ilang buwan lang naging kayo bago siya umalis pero you said it na siya lang ang nakagawa na pasayahin ka" we've been close for a short time. Parehas kami ng mga gusto at ayaw kaya kami nag click. Bukod kay Chesca na mula noong birthday ko ay siya na ang kaibigan ko sa school isa na din doon si Akira pero magkaibang magkaiba sila ng ugali at hindi din sila magkasundo.

"I wish I can do that pero wala na siya dito sa Pilipinas" sabi niya sa akin

"You can do that Akira. May mga kamag anak ka sa Las Vegas. Kung mahal mo siya then follow her. Alam kong infatuation lang ang nararamdaman mo sa akin nasabi mo rin na magkaparehas kami ng ugali kaya mo nasabi na gusto mo ako" pagkukumbinse ko sa kanya. She deserves someone that will love her.

"Ewan ko sayo Sofia buti sana ganun kadali diba? Swerte mo na lang kasi nandito si Aliana kaya, kaya mong balikan siya kahit anong mangyari" well she has a point pero pagmahal mo kailangan sumugal ka diba?

"Kung mahirap na para sayo, maghanap ka ng taong mas better sa kanya, yung taong kaya ka din pasayahin" advice ko sa kanya "Si Chesca ayaw mo?" pangaasar ko sa kanya.

"Wag na lang uy! As if naman babae habol nun noh! Lalaki hanap non!" natawa na lang ako sa kanya. Akala mo talaga hayop pinaguusapan namin makapandiri akala mo hindi namin kaibigan si Chesca.

"Chiiiill hahahah. Ang akin lang, the more you hate the more you love" pangaasar ko.

"No! Maganda siya pero she's not my type masyado siyang wild!" sabi niya

Matagal din kaming nagusap at puno ng pag aasaran lang. Inis na inis siya kay Chesca kaya naman naisipan ko siyang pagtripan. Tinext ko si Chesca na nasa mall ako at gusto ko lang gumala. Naniwala ang loka kaya naman papunta na siya. Inaya ko din si Aliana na pumunta para makilala na niya si Akira. Hindi naman siguro magsasabunutan sa harap ko diba?

Naglibot libot muna kami ni Akira habang hinihintay yung dalawa. Magiging exciting itoooo. Lalo na para kay Akira hahahaha.

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon