Chapter 43 - Good News

179 3 0
                                    

Aliana's Pov

I was getting worried dahil hindi daw makakapasok si Sofia ni-replyan ko siya pero hindi na siya nag text sa akin. Kahapon magkasama kaming pumunta sa bahay namin para malaman kung bakit nila Mommy ginawa iyon. Sobrang unexpected ng mga nalaman ko pero pagkatapos nun mas naging okay kaming dalawa ni Sofia. Alam namin na nagpatibay yun sa relationship naming dalawa.

"Hay inlove na inlove ang anak ko napaka blooming" pangaasar sa akin ni Mommy.

"Hi po Tita" bati ni Sofia. "Si Tito po?" tanong niya.

"Mag oovertime pa daw siya" sagot ni Mommy "Tara na, kumain na muna tayo" aya niya sa aming dalawa.

Nang matapos kaming kumain inumpisahan naman na ni Mommy ang kwento niya.

"Si Samanda ang nag kwento sa akin na she's visiting you dahil napapansin niyang never ka ng nakipagusap kahit sa mga kapatid mo simula nung naghiwalay kayo ni Aliana." tinignan ko si Sofia at tumango lang siya kay Mommy na para bang sumang ayon sa kwento ni Mommy. "May nakapagsabi na nahimatay ka na ng dalawang beses ng dahil sa pagod at muntik ka ng dalhin sa hospital but you insist at tinakot ang staff mo para hindi ka nila dalhin" no... Why she would do that? Hinawakan ko ang mga kamay niya at nanlalamig ito.

"Nung bumisita ang Mommy mo, may nakita siya na nagparealize na kailangan niyang patigilin ka sa mga ginagawa at ikinikilos mo" pinabayaan ko kung gaano na kahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Kailangan niya ng suporta ko at yun ang gagawin ko. "Gusto mo bang sabihin kay Aliana?" tanong ni Mommy at tumango naman si Sofia.

"Wala akong sakit noon.. Nakita ni Mommy na may... Na may.. Ibang tao bukod sa condo ko bukod sa akin" I stared at her. I know she regrets it. Alam ko nakikita ko sa mga mata niya yun. "I was trying to forget you. Trying to fix this huge problem na ginawa ng Lolo ko" hindi ko kayang nakikita yung girlfriend ko ng ganito.

"Nalasing ako dahil may letter na natanggap ako galing kay Lolo. Kontrata yun na pag pinirmahan ko tatahimik na yung buhay ko at kapalit yun ng pag alis ko. Hindi ko alam, hindi ko na alam kung ano gagawin ko" sabi niya at sinandal ang kanyang ulo sa dibdib ko. "I'm sorry, I'm sorry kasi ang duwag duwag ko" paghingi niya ng tawad. Na-realize ko na kailangan ko pala marinig yun. Kailangan ko pala marinig yun.

"Kaya siguro naisip ni Mommy yun kasi gagawa nanaman ako ng desisyon na magpapahirap sa sitwasyon ko" kwento niya sa akin.

"Sakto nagkita kami ng Mama ni Max at pati na rin ang Mommy ni Sofia. Kaya we come up to that plan dahil naikwento ni Max na kilala niya si Aliana at pinakiusapan ni Samanda na baka pwede namin siyang tulungan" kwento ni Mommy.

Matapos namin makapagusap iniwan muna kami ni Mommy para daw makapagusap kami ni Sofia.

"Hindi ka ba magagalit sa akin?" tanong sa akin ni Sofia. Umiling lang ako at pinisil ang pisngi niya.

"Gusto ko magalit pero bakit? Wala akong karapatan dahil hindi naman tayo noon you can do whatever you want love pero hindi na ngayon na tayo na ulit" sagot ko sa kanya. "Honestly, I felt betrayed pero alam ko kung bakit ka nagkakaganyan and I have to tell you something" she's being honest at kailangan ganun din ako. Tumango lang siya sa akin at nginitian.

"Si Max, Max likes me. Akala niya gusto ko din siya nung mga panahon na tayo pa. Yun yung time na gusto nila Alexis na paghiwalayin tayo and he's my last choice para mangyari yun. I'm drunk at oo hindi magandang reason yun para masabi na hindi ko kasalanan pero please believe na when he kiss me that night ikaw agad yung pumasok sa isip ko. I'm sorry I didn't tell you. Nasaktan na kita and If I tell you that baka lalo mo lang ako ipagtabuyan" wala siyang sinabi at tinignan lang ako. Parehas kaming nakagawa ng kasalanan sa isa't isa

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon