Chapter 6 - Lost

279 2 0
                                    

Aliana's Pov

"Marcus kanina pa tayo pa-lakad lakad malayo pa ba tayo?" pang ilang tanong ko sa kanya pero hindi pa rin siya sumasagot. "Wag mo ng sundin yung rules! Natatakot na ako!" feeling ko lagpas na kami sa minutes na binigay sa amin. Pagod na pagod na ako. Medyo umaambon na rin.

"Ahhh!!" mama! Ano yun? Parang tili yun ah?! Hala! Baka may nangyari na sa iba naming kasamahan.

"Marcus! Hindi na ako natutuwa!" sigaw ko sa kanya.

"Oh shit!" ngayon ko lang narinig mag salita si Marcus.

"Marcus ano yan?" tanong ko sa kanya.

"Dito ka lang feeling ko sapatos ito ni Sofia" si Sofia? Bakit sapatos lang nakita niya? Siya kaya yung sumigaw? Ang layo ng sigaw na yun. "Aliana kanina pa tayo nawawala, yung mg clues masyadong malabo tatlong station lang ang napuntahan natin hindi ko na alam ang dalawa" nakooo nawawala pala talaga kamiiii....

Tinanggalan ko na ang pagkaka blindfold ko at nag simula na rin lumakas ang ulan. "S-sapatos y-yan ni Sofia" utal utal kong sabi. Oh no! Nawala din ba siya?

"Tara na hanapin natin siya" sabi ni Marcus at sinundan siya ewan ko kung saan kami pupunta pero sana naman mali ang hinala ko. "SOFIA!!!" sigaw ni Marcus pero walang sumasagot.

------------

Ang sakit sakit na ng paa ko huhuhu "SOFIA!!" hindi ko alam kung hinahanap namin si Sofia o kung saan dapat kami pupunta. Pagod na ako...

"Marcus!!"

Napalingon kami kung saan nanggaling yung tumawag sa amin.

"Aliana!!" papalapit na yung sigaw na yun. Kaya naisipan kong sumigaw.

"Andito kami!" sigaw ko. Si Amelia kailangan kong tanungin kung kasama nila si Sofia.

"Tara na, masyado ng malakas ang ulan baka magkasakit pa kayo" aya ni Amelia sa amin ni Marcus at sinundan na namin siya.

"Amelia kasama niyo ba si Sofia?" tanong ko sa kanya.

"Yup but she's not in her good condition"

"Bakit?! May nangyari ba sa kanya?" sunod sunod kong tanong so tama ngang kay Sofia yung sapatos na nakita namin.

"Mamaya ko na ikwekwento pag nandun na tayo" sabi ni Amelia.

Ano nanaman ba nangyari sayo Sofiaaa?

------------

"Ina tara muna" sabi ni Mads sa akin at hinatak papunta doon sa isang tent well punong puno nang malalakinh tent itong lugar na ito. Nasaan kaya si Sofia? "Nandyan siya loob kaso natutulog" binukasan ko naman agad yung tent at nakitang naka dextrose si Sofia.

"What happen to her?!" gulat na tanong ko kay Maddie.

"Halos limang oras na kayong nawawala Aliana kaya naman noong mag iisang oras na at wala pa kayo bumalik siya. Hindi naman namin siya mapigilan. We don't know who did this to her Aliana. Pero ikaw kailangan mo mag ingat" explain ni Maddie at nanlaki ang mga mata ni Aliana sa mga nalaman niya.

"Okay na ba siya? Hin-"

"Relax Ina, may kasama tayo na mga nurses at buti na lang hindi ganun kalalalim yung saksak niya" panghihinahon ni Maddie kay Aliana.

Tinignan lang ni Aliana ang natutulog niyang kaibigan na si Sofia habang si Maddie naman ay pinagmamasdan lang ang kinikilos ni Aliana.

"Nag aalala ka ano?" tanong ni Maddie.

"Duh! Syempre ikaw ba hindi?" pabalik din na tanong ni Aliana.

"May pag asa ba si Marcus?" tanong ulit ni Maddie na ikinagulat ni Aliana.

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon