Sofia's Pov
Tapos na ang second year ko sa college after two months. Nagkaroon ako ng award sa school. Aliana was there, my family, and my friends are there. Sobra kong saya kasi nandun na sila para suportahan ako. Ganun din ang ginawa namin ng makatanggap ng award ang mga kaibigan ko at pati na din si Aliana. We stay as best friends pa din pero I'm looking for more, more than that pero alam namin na hindi pa kami ready, hindi pa ready sa commitment na maging kami ulit. Walang nakakaalam na hiwalay na kami dahil ayaw namin na magbago ang tingin ng pamilya namin sa aming dalawa. She's been supportive whenever I go to my trainings para sa paghaharap ng Lolo ko nandyan siya palagi sa tabi ko
Sinabi ko na kay Aliana lahat ng magiging plano ng aking pamilya. Noong una nabigla siya at natakot dahil masyadong delikado ang ginagawa namin lalong lalo na ako ang alas na meron sila Mommy.
"Matatapos ka na ba naiinip na akooo😪" text sa akin ni Aliana. Aish! Sasama pa kasi maboboring din naman pala..
"Matatapos na po, tinatapos ko lang yung pagrereview ng market sales ng company namin" reply ko sa kanya.
Halos limang oras ang inabot namin ngayon dahil malapit lapit na ang pa-conference meeting ng mga stockholders at kailangan alam ko ang mga pasikot sikot ng company at ng business namin. Hotels and restaurants ang isa sa business nila Mommy at ang isa naman resorts and bars. Kailangan alam namin ni Ate Savannah ang sales nito at kung ano ano pa. Sobrang sakit sa ulo dahil minsan hindi ko na maintindihan.
"Hay salamaaat natapos na din siyaa" pangaasar niya sa akin. Nasa lobby lang kasi siya sabi ko naman pwede naman siyang umakyat at doon na lang maghintay pero wag na daw edi ayan nainip talaga siya. "Libre mo ako ah" sabi niya sa akin.
"Oo naaa" sabi ko sa kanya. Walang nagbago sa turing namin sa isa't isa yun label lang ang nawala. Mas naging close kami at panatag na ako sa ganito.
Inakbayan ko siya at lumabas na ng building.
"Saan mo gusto kumain?" tanong ko sa kanya.
"Sa restaurant niyo malapit dito hihihi" tss! Hindi na ba siya nagsasawa diyan? "Masarap kaya dun"
"Wala naman akong sinabi na hindi masarap dun ah" depensa ko
"Ayang tingin na yan Sofia kilala kita" sabi niya at natawa na lang ako.
Hindi ako na ang nagdadrive kundi si Aliana na ang palaging gumagawa na nun. Ayoko naman na makipagtalo kaya hinayaan ko na siya na pag may pinupuntahan kami ay sinusundo niya at hinahatid na rin niya ako.
"Aish! Ang kalat mo kumain" saway ko sa kanya. Parang hindi kumain ng ilang araw eh! Sinamaan lang niya ako ng tingin at kumain na ulit.
Pinagmamasdan ko lang siya at napansin na suot suot pa rin niya yung couple bracelet na ibinigay niya sa akin noong Christmas. Namimiss ko na yung dating kami pero natatakot akong sumugal. Siguro sakanalang talaga pag maayos na ang lahat sa akin, pati sa kanya. Hindi ko kayang isugal ng hindi pa ayos ang lahat. Gusto ko emotionally ready kami.
"Matutunaw naman ako kakatitig mo" sabi niya sa akin nang matapos na siyang kumain. "Huy!" sabi niya at tinapik ako. Gusto ko nakikita siyang ganyan yung maayos. Yung kahit na walang kami pero nandito siya para suportahan pa rin ako.
"Alam ko kung ano nasa isip mo Sofia" sabi niya sa akin "But we can't right now" tumango naman ako sa kanya.
"Alam ko naman" mahina kong sabi sa kanya. She held my hand and squeeze it
"Kahit anong mangyari, kahit ano pang label natin andito lang ako palagi. You know that I love you diba?" sabi niya at nginitian ako. She make sure na she said I love you everyday. Kuntento na ako doon.
BINABASA MO ANG
Promise?
FanfictionMay mga tao na hindi natin pinapansin kasi iba sila sa mga taong nakapaligid sayo. May mga tao na kahit sarili nilang pamilya ay hindi sila maintindihan, May mga tao na nag bubulag bulagan sa katotohanan na nakakasakit na sila. May mga tao na para k...