Aliana's Pov
"Good morning my love! Gising ka na baaaaa?" aish! Pati sa text ang hyper hyper na niya. Kahit kailan parang biro sa kanya lahat. Hindi manlang maging sweet. Tss! Bahala siya diyan! Hindi ko siya rereplyan....
Nag ayos na ako ng gamit para makapasok sa school. Mauuna na ako sa babaeng yun.
Well....Nagkamali lang pala ako dahil nandito na sa baba si Sofia. Aish! Nakangiti pa siya diyan.
"Wala ako sa mood makipagbiruan sayo Sofia" pagsisimula ko sa kanya.
"Bakit ba ang init ng dugo mo?" ahh talaga bang hindi niya alam.
"Kailan ka ba magseseryoso?" seryoso kong tanong ko sa kanya.
"Ano ba-"
"Halos isang linggo ka ng umuuwi ng madaling araw Sofia. Akala mo ba hindi sa akin sinasabi ng Ate Savannah mo sa akin?" medyo inis kong sabi sa kanya. Akala niya kasi madadaan niya ako sa mga biro niyang ganyan. "Ano ba talaga ako sayo ha?" tanong ko sa kanya.
Author's Pov
Matagal na hindi nakasagot si Sofia sa tanong ni Aliana. Kaya naman lalong nadagdagan ang galit ni Aliana sa kanya.
"Just because I'm not being serious about this bullshit! Wala ka na para sa buhay ko" inis na sabi ni Sofia. Gulat na gulat si Aliana dahil ngayon na lang niya ulit nakitang ganyan si Sofia.
"Then wag natin ituloy ito" malamig na sabi ni Aliana.
"Are you serious? Nagsisimula pa lang tayo and then your breaking up with me?" inis na tanong ni Sofia kay Aliana.
"Sofia you promise na wala kang itatago at isang linggo pa lang nung naging tayo ang dami mo ng hindi sinasabi sa akin" maiyak iyak na sabi ni Aliana.
"Ang dami lang talaga naglalaro sa isip ko Yana. Alam ko sa sarili ko masaya ako, pero may kulang at hindi ko alam kung ano yun. I have my sister, I have you pero nararamdaman ko nanaman yung mga hindi ko dapat maramdaman." pag eexplain ni Sofia at pumatak na ang mga luha neto sa harap ni Aliana.
"Yana!" sigaw ng mommy niya. "Kain na! At malalate ka na!" sabi ng mommy niya kaya namn agad na nag punas ng luha si Sofia.
"Hintayin na lang kita sa labas" hindi na hinintay ni Sofia na makasagot si Aliana at lumabas na ng bahay nila Aliana.
Napabuntong hininga naman si Aliana at sinunod na ang utos ng mommy niya.
"Mommy hindi na po ako kakain naghihintay na po kasi si Sofia sa labas" 'hindi kaya kami narinig ni mommy' pagpapaalam ni Aliana.
"Aliana, may nililihim ka na ba sa mommy mo?" biglang kinabahan si Aliana sa tanong ng mommy niya.
"Wala po mommy, malalate na rin kasi kami" mabilis na sagot ni Aliana.
"Oh sige, mag iingat kayo ah" sabi ng mommy niya at tumango na lang si Aliana sa mommy niya.
Naabutan ni Aliana na nakatulala si Sofia sa labas ng kotse ni Sofia at parang malalim ang iniisip. Hinawakan ni Aliana ito ng mahigpit at bahagyang nagulat si Sofia pero agad naman itong kumalma nung nginitian siya ni Aliana.
"Pag usapan natin ng maayos ito Sof" kalmadong sabi ni Aliana kay Sofia. Tumango si Sofia sa kanya. "I'm sorry din kung hindi manlang kita pinagexplain" panghingi niya ng tawad kay Sofia.
"Ayoko lang kasi nag mag alala ka sa akin. Kala ko kaya kong i-handle mag isa eh" sabi ni Sofia at yumuko.
"Love, look at me" sabi ni Aliana at hinawakan ang mukha ni si Sofia at inangat ito. "Sino kaya yung nagsabi na 'sabay natin haharapin ang kinakatakutan natin' diba ikaw? Haharapin natin yan" sabi ni Aliana.
![](https://img.wattpad.com/cover/134848385-288-k257258.jpg)
BINABASA MO ANG
Promise?
FanfictionMay mga tao na hindi natin pinapansin kasi iba sila sa mga taong nakapaligid sayo. May mga tao na kahit sarili nilang pamilya ay hindi sila maintindihan, May mga tao na nag bubulag bulagan sa katotohanan na nakakasakit na sila. May mga tao na para k...