Chapter 28 - Plans

172 2 0
                                    

Agad akong lumabas ng resthouse dahil lumabas daw ito sabi ng mga tauhan namin. Masyadong malawak ang property nila daddy dito kaya naman hindi ko alam kung saan siya hahanapin dahil wala akong makitang Sofia sa paligid. Wag niya akong pinagaalala ng ganito.

Halos sampung minuto na ako nag hahanap pero hindi ko siya makita gabi na at madilim na sa labas kaya naman hirap akong tumatanaw kung nasaan siya.

Siya ba yun?

"Thank god nand-"

"Hello Aliana" w-what t-the h-heck?? Alexis? Anong ginagawa niya dito?

"Bakit ka nandito?" galit kong tanong

"Birthday ni Sofia right? Bawal maki-party?" nasaan ka na ba Sofia?

"Love?" nilingon ko siya at napabuntong hininga na lang ako ng makita kong safe siya. Akala ko kung ano nangyari sa kanya. "Alexis?" gulat niyang tanong. Lumapit ako sa kanya at inakbayan ako.

"Hello birthday girl" sabi niya kay Sofia at kinindatan siya. Ughh! Ang landi!

"Bakit ka nandito?" tanong ni Sofia

"Mag syota nga kayo..."

"Leave" madiin na sabi ni Sofia.

"Tss.. Paano pag ayoko?" nangaasar ba siya? "I just came here to say Happy Birthday Sofia, enjoy..." sabi niya at lumayo na sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Sofia at parehas na nagtataka sa sinabi ni Alexis.

"Don't you ever walk out again!" saway ko sa kanya pero wala pa rin siyang emosyon. "Pinagaalala mo ako Love" mahina kong sabi pero nakatitig pa rin siya sa akin.

"Sofia.." tawag ko sa kanya. "Why are you crying?" tanong ko sa kanya.

"I'm lucky to have you in my life Aliana" kahit na ang sarap pakinggan ang mga salita na yan bakit niya yan sinasabi.

"Love naman pinapakaba mo ako" sabi ko sa kanya.

"Look at me" sabi niya at hinawakan ang mukha ko so I look at her "I'm sorry kung pinagalala kita kanina love. Naging immature ako doon. Dapat hindi na lang ako lumabas what if may nangyari sayo? Hindi ko mapapatawad sarili ko" sabi niya sa akin.

"Naiintindihan kita Love pero wag mo akong pinagaalala ng ganun" sabi ko sa kanya at tumango na siya.

"Anong ginagawa ni Alexis dito?" tanong niya

"Yun din ang pinagtataka ko but can we go back? Apologize to your Mom at maguusap tayo pagkatapos nun" sabi ko sa kanya.

Habang pabalik kami ng resthouse. Inaasar niya ako tss! Pag ako inasar ko siya mapipikon siya wala din itong girlfriend ko eh.

"Yieee kinikilig siya" pangaasar niya. Paano ba naman kasi akala ko totoo na parang tanga

"Bakit ganun yung puso ko?" napatingin ako sa kanya at napahinto.

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya

"Ang lakas ng tibok Love..." sabi niya sa akin at nagsisimula na akong magpanic malayo pa kami at walang mga tao ano gagawin ko pag bigla siyang bumagsak diyan?

"Hah? Kaya mo pa ba? Pahinga na muna tayo" sabi ko sa kanya

"Pakiramdaman mo.." sabi niya at hinawakan ko naman ang dibdib niya "They were beating for you, love"

"Nakakainis kang babae ka!!!"

"Mahal mo naman hahahah" tss bahala siya diyan

"Love alam mo kung ano pa sinabi niya?" tanong niya sa akin at sinamaan ko siya nga tingin "Mahal ka daw niya" tss.. Kahit kailan puro siya kalokohan.

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon