Chapter 18 - Love

181 1 0
                                    

Author's Pov

"Oh my gosh!" gulat na gulat na sabi ni Savannah ng makita niyang duguan at hinang hina ang kapatid niya. "Humanda talaga siya!" galit na galit nitong sabi.

"A-ate w-wag n-na" hirap na hirap naman magsalita si Sofia.

"Gagamutin natin yang sugat mo at pupunta tayo kay Aliana" seryosong sabi ni Savannah at naglagay na ng bethadine sa bulak at dahan dahan itong dinampi sa mga sugat ni Sofia sa buong mukha nito at mga galos nito.

"B-bakit p-pa tayo pupunta dun?" pagtataka ni Sofia.

"Doon ka muna, baka mamaya saktan ka pa ni Lolo. Hahanap ako ng condo para bubukod na tayo" pag eexplain ni Savannah.

Pinagpatuloy ni Savannah ang pag gamot sa mga sugat ni Sofia at umakyat sa taas para kunin ang damit na dadalhin niya kanila Aliana.

"Nakahanda na yan, onti lang naman kasi nakakahiya naman sa kanila. Tinanong ko din kung nandun ang magulang niya nasa business trip ang tatay niya kaya naman mommy niya lang ang nandun" mahabang explain ni Savannah at tumango na si Sofia at wala na itong nagawa.

"Magpalit ka na para makaalis na tayo" utos ng Ate niya.

--------------

Aliana's Pov

Agad akong napatayo sa kama ko ng may narinig akong sasakyan kaya naman tinignan ko sa bintana kung yun na ba ang kotse nila Sofia at tama nga ako ng hinala. Kumaripas ako ng takbo at bumaba para salubingin sila.

I was so shock when I see her. Hindi ako makagalaw sa nakita ko. Puro siya sugat, inaalalayan siya ni Ate Savannah.

"Wag mo naman akong titigan ng ganyan" nagulat ako ng sobrang lapit na pala niya sa akin. "Aish! Wala naman lang yakap?" Tss! Nagawa pa niyang mag biro ng ganyan.

"Sige naaa, pag bigyan mo naaa" pang aasar din ni Ate sa akin.

"Tara pasok na muna kayo" pag iiba ko ng topic.

"Nako hindi na ako papasok Aliana." napalingon na ako ng sinabi ni Ate Savannah sa akin yun. "Mga 2 days lang siya dito tapos lilipat na kami" wait...what?? Aalis sila sa bahay nila?

"I'll explain it later" singit ni Sofia kaya naman tumango na lang ako at binigay ni Ate Savannah ang gamit ni Sofia.

"Tetext na lang kita Sofia" sabi ni Ate Savannah

"Mag iingat ka Ate ah" sabi ni Sofia at niyakap si Ate Savannah. Hay....

Nang makaalis si Ate Savannah inalalayan ko muna si Sofia makaupo sa living room namin. Tinignan ko ang buong katawan ni Sof at punong puno ito ng galos at pasa sa buo niyang katawan napakawalang hiya talaga ng Lolo niya. Ayaa niya kasing isumbong maling mali na nga ginagawa ng Lolo niya.

"Love?" tawag niya sa akin.

"Ano ba kasi ginawa mo at ganyan kalala ang mga sugat mo" medyo hindi ko mapigilan na mainis sa kanya. Ayoko lang naman siyang nakitang nasasaktan at nahihirapan.

"Sumusobra na siya Yana. Matitiis ko pa sa akin niya ginagawa yung pananakit niya pero when I saw my sister? Hindi ko na napigilan sarili ko" she's crying. Gusto ko siyang protektahan pero parang ayaw niya. I know na nasa tabi lang niya ako pero she's hurt not only emotionally but physically gusto kong mag sumbong pero alam kong magiging malala pa pag ginawa ko yun.

I held her hand and squeeze it. She look at me and smiled weakly. Alam kong deep inside sobra na siyang nahihirapan.

"Honestly, wala akong mahanap na word para mapagaan yang loob mo because I know malalim yang sugat sa puso mo" pagsasabi ko sa kanya ng totoo.

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon