Sofia's Pov
Naihatid ko na si Maddie at isinunod ko na si Aliana. Max was right alam ko pag ginawa ko ito mahihirapan siya pati na rin ako. I still love her pero ayoko na siyang madamay pa. Mas okay na yung ganito. Tahimik na ang buhay niya at ayoko ng guluhin iyon.
"Sofi- oh my gosh anong nangyari sa kanya?" tanong sa akin ni Tita. Pinagbuksan naman niya kami ng pinto. Inihiga ko muna siya sa sofa at lumapit kay Tita para makapagmano.
"Sinabi lang po sa akin ng kaibigan niya na marami siyang nainom" sagot ko sa tanong ni Tita.
"Nakoo tong batang ito talagaaa" sabi ni Tita at tinignan si Aliana.
"Uhm.. Tita if ever na magtanong siya kung sino nagdala sa kanya pakisabi na si Maddie ang naghatid sa kanya dito" sabi ko. Napakunot noo naman siya pero alam kong naiintindihan ni Tita kung bakit si Maddie na lang ang alam ni Aliana na naghatid sa kanya dito. "Una na po ako" pagpapaalam ko kay Tita at bumeso.
"Mag iingat ka"
-
Aliana's Pov
"Ayan inom pa! Akala mo kasi kaya mo" ugghhh kanina pa niya ako inaasar!
"Shut up Mads" pagsusungit ko.
"Pfft... Ang init ng ulo mo. Hindi ko naman kasalanan na sumakit yang ulo mo" nambwibwiset ba siya? Tsk..
"Aliana!" parehas kaming napalingon. Papalapit na si Max sa amin. "Kamusta?" tanong niya sa akin. Shit.. Ang huli kong naalala yung.. Oh my gosh...
"A-ah..eh o-okay naman" fuck Aliana! Huhuhu nakukunsensya akooo. "Una na kami ah... Mads tara na" hila ko kay Mads at iniwan si Max.
Dahil sa kamamadali ko kakahila kay Maddie. Nakabunggo ako. Syete naman oh! Ang sakit na nga ng ulo ko, sumakit na rin itong braso ko.
"Ouch.."
"I'm sorry. Okay ka lang ba?" okay.. May mas isasama pa ba itong araw ko? She's talking to me right? Bigla ko nanaman naalala yung nakita ko kagabi. Ugh...
"Yup" sagot ko at naglakad na ulit. May pasok kami ah. Bakit ba ako nagapapaapekto? Tch..
-
Sofia's Pov
Hay Sofia.. Alam mong pinapahirapan mo lang sarili mo. Wag mo na siyang isipin. Nakita mo na nga kagabi na hinahalikan niya si Max diba? Ang sakit sakit pero kailangan kong tanggapin na walang kami. Walang wala na.
"Ano magmumukmok ka na lang ba diyan?" tanong sa akin ni Callie. She's from another section. Nakilala ko siya nung na-lock yung pintuan sa isa sa mga stall sa banyo ng school namin. Alam kong ang lame lang ng reason kung bakit ko siya nakilala pero yun talaga yung nangyari..
"Shut up" sabi ko sa kanya.
"Hindi mo na lang kasi kausapin? Sabihin mo mahal mo pa rin siya" alam din niya ang tungkol sa amin. Siya lang kasi yung napagsasabihan ko ng mga problema kay Aliana.
"Parang ang dali lang nun ah" pagbibiro ko. Kung sana ganun kadali iyon edi sana ginawa ko na pero hindi kasi hanggang ngayon ang mga kasamahan ng Lolo ko at mga kumpare ng Lolo ko ako ang pinupuntirya nila. Gusto nila ako pabagsakin.
"You know what? I can help you" sabi niya at ngumiti.
"Callie hindi na kami pwede" sabi ko sa kanya.
"Pwede kayo Sofia. Duh! Ikaw na nagsabi na kahit ano gagawin mo para sa kanya. Then prove it!" pagpapalakas niya ng loob sa akin.
"Max" sabi ko. Yung lalaking yun talaga ang sarap sapakin eh. Siya kaya dahilan kung bakit kami nag hiwalay noon at baka siya na ang bagong gusto ni Aliana. Hindi malabong mangyari iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/134848385-288-k257258.jpg)
BINABASA MO ANG
Promise?
FanfictionMay mga tao na hindi natin pinapansin kasi iba sila sa mga taong nakapaligid sayo. May mga tao na kahit sarili nilang pamilya ay hindi sila maintindihan, May mga tao na nag bubulag bulagan sa katotohanan na nakakasakit na sila. May mga tao na para k...