Author's Pov
Matapos ang isang linggo agad na bumalik si Sofia sa kanilang bahay. Sariwa pa rin ang kanyang mga sugat sa kamay kaya naman ingat na ingat ito itago para hindi makita ng kanyang Lolo.
Nagsimula na ang klase nila Aliana samantalang si Sofia ay nagmamadali ng makapasok sa school dahil late na late na si Sofia. Habang nagmamadali si Sofia makakasalubong na niya sa hallway sila Marcus. Tinignan ni Sofia ng masama ang mga ito at nilagpasan na sila.
"I'm sorry I'm late" singit ni Sofia sa teacher niyang nag didiscuss. Tumango lang ang teacher niya kaya naman umupo na si Sofia sa tabi ng best friend niya.
"Bakit late ka?" pagtataka ni Aliana. Pinagmamasdan lang ni Aliana si Sofia at napansin niyang namumutla si Sofia at tumatagaktak ang pawis. "Ayos ka lang?" tanong ulit ni Aliana
"Oo" tipid na sagot ni Sofia at hindi makatingin ng diretso kay Aliana.
"Sof" seryosong tawag ni Aliana.
"What?" medyo iritang tanong ni Sofia.
"Hernandez at Reyes baka gusto niyong ishare yang pinagdadaldalan niyo?" pagpapahiya ng teacher nila sa buong klase.
"Sorry" sabay nilang sabi.
Hindi na ulit tinanong ni Aliana si Sofia dahil naiinis siya sa ikinikilos ni Sofia at ganun din si Sofia hindi na niya ulit pinansin si Aliana. Natapos ang buong klase ng hindi sila nagkikibuan.
"Ina tara na!" aya ni Iñigo. Nagkatinginan naman si Sofia at Iñigo. Nagkasamaan sila ng tingin at unang umiwas si Iñigo.
"Tss" sabi ni Sofia at narinig naman ito ni Aliana kaya naman napatingin ito. Una ng naglakad si Sofia at lumabas na ng classroom nila samantala ang barkada naman ni Sofia ay sinundan lang siya ng tingin.
"Hindi ko alam bati na kayo ni Sofia" mapait na sabi ni Iñigo.
"We are not okay Iñigo kita mo naman hindi siya sumama diba?" malungkot na sabi ni Aliana.
"Tara na guys gutom na ako" aya ni Zayn. Sumunod naman na sila kay Zayn.
Agad naman silang napahinto dahil may nagkukumpulan na grupo sa may tapat ng classrom nila. Lumapit si Zayn upang makialam kaya sumunod din sila Iñigo, Maddie at Aliana. Nanlaki ang mata nila ng nakita nilang nakaluhod na ang kaibigan nila na si Sofia.
"Ano? Sumagot ka?!" sigaw ni Alexis kaaway ni Sofia. Pinilit na tumayo ni Sofia at nagawa naman niyang tumayo at tumingin ng masama kay Alexis.
"Gusto mo ba talagang kalabanin ako?" seryosong tanong ni Sofia. Nanonood lang at pinakinggan lang nila ang dalawang nag aaway.
"Kaya mo?" pagbabanta ni Alexis at ngumisi kay Sofia.
"Itong tinitingala niyo? Ang nanay lang naman niya ang umahas sa daddy ko!" sigaw ni Sofia. Lahat ay gulat na gulat at natahimik sa biglang pag sabi ni Sofia. "Am I right Alexis?" payabang na tanong ni Sofia.
"How da-"
"Sige sampalin mo ako. Hindi mo magugustuhan ang mga susunod kong sasabihin" napaurong naman si Alexis sa binanta ni Sofia sa kanya. Hinintay ni Sofia na may sabihin si Alexis sa kanya pero wala ng lumabas na salita galing kay Alexis.
Maraming nagbubulong bulungan at marami din ang natahimik sa mga narinig nila. Napagdesisyunan ni Sofia na umalis kaya naman naglakad na ito at sinundan siya ng mga tingin ng mga estudyante.
"Sof!" napatigil ito saglit pero kilala niya ang boses na ito kaya naman naglakad na ulit ito.
"Sofia!" sigaw din ni Maddie.
BINABASA MO ANG
Promise?
FanficMay mga tao na hindi natin pinapansin kasi iba sila sa mga taong nakapaligid sayo. May mga tao na kahit sarili nilang pamilya ay hindi sila maintindihan, May mga tao na nag bubulag bulagan sa katotohanan na nakakasakit na sila. May mga tao na para k...