Chapter 22 - Trip 1.1

188 1 0
                                    

Sofia's Pov

Niready ko na dapat i-ready. Tinawagan ko na rin si Ate Savannah at kagabi pa daw maayos ang rest house namin sa Batangas. Excited na ako, ngayon na lang ako ulit mararanasan magbakasyon kahut na sa sandaling panahon lang dahil alam pagbalik ko isang panibagong hamon nanaman ang kailangan harapin ko. Susunod din sila Ate Savannah at Mommy pero bukas pa ata sila darating.

"Dinalhan ka ba ng mommy ng gamot?" tanong ko kay Aliana may asthma kasi siya at hindi sanay na bumiyahe ng matagal. Naalala ko noon na inatake siya ng asthma nung pinilit ko siyang makipaghabulan noong bata pa kami. Hindi ko alam gagawin ko noon..

"Yup" sagot niya sa akin.

"Good" sabi ko. "Tara na?" aya ko sa kanya at tumango naman na siya.

Kinuha ko na ang gamit ng dalawa at nakikipagtalo pa siya sa akin na siya na lang magdadala ng gamit niya.

"Love naman, kaya ko naman eh" pagrereklamo niya sa akin.

"But I want to" pagtatampo ko sa kanya.

"Fine"

Nginitian ko lang siya at niyakap ng mahigpit. Hindi niya talaga ako matiis.

"Sof, tara na" hmp! Sungit nanaman niya.

Kinuha ko na ang gamit niya at ang gamit ko. Lumabas na kami ng kwarto at pinuntahan ko na rin sa mga kwarto nila ang mga kaibigan ko.

---------

Aliana's Pov

Makalapas ang ilang oras nakarating na din kami pero napansin kong ang lalim lalim ng iniisip ni Sofia at sobrang tahimik niya kahit na nagkukulitan at nag aasaran kaming lahat maliban sa kanya. Minsan tatanungin ko siya pero 'Okay lang' ang sagot niya ayoko naman siyang pilitin at baka masira lang ang bakasyon na hinanda niya.

"Nako Sofia!" masiglang bati ni Manang Yoli sa amin. Kilala ko si Manang dahil every summer vacation isinasama ako ni Sofia dito pero simula noong namatay ang kapatid niya hindi na siya muling pumunta dito. Matangkad at balingkinitan si Manang Yoli. Alam niyo yun? Kahit na may edad na siya pero kita sa mukha ni Manang Yoli ang kagandahan niya.

"Lalo kang gumaganda!" sabi ni Manang kay Sofia. Psh! Syempre girlfriend ko yan eh..

"Aish! Manang Yoli nambola pa" sabi ni Sofia at nag mano siya. Hindi pa ako napapansin Ma-

"Aliana!!" okay? Napansin na niya ako. "Nakoooo, ang gaganda niyoooo. Siguro may mga nobyo na kayo ano?" hindi ko maiwasan na hindi matawa sa tanong ni Manang Yoli.

"Manaaaang bawal yan magkaroon ng boyfriend" singit ni Maddie. Kahit sino talaga kausap niya hindi talaga siya nahihiya. "Alam niyo ho kung bakit?" sabj niya at tinignan kami ni Sofia. Sinamaan ko siya ng tingin... Ugghh!

"Nako masyado pa kayong bata para sa mga ganyan" whew! Akala ko magpapadala siya sa tanong ni Mads. "I-enjoy niyo lang ang pagiging bata niyo" mahilig talaga mag advice manang Yoli.

------------

"Ugggh Love naman! Kausapin mo naman ako" pagrereklamo ko sa kanya. Lumabas na sila Zayn para mag swimming at itong girlfriend ko? Kanina ko pa hindi makausap ng maayos.

Palagi niyang sinasabi na mauna na ako at samahan na sila Mads pero ayoko dahil alam kong may problema at ayaw niyang sabihin yun.

"Ewan ko sayo! Bahala ka diyan!" I gave up. Ni-hindi nga niya ako matignan sa mata.

"Mag ingat ka" tss! Akala mo naman talaga may pakealam siya ni hindi na nga niya ako kinakausap kanina.

"Psh!"

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon