Aliana's Pov
Matapos namin magkabati ay pumunta na kami sa dinning room dalawa ang dinning area nila isa para sa onting tao lang if ever na sila Tita lang ang kakain pero ginagamit ang isang dinning room if may iba pa silang bisita katulad namin pero pagkatapos kasi namin kung saan tinetrain si Sofia ay pumupunta na ako dito para maghapunan.
"Hay sa wakas!" bulalas ni Ate Savannah.
Tahimik lang kami kumakain at minsan nagkakamustahan sila Tita Samanda at ang Mommy at Daddy ko. Itong katabi ko naman tahimik lang na kumakain dahil hindi niya ugali na magsalita pag kumakain kami.
"Sofia nasabi mo na ba sa Lolo mo?" tanong ni Tita at tumango naman si Sofia "Next week uuwi na ang Daddy niyo" sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid namin bigla akong nagalala kay Sofia dahil minsan na niyang naikwento na nambabae ito ng makalipat sila Tita sa States.
"Uhmm.. Well that's good Samanda mabubuo na ulit ang pamilya niyo" sabi ni Daddy at ngumiti naman si Tita. Napansin ko ang saya ng mukha ni Tita at bumaling ako kay Sofia na nakatingin lang sa Ate Savannah niya na para bang naguguluhan sa nangyayari.
"Are you okay love?" pagaalala ko
"Of course I am" agad niya akong sinagot ang tanong ko. "That's good" sabi lang niya sa Mommy niya and I know that was a fake smile. Sabi ni Sofia sa akin nagkaayos na ang Mommy at Daddy niya pero pinagtataka ko bakit ganyan pa rin siya.
"Before the two of you arrive nakausap ko si Amara about this. Dadating din ang half sister niyo na si Jaymie kasing age mo siya Sofia and I was thinking na baka magkaroon ng hindi pagkakaunawaan between you and your Daddy kaya naisip ko na.." na caught off guard si Tita at hindi naituloy ang sasabihin niya dahil nagdabog si Sofia at samantalang si Ate Savannah ay napataas ng kilay sa sinabi ni Tita.
"Alam kong sobrang laking favor nito Sofia pero iniisip ko lang din ang magiging reaksyon mo" sabi ni Tita "At dahil ikaw na rin naman ang mag mamanage ng company natin mas mapapabuti if mapapalapit ka doon" nahuhulaan ko na ang point ni Tita at alam kong na-gets na din ni Sofia iyon.
"I was planning to buy you a condo at doon muna titira for a few months pag-"
"Bakit niyo pa ito sinasabi?" putol ni Sofia kay Tita. Kakampihan ko si Sofia dito dahil masyado naman atang unfair para sa kanya nun. Pinayagan niya na ang Mommy niya sa pagtatakbo ng company nila at gamitin siya para maging sandata nila sa Lolo nila pero yung kaya nilang ilayo so Sofia just to work with their company I think grabe na iyon. Mag thithird year college pa lang kami and if I know grabeng commitment ang kailangan niya both acads and work baka hindi niya kayanin.
"I'm sorry Sofia alam ko grabe ang isasakripisyo mo dito but you know we are doing this para sa ikakatahimik natin right? You want to take revenge to my father" sabi ni Tita habang si Sofia wala pa ring emosyon at nakatingin lang sa Mommy niya.
"Mommy I think its too much for Sofia. Teenager pa rin siya let her do what she wants" pagtatanggol ni Ate Savannah.
"Ito gusto niyo diba? Sige gagawin ko but once na ginulo ako ng anak ng kabit niya na si Alexis at yang Jaymie na sinasabi mo. Ako na mismo ang aayaw or worst itatakwil ko na kayo" this is a big decision for Tita at nakita kong napalunok siya. "Lastly, walang madadamay sa ginawa niyong plano ni Daddy. Hindi madadamay sila Tito at Tita dito at si Aliana dito. Pag nalaman ko na sinaktan sila dahil sa mga nakaaway natin at makakabangga natin I will never, ever treat you like a family" seryosong seryoso ang pagkakasabi ni Sofia at kinakabahan ako sa kanya. She's not physically and mentally ready what if bigla siyang bumigay? Magkasakit? I don't think I can handle that.
"Hija, nandito kami para tulungan ang Mommy at Daddy mo. We are against of how they use you kaya kami din mismo ang gagawa para lang matulungan ka" sabi ni Daddy. Buti naman naiintindihan nila si Sofia. "Nandito kami ng Tita Amara at Aliana para suportahan ka. Hindi namin ipagkakait na sumama siya sa condo na tinitirhan mo para may makasama ka, tutulungan at susuporta sayo" seryoso ba sila? Papayagan nila ako na sumama kay Sofia? Pinaplano ko pa lang magpaalam na sasamahan ko if ever na papayag siya para hindi niya ma-feel na nag iisa siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/134848385-288-k257258.jpg)
BINABASA MO ANG
Promise?
Hayran KurguMay mga tao na hindi natin pinapansin kasi iba sila sa mga taong nakapaligid sayo. May mga tao na kahit sarili nilang pamilya ay hindi sila maintindihan, May mga tao na nag bubulag bulagan sa katotohanan na nakakasakit na sila. May mga tao na para k...