Chapter 27 - Happy Birthday (part 2)

202 2 2
                                        

"Daddy be good to her okay?" ano bang sinasabi ni Love? Tinignan niya lang ako at nginitian.

"Una sa lahat Happy Birthday sayo" sabi ni Tito William sa akin at ganun din si Tita Amara binati din niya ako.

"Magkatapatan nga tayo Sofia anong meron sainyo ng anak ko?" t-tek-ka h-hindi n-nam-man ako handa sa ganito..

"P-po?"

"Mukha ka kang nabingi hija. Ang sabi ng Tito william mo anong meron sainyo ng anak namin" sasabihin ko ba? What if ayaw pa ipaalam sa kanila ni Aliana? Ayoko naman pangunahan siya.

"Be honest to us"

Napalunok ako ng ilang beses. Loove bakit mo ako iniwan ditooo?

"Ah-eh T-tita, T-tito k-kami na p-po ni... Aliana" mahina kong sabi. Ugghh Sofiaaa hindi ka proud sa girlfriend mo? Tsk!

Biglang napatayo si Tito William na ikinagulat ko at feeling ko pati na din ang mga taong nasa paligid namin. Oh no... Nako naman... Birthday ko tapos ganito pa mangyayari? Ang ganda namang regalo nito diba? Ugghh nakakainis naman. Baka pag hiwalayin niya kami hindi ko makakaya yun hindi ko kayang malayo kay Lo-

"Thank you for making my princess happy" gulat na gulat ako dahil Tito William hugs me and said that he's thankful for making her daughter happy? Kung sobra akong nagulat sa pa-surprise nila sa akin mas lalo akong nabigla sa sinabi sa akin ni Tito William. Hindi ko in-expect na ganun niya ka-bilis na matanggap ang relationship namin...

"Mas naginhawaan pa nga ako na ikaw pala ang nagpapasaya sa anak ko dahil alam kong hindi mo intensyon na masasaktan ang anak ko at alam kong proprotektahan mo siya." nang humiwalay na kami sa pagkakayap ni Tito ay lumapit sa akin si Aliana at hinawakan ang kamay ko at pinisil iyon. Did she know what we are talking about?  "Wag ka lang loloko loko Sofia kahit na kaibigan ko ang parehas mo na magulang hindi ako magdadalawang isip na ilayo si Aliana sayo" pagbabanta niya sa akin.

"Daddy... Sabi ko wag niyong takutin" saway ni Aliana sa kanya na ipinagtaka ko. So alam na nila na kami na talaga? Bakit pa nila ako tinanong? Pero ang panget naman kasi na hindi ko sabihin. Hayss Sofia..

"Hindi namin siya tinatakot anak. Magulang mo kami natural lang na pahalagahan ka namin you're the only child that we have Aliana" sabi ng Mommy ni Aliana at tumingin si Tita Amara sa akin "Sofia kahit na hindi mo sinasabi sa akin I know that you care for our daughter. I see how you adore her Sofia. Alam kong mahal mo ang anak ko. Hindi naman niya kami pipilitin for your birthday at sasabihin na kayo na if hindi worth it diba?" Na-ooverwhelm ako sa mga sinasabi nila sa akin. Wala sa expectation ko ang lahat nangyayaring ito. I just want a simple celebration with my friend and family pero wow! As in wow! Sobrang kong thankful  kay Aliana for making my birthday happy.

"Ano na Sofia? You're spacing out" napatingin ako kay Tito William at tinawanan nila ako pati na rin si Aliana.

"Uhm.. Sorry.." aish! Bakit yun lang nasabi ko? Hindi ako ganyan pag kasama ko sila ah. Siguro dahil pressure na din nafifeel ko?

"Pfft.. Love naman narinig mo naman sila Daddy kanina diba? Bakit parang takot na takot ka?" tanong niya sa akin. Hindi naman sa takot ako kung dati responsibilidad niya to care for me para walang masabi sila Mommy sa kanya but now nafifeel ko na rin. Ang hirap lang i-absorb ng mga nangyayari.

"Oo naman.. Hindi ko lang inexpect" pagsasabi ko ng totoo sa kanya. "Can I talk to them? Yung kami lang muna nila Tita Amara" napakunot noo naman siya

"Sundin mo na lang girlfriend mo Aliana" singit ni Tita Amara at tumango naman na si Aliana.

"Tita, Tito sorry if I acted weird earlier hindi ko kasi alam na matatanggap niyo agad yung relationship namin. Gustong gusto kong sabihin sainyo na kami na ni Aliana pero pinangungunahan po ako ng takot at kaba" tahimik sila at pinapakinggan ang mga sinasabi ko "Ayokong mangako sainyo na hindi ko mapapaiyak at masasaktan ang anak niyo pero as long as I can gagawin ko lahat para sa ikasasaya at ikakabuti ni Aliana. I'll love her as much as I could, protect her in any situations and be there for her forever" Tita Amara was wiping her tears so I smiled at her.

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon