Sofia's Pov
Dalawang buwan na ang lumipas at thankful ako dahil wala pang nangahas na saktan ako o si Aliana. Sa dalawang buwan na yun ramdam ko ang panlalamig ni Aliana sa akin but I ignore it dahil natatakot ako na baka pag i-confront ko siya lalo pang lumala. Sa dalawang buwan na yun hindi pa rin ako okay kay Mommy at Ate Savannah nung mga unang linggo tinatry nila akong kauspin pero hindi ko sila pinapansin siguro napagod na sila na itry at sumuko na lang sila. Wala pa akong balak na patawarin sila.
Magkasama kami ni Aliana ngayon dahil may kailangan ako bilhin para sa project namin at sabi ko kumain na muna kami bago bumili.
"Lo-"
"Teka lang I'll just answer this phone call" pagpaalam niya sa akin kaya naman tumango na lang ako. Bakit kailangan pa niyang lumayo? Tss..
"Sorry" sabi niya nang makabalik siya. Tinanguan ko lang ulit siya. "Ayos ka lang?" tumango lang ako sa kanya. Gusto ko siya tanungin kung bakit parang nagkakaganito yung relationship naming dalawa bakit parang ang layo layo na niya.
"Uhmm... Sofia kailangan ko na pala umuwi" and yes nakakalimutan na niya akong tawaging 'love'. Ang sakit lang na parang dati lang siya ang nagagalit pag ako ang nakakalimot at nanlalamig sa kanya pero mukhang bumaliktad na.
"May gagawa ba ako? Wala naman diba?" medyo inis kong tanong sa kanya.
"Sofia wala akong gana makipagtalo sayo" sabi niya sa akin at sinamaan ng tingin.
"Hindi ako nakikipagtalo. Kahit nga hindi ka na magpaalam okay lang din naman" ayokong mag away kami pero nawawalan na din na ako ng pasensya. Kung ayaw na niya sa akin pwede naman niya akong sabihan hindi yung onti onti niya akong pinapatay sa ikinikilos niya.
"Ano bang problema mo?" tanong niya sa akin. Tanga nga...
"Wala, umalis ka na kung may pupuntahan ka" sabi ko at tumayo na "Ingat na lang" sabi ko sa kanya at akmang maglalakad pero pinatigil niya ako.
"Sorry" hindi ko siya tinignan at tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nakakapagod din pala yung ganito. Sobrang binago ko sarili ko para sa kanya for good but I think hindi pa sapat yun? Nagkulang siguro ako kaya siya nagkakaganyan.
"Umuwi ka na" sabi ko
"Pero galit ka" natawa na lang ako.
"Mababago ba desisyon mo? Hindi rin diba? Aliana kung uuwi ka, umuwi ka na" seryoso kong sabi sa kanya. Don't let your tears fall Sofia...
"Pwede ba tayo mag usap?" tanong niya sa akin
"Naguusap na tayo diba?" tanong ko din sa kanya
"Yung maayos sa-"
"Hindi pa ba maayos ito?" tanong ko ulit sa kanya
"Sorry kung may nasabi ako sayo na hindi m-"
"Stop" putol ko sa sasabihin niya. I don't I'm not ready to hear her explanations masakit na ayoko na mas masaktan pa. "Hindi ako galit yun ba gusto mo marinig? Pwe-"
"Fuck Sofia! Patapusin mo naman ako sa sasabihin ko diba?!" sigaw niya sa akin at nilingon ko siya. Tinignan ko siya sa kanyang mata kita ko ang pagkagulat niya ng makita niya akong patulo ang kanina pang pinipigilan na luha "B-bakit k-ka u-um-miiyak?" tanong niya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.
"Umalis ka na.." pagmamakaawa ko sa kanya. "Please? Ayokong makapagbitaw ng salita na pagsisisihan ko din pagkatapos" sabi ko sa kanya.
"Hindi kita hahayaan na mag isa dito" sabi niya sa akin.
"Hindi ba talaga? Kasi kahit nandito ka parang wala na yung Aliana na minahal ko" patuloy na tumutulo ang mga luha sa mata ko at nanlalabo na rin ang paningin ko. "Just this time pakinggan mo naman ako" pagmamakaawa ko ulit.
BINABASA MO ANG
Promise?
ФанфикMay mga tao na hindi natin pinapansin kasi iba sila sa mga taong nakapaligid sayo. May mga tao na kahit sarili nilang pamilya ay hindi sila maintindihan, May mga tao na nag bubulag bulagan sa katotohanan na nakakasakit na sila. May mga tao na para k...