Chapter 12 - Feeling Inlove

207 0 0
                                    

Maddie's Pov

Hay nako! Itong dalawang ito kala mo walang tao sa harapan nila. Inaya-aya nila ako hindi manlang ako na-inform na mag dadate sila! Isang buwan na silang ganyan pero sinasabi nilang wala pa rin silang label! Lokohin nila ako parang hindi namn halata. Ito naman kasing si Sofia ayaw pang gawin pinaplano niya, hahanap pa daw siya ng tyempo.

"Hep!" napatigil naman silang dalawa at lumingon sa akin at tinarayan ko silang dalawa masyado kasing sweet eh! "Bagalan niyo naman maglakad diba? Ang bilis bilis niyo eh" pagrereklamo ko. Ginawa lang ata akong chaperon neto eh.

"Oo nga pala mads diba may bibilhan kang regalo para kay Iñigo? Malapit na anniversary niyo" Wait. What? Pinanlakihan niya ako ng mata. Ano ba kasing pinagsasabi niya.

"Ah! Oo nga pala" psh! Ginawa niya pa akong sinungalin. "Tara Ina samahan mo na muna ako, at ikaw bakulaw maghanap ka na ng makakainan natin" sabay ko sa trip ng babaeng ito kahit hindi ko naman alam kung anong pumasok sa kokote niya.

"Okay!" tss! Humanda ka sa akin mamaya Sofia. Ipinapahamak mo ako.

"Tara na!" hila ko kay Aliana at wala na siyang nagawa at sumunod sa akin.

"Kailan ba anniversary niyo?" oh shhh.... Gagawa na nga lang kasi ng dahilan yung mahuhuli pa kami.

"Ah eh malayo pa pero gusto ko na kasing paghandaan eh" pagsisinungaling ko. Aish! Humanda kang Sofia ka.

Ting!

"I'm sorry Mads! Kase naman ang seryoso ng tanong niya buti na lang talaga nag salita ka bigla" ano naman kaya tinanong ni Aliana sa kanya?

"Ano ba tinanong niya sayo?" reply ko naman.

"She was asking me if I'm ready. You know na matagal na akong ready Mads pero gusto kong maging perfect lahat as in lahat" well, mahirap nga talagang sagutin yan ni Sofia pero nagpapaligoy ligoy pa kasi siya eh yan tuloy siya ang naiipit.

"Hey Mads!" tinago ko na agad ang phone ko nung tinawag na ako ni Aliana.

Author's Pov

Mga dalawang oras din nag hanap sina Aliana at Maddie buti na lang at nakakita ito ng pangreregalo niya kay Iñigo kahit na matagal pa ito. Tinext naman na ni Sofia si Maddie kung saan sila kakain. Hindi magawang i-text ni Sofia si Aliana at baka nagtampo ito sa hindi pag sagot ni Sofia sa tanong ni Aliana. Pagkasabi kasi ni Sofia nun ay nag iba ang awra ni Aliana.

Nang dumating sina Aliana tinitignan ito ni Sofia kung saan uupo si Aliana at in-expect nga niya na hindi ito tatabi at yun nga talaga ang ginawa ni Aliana. Tinignan naman ni Maddie si Sofia ng puno ng pagtataka at napabuntong hininga na lang si Sofia.

"Yana" tawag ni Sofia at seryosong nakatingin naman si Aliana sa kanya "Galit ka ba?" tanong ni Sofia at umiling si Aliana at kunwaring tumitingin sa menu ng kakainan nila.

"Teka lang ah, mag c-cr lang ako" sabi ni Maddie at tumango si Sofia sa kanya "Ayusin mo yan" binulungan niya si Sofia.

"Yana" tawag ni Sofia "Nabigla lang naman ako kanina eh" pag eexplain ni Sofia pero parang walang naririnig si Aliana.

"Hala ang pogi talaga niya!" turo ni Aliana sa picture ng classmate nila. Tinignan ni Sofia ang tinutukoy ni Aliana at tumingin sa phone neto.

"Tss!"

"Yieee selos siya" pangaasar ni Aliana sa kanya pero seryoso pa rin ang mukha ni Sofia.

"Hindi ah!" pag dedeny ni Sofia.

"Alam mo dati ko pa itong crush eh mayabang lang" kwento ni Aliana.

"Edi doon ka sa kanya!" pagtatampo ni Sofia.

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon