Sofia's Pov
Wala sa plano ko ang kumain dito sa bahay namin but Daddy force me to eat here at wala na akong nagawa dahil ayokong makipag away ngayon. Wala akong gana makipagtalo sa kanila ngayon. Buti at wala pang ginagawang kabalbalan itong si Jaymie at may pakiramdam ako na malayo siya sa kapatid niyang si Alexis.
Aliana and Ate Savannah are talking kaya naman hinayaan ko na lang sila dahil hindi ako interesado sa kung ano man yung pinaguusapan nila. Hindi ko naman kasi talaga kung ano naman talaga ang pinaguusapan nila kaya ayoko na sumingit.
Pumunta ako sa may pool side ng bahay at doon umupo.
"Anak" napalingon ako kay Daddy "Can I seat?" tumango ako at umusod para makaupo siya.
"Sobrang ang dami ng nagbago" napatingin ako kay Daddy and he smiled at me "Kahit na wala kami ng Ate Savannah at Mommy you've become a good person. I thought when I came back here baka hindi mo na ako pansinin dahil sa mga ginawa ko sainyo" nagtataka ako bakit niya kailangan sabihin sa akin.
"Ang bilis mong lumaki at mag mature." sabi niya sa akin.
"You know what are the reasons Daddy. Hindi ako magiging matapang kung hindi ko naranasan masaktan ng paulit ulit" I said to him.
"I'm so proud of you that you've overcome those challenges" puri sa akin ni Daddy. I wish ganyan ang sinasabi sa akin ni Mommy. "Jaymie and you, are the same" napatingin ako ulit sa kanya.
"Iba kami Daddy" sabi ko
"She had a girlfriend before" nagulat ako sa sinabi sa akin ni Daddy "Mukha lang siyang masungit kagaya mo pero ang dami na din pinagdaanan katulad mo. Experiences are different pero grabe ang tapang niyong dalawa"
"What happen to her girlfriend?" tanong ko
"Dahil nga tinatago namin siya before we told her na mas makakabuti na sumunod siya sa akin. Mahirap para sa kanya dahil she said na ayaw niyang iwan ang taong mahal niya pero yun lang ang makakabuti. Hindi pwedeng may makaalam lalo na ang Lolo mo na may anak ako sa labas. Hindi lang siya ang madadamay baka pati kayo na rin. So ayun iniwan niya at pinakawalan yung girlfriend niya" napatango tango naman ako. She's strong I guess. Letting go someone important to you is hard pero ginawa niya iyon.
"If they are meant to be magkikita din sila" sabi ko kay Daddy.
-------
Gabi na kaya naisipan na namin umuwi ni Aliana. Kinamusta ko din si Akira dahil inaya niya ako kanina sa orphanage pero sinundo ko kasi sila Daddy hindi na ako nakasama at sabi ko si Chesca na lang.
"Hindi ko alam ayaw pala ni Chesca sa bata" kwento ko kay Aliana at natawa siya.
"Kung alam mo lang Love. Kung nakakamatay ang paghawak ng mga bata sa kanya matagal na siyang patay" sabi niya at tumawa. Natawa na din ako dahil na-imagine ko si Chesca na diring diri sa mga bata.
"Ang dami niyang text na humada daw ako sa kanya at dinamay ko siya dito" sabi ko.
"Buti nga napapayag ni Akira yan eh. Saludo ako sa kanya hahahaha" sabi ni Aliana
"Bakit ba ayaw niya sa mga bata?" tanong ko sa kanya at bigla naman nagbago yung mukha ni Aliana "Did I say something bad?" pagaalala ko.
"Wala naman. I just remember her brother" brother? Diba isa lang ang kapatid ni Chesca?
"Brother?" tanong ko sa kanya
"May kapatid siyang maliit but he died kasi nalunod siya" sobra akong nagulat dahil sa nalaman. "Hanggang sinisisi ni Chesca yung sarili niya" kaya pala nung tinanong ko siya kung ilan sila magkakapatid ang tagal niya bago makasagot.
BINABASA MO ANG
Promise?
FanfikceMay mga tao na hindi natin pinapansin kasi iba sila sa mga taong nakapaligid sayo. May mga tao na kahit sarili nilang pamilya ay hindi sila maintindihan, May mga tao na nag bubulag bulagan sa katotohanan na nakakasakit na sila. May mga tao na para k...