Aliana's Pov
Four months.. Four months na simula nung bitawan na namin ang isa't isa. Wala na kami ni Sofia. She survive pero nag desisyon kaming dalawa na wag ng ituloy ang relasyon na namamagitan sa amin.
Two weeks later. Bumalik na kami sa condo pero lahat nagbago na. Hindi na ako titira kasama si Sofia. Masakit na hiwalayan ang taong pinakamamahal mo ano pa bang mas sasakit dun diba? Sabi niya ayoko niya akong nahihirapan sa sitwasyon ko. Sabi niya ayaw niya dumating sa point na mapapaod na ako sa kanya. Kinausap ako ng parents ni Sofia na mas makakabuti para sa amin dalawa kung wag na ituloy ang meron sa amin dahil masyado pang magulo. Hindi pa tapos ang panggugulo ng lolo ni Sofia.
"Alis na ako" pagpapaalam ko kay Sofia. Nararamdaman ko ang pag kirot ng puso ko. She didn't look at me, tumango lang siya. "See you soon" nilapitan ko siya at niyakap. I don't want to let go pero ayoko na rin siya mahirapan.
I left her condo without hearing her voice. Sana manlang may sinabi siya kasi I will miss talking to her. I will miss her voice.
"I am sorry hindi manlang ako nakapag goodbye sayo. I just want you to know nandito lang ako hindi man as your lover pero as your friend"
Hinayaan kong tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan..
"Sof!" tawag ni Mads. Nag transfer ulit si Sofia sa school namin. It was harder to move on dahil everyday ko siyang nakikita pero hindi siya sumasama sa amin. Sasabihin niyang busy siya sa trabaho o kaya may gagawin siyang importante. We lost our friendship. Sobrang sakit pero kailangan kong tanggapin.
Feeling ko din ay kailangan niya ng space kaya ayaw niya din kaming makasama. Nirerespeto ko ang desisyob niya dahil ganun din naman ang nararamdaman ko.
Lumingon siya sa direksyon namin at lumapit. She look tired and her skin looks pale. Bakas na hindi siya nagpapahinga at walang kain dahil lalo siyang pumapayat.
"Why?" tanong niya kay Maddie. May binigay si Mads na papel sa kanya. Napakunot noo si Sofia "Wait.. What?" tanong ni Sofia. Alam ko ang OA ko pero this is the longest word I heard from her.
"Sabi ni Sir Justin, ikaw ang sasali" sabi ni Mads.
"Pag iisipan ko" sabi niya kay Maddie.
"Nga pala, if you are not busy. May party na gaganapin mamaya for the celebration of our basketball players" I know she can't come. Bakit pa aayain ni Mads si Sofia?
"I'll try" palagi niyang sinasabi yan. She'll try tapos magtetext siya kay Maddie na hindi siya makakapunta dahil nag over time siya. "Una na ako" pagpapaalam niya kay Maddie.
Dumating naman si Jaymie at sinamahan kami dito kumain. Ang daming nag bago ng ilang buwan kasama na dito ang pagiging close namin nila Jaymie. Sabi niya she's staying here in the Philippines for good kaya nag simula na siyang mag aral. Dapat third year college na rin siya pero dahil nag stop siya ng one year mas ahead kami ni Maddie.
"Puro siya trabaho" bigla kaming napatingin kay Jaymie. Alam namin na si Sofia ang sinasabi niya.
"We all know that Jaymie" sabi ni Mads.
"Concern lang ako sa kanya. Pinapabantayan sa akin ng mommy niya si Sofia at kung maaari patigilin siya minsan sa trabaho niya pero matigas ang ulo niya" kwento ni Jaymie sa amin. Palagi niyang kinukwento si Sofia sa amin. Buti na lang malayo ang ugali ni Jaymie kay Alexis. Akala ko kasi magiging sakit din sa ulo ni Sofia si Jaymie katulad ni Alexis.
"Noong isang araw binisita namin siya ni Ate Savannah sobrang taas ng lagnat niya. Ayaw niya magpadala sa hospital" pagaalala ni Jaymie.
I wish I can take care of her..
BINABASA MO ANG
Promise?
FanficMay mga tao na hindi natin pinapansin kasi iba sila sa mga taong nakapaligid sayo. May mga tao na kahit sarili nilang pamilya ay hindi sila maintindihan, May mga tao na nag bubulag bulagan sa katotohanan na nakakasakit na sila. May mga tao na para k...