Chapter 37 - Big Revelation

146 3 0
                                    

Author's Pov

"Ladies and Gentlemen please welcome our event hosts Reyes family!" sabi ng emcee. Bumaba sa pinakataas ang pamilya nila Chesca. By partner ang pagbaba nila at dahil bunso at wala pang asawa si Chesca ay siya lang ang nag isang bumaba. All eyes are on her. Madaming anak na lalaki ng mga business families ang nakatingin sa kanila at isa na doon ang ex boyfriend niyang si Gerard. Revealing na revealing ang suot nito. Mapapansin mo na isang Franchesca Isabella Reyes ang suotan na ganito. Confident na confident siyang bumamaba at ngumiti sa mga bisita.

"To fire up our night please welcome Franchesca Isabella Reyes" agad na nagpalakpakan ang mga tao

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"To fire up our night please welcome Franchesca Isabella Reyes" agad na nagpalakpakan ang mga tao.

Samantala isang babae ang kanina pa minamataan ang babaeng nasa harapan ng maraming tao. Hindi niya inaalis ang mga mata nito kay Chesca.

Tumugtog ang orchestra at nabigla ng mapansin ang kantang iyon..

"It was great at the very start
Hands on each other
Couldn't stand to be far apart
Closer the better

Now we're picking fights and slamming doors
Magnifying all our flaws
And I wonder why, wonder what for
Why we keep coming back for more"

Lahat ng tao ay nakikinig sa mga magandang boses na naririnig nila mula sa isang magandang babae na nakikita nila. They were feeling the song kagaya ng pagkakanta ni Chesca.

"Is it just our bodies? Are we both losing our minds?
Is the only reason you're holding me tonight
'Cause we're scared to be lonely?
Do we need somebody just to feel like we're alright?
Is the only reason you're holding me tonight
'Cause we're scared to be lonely?"

Halos lahat ay hindi maialis ang tingin kay Chesca lalo na ang lalaking nanakit sa puso nito. Hindi maiwasan nito na matamaan sa mga lirikong nababanggit ni Chesca at minsan ay tumtingin si Chesca ka kay Gerard pero agad na umiiwas ang tingin ni Gerard.

"All the messed up fights and slamming doors
Magnifying all our flaws
And I wonder why, wonder what for
It's like we keep coming back for more"

Malakas na palakpakan ang nakatanggap ni Chesca sa mga tao na nakapiligid sa kanya at nabigla ng makita niya na nandun si Akira. Umiwas agad ito ng tingin at bumaba para puntahan ang kanyang pamilya niya. Puri at kantyaw ang natanggap niya sa kanyang pamilya pero natutuwa ito dahil na-appreciate nila ito.

"I am sure you are excited to know the two of the richest persons in our country so we may call our second richest names in the Philippines and 11th in the Asia please welcome..." biglang namatay ang lahat ng ilaw at tanging spotlight lang tanging ilaw na nanggagaling sa itaas. They were waiting to say the name of that person at pare parehas na excited malaman kung sino siya "Again! Please welcome Savannah Charlotte Hernandez!"

Lumitaw ang isang nakapula na damit na nakapagbighani sa mga tao. Dahan dahan siyang bumaba at kasabay nun ang palakpakan na binibigay nila kay Savannah. She give a genuine smile to all the guests.

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon