Sofia's Pov
"Aish! Nagseselos ka ba? Isasama na nga kita para alam kung anong pag uusapan natin eh" tss! Makikipagkita pa kasi siya ex niya wala naman dapat silang pag usapan.
"Hindi naman ako nagseselos. As if naman!" sabi ko kay Aliana. "Bakit ba kailangan mo pang pumunta?" tanong ko sa kanya
"Gusto lang niya ulit makapag usap kami. Ang tagal na din niya hindi nakakauwi dito sa Pilipinas" as if! Gusto lang niya agawin yang si Aliana. "Tara na para hindi na tayo gabihin" tss!
----------------
"Ang tagal niya ah" pagrereklamo ko. Kasi namaaan kanina pa kami naghihintay dito wala pa rin yang lalaking yun. "Speaking..." bulong ko
"Hey Sofia" psh! Kala mo magkaibigan talaga kami never naman akong boto sa kanya dati pa. Hmp! "And hi Aliana" nakooo may masasapak na ako eh. Lalandiin ba naman girlfriend ko. Aish!
"Kailan ka pa nandito?" tanong ko sa kanya. Makatitig kay Aliana kala mo talaga....
"Mga 4 days pa lang" sagot ni Brice at tumango na lang ako.
"So what you wanna talk about Brice?" seryosong tanong ni Aliana kay Brice.
"Well I don't want to offend you but.." alam ko na kung saan papunta yang tanong ng lalaking ito. Ughhh! Masasapak ko na siya eh "Are you taken?"
NAKO! ISANG ISA KA NA LANG TALAGA BRICE!
"Yes I am" napatingin ako kay Aliana.
"Really? Ang swerte niya ah" tss! Sobrang swerte ko talaga ano. Kaya umayos ayos na siya diyan ako makakalaban niya.
"No, ako ang swerte sa kanya" aaminin ko kinilig ako kay Aliana. Feeling namumula na ako. Katabi lang niya ako oh ang lakas ng loob niyang sabihin yun.
"Ikaw Sofia? Taken ka na rin ba?" alam niyo? Gusto ko ng matawa kasi wala siyang kaalam alam. Hahahahaha....
"Yup" simpleng sagot ko.
"Talaga?" tss! "Ahh oo nga pala your dad told me!" shit! Ang daldal netong lalaking ito! Hindi nga alam ni Aliana eh! Aish!
"Can I excuse myself?" nababadtrip lang ako sa kanya baka kung ano pang magawa ko sa kanya.
"Sure" pag talaga may ginawang kababalaghan itong lalaking ito. Ako makakalaban niya...
"Excuse Yana" pagpapaalam ko sa kanya. Well nakita kong masama ang tingin niya sa akin but I simply smile at her. Baka kasi hindi ko mapigilan yang sarili ko at masapak ko yang lalaking yan eh.
Nang makalabas ako ng restaurant agad kong tinext si Aliana na wag siyang mag aalala dahil okay lang ako. Kahit naman na galit ako diyan he have the right to talk to Aliana hindi ko naman siya pag mamayari. Basta wag na wag niyang sasabihin yun..
"Sofia!" parang pamilyar yung boses na yun ah... Nilingon lingon ko kung sino yun pero hindi ko makita kung sino ang tumatawag sa akin. "Mygad Sofia! Hindi mo na ako makilala" ahh...
"Trisha! Long time no see" ang tagal na kasi namin hindi nagkikita. Nag aral kasi siya sa school namin pero hindi ganun kaayos ang relasyon niya kay Aliana. Kaya kung magkikita sila ewan ko na lang kung anong kakahantungan ng lahat.
"I know right? Its been a while. Anong ginagawa mo dito? Nako siguro may kadate ka ano?" pagbibiro niya.
"Hindi sinamahan ko lang kasi si Yana may kinakausap siya sa loob" pag eexplain ko.
"So siya ang may kadate?" aish!
"Hindi, matagal na kasi silang hindi nag uusap ni Brice" explain ko ulit sa kanya.
"Really? Yung ex boyfriend niya? Nakoo baka may balikang magaganap" tss! As if magkakabalikan sila eh kami na nga ni Aliana...
"I don't think so.." sabi ko sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito sa labas?" huhuhu ang dami niyang tanong.
"Nagpapahangin lang" sagot ko.
Ting!!
"Love, tara na..."
Feeling ko hindi maganda ang napagusapan nila. Hay! Brice umayos ka talaga pag sa akin naibunton yang galit niya sayo sasapakin kita.
"Uhmm Trisha I need to go." pagpapaalam ko sa kanya.
"Sure. If your free text me para makapag catch up naman tayo" sabi niya at tumango na lang ako.
Papasok na sana ako sa restaurant pero nas likod ko na pala si Aliana at masama ang tingin kay Trisha. Oh shoot! Mas iinit pa dugo niya diyan eh. Lumapit na ako kay Aliana at tahimik lang si Aliana
"Oh Hi Aliana!" nakoooo gulo ito eh. "I heard nag usap na pala ulit kayo ni Brice good for you.." nangaasar ba siya? Aish!
"Ab-" hindi ko na hinayaang makapagsalita pa si Aliana at pinigilan na siyang magsalita.
"Trisha we need to go" pagpapaalam ko sa kanya. Hindi ko na hinayaang makasagot si Trisha at hinatak na papalayo si Aliana.
Dinala ko na siya sa parking lot at tahimik lang ito. Hindi talaga pakiramdam ko sa kanya eh. Ano bang nangyari sa pag uusap nila. Saglit ko lang naman silang iniwan bakit gusto na niyang umuwi? What if gustong makipagbalikan ni Brice? No way...
Nagulat ako dahil bigla akong niyakap ni Aliana, hindi sa ayaw ko pero nabigla lang talaga ako kase kala ko magagalit din siya sa akin. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya naman sinuklian ko din siya ng yakap.
"What happen?" kalmdong tanong ko kay Aliana. Pero hindi ako sinagot...Hay!
Matagal kami nasa ganung posisyon at wala pa rin siyang imik hindi rin naman siya umiiyak.
"Love nag aalala na ako" sabi ko ulit kay Aliana at kumawala na siya sa pagkakayakap namin.
"Paano niya nasasabi yung mga ganun?" hindi ko siya maintindihan...Ano bang pinagusapan nila?
"Ang alin?" pagtataka ko. Hindi ko kasi magets eh..
"Anong inutos ng Lolo mo sayo?" how did he? Wait...How? P-paano nalaman ni Brice? B-bakit niya sinabi kay Aliana? Hindi pa ako ready sabihin sa kanya. Hindi ko pa nga matanggap eh...
"Sofia Nicole Hernandez mag salita ka please" rinig ko sa boses niya kung paano niya pinipigilan hindi maiyak. "Gusto kong manggaling sayo..." hay! Bakit hindi natatapos ang araw namin nang walang gulo o hindi kami nag aaway?
"Officially hiwalay na si Daddy at Mommy. Yung kasama ni daddy ngayon? Siya ang mommy ni Alexis at ang kapatid niya si Brice" kwento ko sa kanya. Take a deep breath Sofia.... "Gustong magtanda ni Lolo si Daddy kaya..."
"Kaya ikaw mismo ang gagawa ng ikababagsak ng Daddy mo? Alam kong masamang tao si Brice pero Sof they don't deserve to be punish" inis na sabi niya sa akin "Ipapakasal ka pa sa business rivalry ng Daddy mo para masira ang business ng Daddy mo?" hay!
"I don't want to" mahinang sabi ko sa kanya "Wala lang akong magawa.."
Aliana's Pov
"I know" sabi ko sa kanya. I just held her hand. Alam ko kung gaano kahirap para sa kanya yang mga nangyayari sa kanya. Pero aaminin ko sobra akong nalulungkot... "Tara na" aya ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita at pumasok na sa kotse niya.
--------------
"Love" tawag ko sa kanya dahil inihatid na niya ako sa bahay pero hindi pa rin siya umiimik."Aaminin ko nabigla ako sa sinabi niya but I want you to know nandito lang ako. Pag natuloy kasal made of honor ako ah?" pagbibiro ko sa kanya.
"Love naman, ayoko nga!" aish! Kala ko hindi pa rin siya magsasalita eh. "
"Alam ko naman yun. Masyado ka kasing seryoso" pagpapagaan ko ng topic namin. "Hangga't wala pa, wag mo munang iisipin" advice ko sa kanya.
"I know, inaalala lang kita.." Hay! Hindi naman niya kailangan alalahanin eh. "Magsabi ka lang sa akin if nasasaktan ka na sa mga nangyayari" hindi ako nakapagsalita nung sinabi niya yun.
"I will" sagot ko sa kanya..
BINABASA MO ANG
Promise?
FanfictionMay mga tao na hindi natin pinapansin kasi iba sila sa mga taong nakapaligid sayo. May mga tao na kahit sarili nilang pamilya ay hindi sila maintindihan, May mga tao na nag bubulag bulagan sa katotohanan na nakakasakit na sila. May mga tao na para k...