Sofia's Pov
Lumipas na ang isang linggo at nakalipat na rin kaming dalawa sa condo unit na bili ni Mommy. Tuloy pa rin ang pagpasok ko sa company at paminsan minsan kong dinadalaw ang school since wala naman pasok.
Ngayon ang uwi nila Daddy at yung half sister namin na si Jaymie. Inutos sa akin ni Ate Savannah na sunduin sila wala naman akong magawa dahil pinakamalapit ako sa airport. Niyaya nila akong mag dinner sa bahay pero humindi ako dahil ayoko sila makausap at makasama ng matagal.
Paano ako nagkakapatid? Well they were not married kaya nagawa manloko ni Daddy pero ang sabi niya isang malaking kamalian ang nangyari sa kanila ng Mommy nila Alexis. Pinagsisishan daw niya iyon at walang magawa kung hindi sustentuhan ang naging anak niya. Nalaman ko lang na meron akong kapatid noong 11 years old ako since bata pa ako wala lang para sa akin ang nalaman ko.
"Ang tagal naman nila" pagrereklamo ko halos 30 minutes na kami naghihintay dito ang sabi ni Ate Savannah 2:45 pm ang arrival nila pero wala pa din sila 3:10 na.
"I think ayan na sila" sabi sa akin ni Aliana at tinigan kung saan siya nakatingin. Natanaw ko na nga si Daddy at nakabusangot naman yung kasama niya. Feeling ko hindi kami magkakasundo buti na lang iba ang tinitirhan ko ngayon.
"Sofia, my baby girl!" ughhh! Bakit niya ako kailangan tawagin ng ganyan? Ang laki laki ko na ah! Niyakap niya ako kaya wala na rin akong nagawa at niyakap na siya. "I'm sorry medyo natagalan kami. Ito kasing si Jaymie nawawala yung necklace na sentimental daw sa kanya" pag eexplain niya kaya pala nakakunot noo siya.
"Hi po Tito" bati ni Aliana at nagmano kay Daddy
"Aba! Lalo kang gumaganda Aliana. Kayong dalawa! Nako dalaga na kayo" puri niya sa amin "Parang dati lang bulinggit pa si Sofia at inaasar mo na patpatin ngayon tignan mo mas matangkad na siya sayo" aish! Tinawanan ba naman ako
"Oo nga po Tito, dalaga na pero isip bata pa rin" pangaasar ni Aliana sa akin. Tss!
"Nga pala Sofia may hindi ka ba sa akin sinasabi?" napataas naman ako ng kilay. Anong hindi ko sa kanya sinasabi? "Na-ikwento sa akin ni Ate mo na may nagpapatibok na sa puso mo. Kilala ko naman kung sino pero gusto ko na ipakilala mo siya ng maayos sa akin" alam pala niya eh bakit niya pa ako tinatanong?
"Well you know it already... But yes Aliana is my girlfriend" sagot ko at napansin na namumula na ang pisngi ng girlfriend ko. Nakatingin lang sa amin si Jaymie ng walang emosyon.
"You know what? Jaym-"
"Stop it okay? Nandito ako to continue my studies" seryoso niyang sabi kay Daddy.
"For sure magkakasundo kayo ni Sofia, Jaymie" sabi ni Daddy pero tinarayan lang siya nito "Ang init ng ulo mo hindi ko naman kasalanan na nawala mo yang necklace ng ex mo ah"
"Hindi lang 'ex' yun daddy. Best friend ko din yun" pagcocorrect niya
"Whatever, Jaymie. Sinabi ko naman na sa staff ng airplane na if ever makita nila tatawagan nila tayo" sabi ni Daddy "Pwede mo naman siguro i-explain sa kanya if ever na magkita kayo diba?"
"As if magkikita kami..."
Sumenyas sa akin si Daddy na umalis na kaya naman hinila ko na si Aliana at nakasunod naman na sila sa amin. Tinulungan ko sila ilagay ang mga gamit sa compartment ng sasakyan ko at sumakay na ng matapos na kami.
"Hindi ka ba talaga magstastay sa bahay?" napatingin ako sa rear view ng sasakyan at tinignan si Daddy. Hindi ba niya alam? "Your mom told me na-"
"No Daddy, alam mong madami akong ginagawa sa trabaho. Mas okay na din iyon" well yeah hindi pala sinabi ni Mommy ang tungkol doon. Napatingin ako kay Aliana dahil pinisil niya ang aking kamay. Tinignan niya ako ng puno ng pagaalala kaya naman nginitian ko lang siya.
BINABASA MO ANG
Promise?
FanfictionMay mga tao na hindi natin pinapansin kasi iba sila sa mga taong nakapaligid sayo. May mga tao na kahit sarili nilang pamilya ay hindi sila maintindihan, May mga tao na nag bubulag bulagan sa katotohanan na nakakasakit na sila. May mga tao na para k...