Sofia's Pov
Isang linggo na ang nakalipas at okay na ulit kami ni Aliana papunta ako sa school nila dahil may kailangan akong puntahan..
"Let me in" pagpupumilit ko sa guard ng dati kong school.
"Utos ito ng Lolo mo bawal ka ng pumasok" sabi niya sa akin. Nakakainis naman oh!
"You'll let my daughter in or I'll fire you?" tss! Titiklop din pala itong guard na ito kailangan pa siyang takutin.
"Thanks Mommy" pagpapasalamat ko at niyakap siya. Akalain niyo yun magkakabati din pala kami ni Mommy.
Nang makabili kami ng mga kakailanganin ko sa project ay inihatid ko na siya sa bahay nila at dumiretso na rin sa bahay namin agad kong hinanap si Mommy at buti na lang nakita ko siya agad sa living room.
"Mommy.." tawag ko sa kanya at nabigla naman siya dahil tinawag ko siya. "Pwede mo na ba sa akin sabihin kung anong nangyari sainyo noon?" tanong ko. Napabuntong hininga siya at tumingin sa akin.
"Ang daddy mo ang nagpatayo ng bahay na ito. Nagalit ako bakit niya ginawa yun at naisip ko baka nambabae siya pero nalaman ko kung ano ang dahilan niya. Gusto niya tayong protektahan sa Lolo mo lalong lalo na ikaw.." sobrang ng mukha ni Mommy at ako naman ay pinapakinggan lang ng lahat ng sinasabi niya "Simula mawala ang kapatid mo lalo niya lang kayo gusto niyang protektahan kaya naman ginawa niya lahat para malabanan ang Lolo mo akala niya iniwan na ako ng daddy mo at lalo siyang nagalit dahil sumunod ako pero ang totoo nagtatayo na ang papa mo ng business. Sa loob ng ilang taon onti lang at mapapantayan na niya ang pera na meron ang Lolo mo stockholder siya ng lahat ng business ng Lolo mo pero hindi niya alam iyon" hindi ko maiwasan na hindi mamangha sa ginawa nila at paano nila gustong gumanti kay Lolo.
"Hindi kami kasal ng daddy mo pero pag natapos na ang gulong ito nangako siyang magpapakasal kaming dalawa" sabi niya at tumango tango lang ako. Ngayon naiintindihan ko na sila "Anak ikaw lang ang makakagawa nun" bakit ako? Napakunot noo naman ako.
"Gusto ko na turuan kang pang lumaban. Gusto ko na gumanti ka lalo na sa mga taong nanakit sayo. Para sa pamilya natin. Para sa mga taong gusto mo protektahan. Tatalunin natin ang Lolo mo" sabi niya sa akin "Alam ko nasasaktan ka dahil naiwan ka namin pero tandaan mo, ngayon proprotektahan ka namin wala na pwedeng manakit sayo"
"Pero paano?" tanong ko kay Mommy
"Hihintayin kita dito sa labas anak" sabi niya sa akin at niyakap ako. Sinamaan ko muna ng tingin ang guard psh! Tapos ngayon yuyuko yuko ka?
Alam kong hindi pa break time nila Aliana kaya naman dumiretso ako sa office ng Lolo ko. Bago ko buksan ang pintuan ay huminga muna ako ng malalim at kumukuha ng lakas ng loob. Hindi ako kumatok agad na pumasok kita sa mukha niya ang gulat dahil nanlaki ang mga mata nito at napatayo sa kanyang upuan.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin at natawa na lang ako mukha siya nakakita ng multo
"Binibisita ka ayaw mo ba nun?" sarkastikong tanong ko sa kanya at nilapitan niya naman ako
"Wala kang karapatan na bisitahin na ako" sabi niya sa akin at kita ko ang galit sa mukha niya "Sino nagpapasok sayo dito?" tanong niya at napangisi naman ako.
"I'm a Sanchez right?" tanong ko sa kanya. Yan ang apelyido nila Lolo at Mommy "Gusto mo ako sampalin? Then go kasi pwede kang makasuhan ng physical abuse.. Or should I say child abuse" balak niya akong sampalin pero hindi niya ito nagawa dahil sa sinabi ko
"Wala ka talagang galang!!" sigaw niya sa akin. Pumunta siya sa mesa niya at dinampot ang telephone niya pero bigla niya itong binagsak at hindi ko na napigilan matawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/134848385-288-k257258.jpg)
BINABASA MO ANG
Promise?
FanfictionMay mga tao na hindi natin pinapansin kasi iba sila sa mga taong nakapaligid sayo. May mga tao na kahit sarili nilang pamilya ay hindi sila maintindihan, May mga tao na nag bubulag bulagan sa katotohanan na nakakasakit na sila. May mga tao na para k...