1. The Best Seller (2)

950 39 75
                                    

Nang makauwi ng bahay si Ray, itinabi muna niya ang librong nabili sa KB at saka nagbukas ng laptop. Kailangan niya kasi ng masinsinang research about sa author ng librong nabili. Sino nga ba ang Mark Jin na 'yon at bakit sa taong kapangalan pa niya naka-dedicate ang libro? O baka naman para talaga sa kanya iyon at secret admirer niya ang sikat na author? Napangiti siya dahil sa thought na 'yon. Umasa na naman si Rayshel.

Tinawag siya ng kapatid para tanungin siya kung bakit ang aga niyang umuwi. Hindi lang niya masabi rito na nakita na niya ang post ng crush at nasabi na nito sa post niya na hindi na siya tutuloy sa pagtakbo.

Naiinis siya sa ulan. Pagkalabas kasi niya ng bookshop kanina ay hindi pa rin ito tumitigil. Sinira nito ang pagkakataon na sana niyang makausap ang crush. E weekend lang siya free kasi may pasok na ulit siya sa Lunes.

Habang tinitingnan niya ang search results sa screen nang i-type niya sa Google ang pangalan ni Mark Jin, nagulat siya sa mga litratong bumungad sa kanya. Sinort niya ang search niya sa images para 'yun lang muna ang makita niya. Bukod sa puno ang first page ng Google ng mga litrato ng binata, napansin din niya ang maraming fan-made na artwork para sa nasabing author. Tinanong niya ang sarili kung may Mark Jin bang artista. Tsinek na rin niya ang tags ng mga picture para siguraduhing si Mark Jin nga 'yon. Doon na siya nagsimulang magbasa ng mga articles patungkol dito. Nakita agad niya ang buong pangalan nito kaya nalaman niyang pseudonym lang nito ang Mark Jin.

Nagulat na lang ito nang biglang sumulpot ang kapatid sa tabi niya. "Hala, ate sino 'yan? Bagong crush mo? 'Yan na ba 'yung crush mo na binabanggit mo palagi sa mga post mo?" nakabungisngis na usisa nito. 13 years old pa lang ito at maagang naging usisera.

"Mag-aral ka na lang do'n, p'wede?" singhal ni Ray dito.

"'Uy si ate, kinikilig." Sa halip na iwan si Ray, umupo pa talaga ito sa tabi ng ate niya.

"Heh! Pero cute ba siya?"

"Sabi na nga ba." Tinitigan ni Renzy ang litrato ng lalaki. "Cute nga. Artista naman yata 'yan e?"

"Hindi ko 'to kilala. Nagre-research lang ako tungkol sa kanya kasi may binili akong libro na siya ang nagsulat. E ngayon ko lang narinig ang name niya," bida ni Ray kay Renzy.

"Eh, nasaan ang book?"

"And'on sa pitak ng shelf ko," sabi ni Ray.

Agad naman itong lumapit sa shelf para hanapin ang bagong librong nabili ng ate niya. Mabilis niya iyong nakita at habang binubuksan ay naglakad siya pabalik sa kinauupuan ng kapatid. "Ah, ate. Alam ko na ang book na 'to. Ito 'yung pinagkakaabalahan ng mga kaklase ko sa room namin. Maganda raw 'to, maganda raw ang twist hindi ko pa nga lang nababasa."

"Talaga ba?"

Tumango si Renzy at nang binuksan niya ang libro at bumungad sa kanya ang dedication page, saka ito napatitig sa kapatid.

"Ano 'to, ate? Sa 'yo niya dinedicate 'yung book?"

"Kahit hindi ko kilala ang author na 'yan? Kapangalan ko lang 'yan," sabi ni Ray dito.

"No, ate. Feeling ko, siya na talaga ang soulmate mo."

"Anong alam mo sa soulmate? Hindi ka pinapasok sa school para matutong lumandi... nang maaga."

Natapos ang kulitan ng magkapatid nang makarating na sa bahay ang nanay nila. Tinulungan nila itong maghanda ng hapunan. Nang bandang alas sais na ng hapon, doon na narinig ni Ray ang paparating na sasakyan ng kuya niyang si Rayco. Isang taon lang ang pagitan nila. Nagtatrabaho na ito sa FATE Co. bilang isang brand manager. Tamang-tama at handa na ang hapunan nang marinig nila ang pagdating nito. 'Yun nga lang nagulat ang magkapatid nang makitang may kasama ito. At pamilyar ito. Kamukha lang naman ito ng lalaking sinesearch nila sa internet kanina.

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon