12. The Favorites (2)

156 16 12
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw dahil sa naging abala ang lahat sa trabaho. Sabado ng umaga nang muli silang mag-umagahan nang sabay-sabay. Ika-pitong araw na ni Ray sa penthouse at tulad noong Martes ng umaga, omurice ulit ang umagahan nila ngayong umaga.

"Congrats, Ray," bati ni Tara kay Ray. "You survive your first week here."

"Thanks to you guys," she replied. Tuwang-tuwa siya sa hawak na bote ng banana ketchup. Binili niya ito kagabi sa supermarket.

Tahimik ang tatlong binata at diretso lamang ang tingin sa pagkain. Tomato ketchup ang pinili nilang ipares sa omurice. Curious tuloy si Ray sa mga iniisip ng tatlong binata. Gusto rin ba nina Mark at Caleb ng omurice o si Anxo lang talaga ang natutuwang kumain noon? Pero sanay siyang tahimik ang tatlo sa hapag-kainan kaya hindi na niya ito natanong. Sabagay, masaya na siyang baha ang ketchup sa plato.

Nang matapos kumain, ang kasambahay na ang nagligpit ng pinagkainan. Ayaw din nitong payagan na tulungan siya ni Ray kahit todo presenta ito. Kinuha na rin ni Aleng Tetay ang mga damit na pang-laundry ng apat. Habang kinakausap si Rayco sa phone dahil sa maraming bilin nito, muling kumatok si Aleng Tetay. Hindi raw nito na-tsek ang CR ni Ray kanina nang kumuha ito ng mga damit dahil naka-lock iyon. Sinabi na lang niya rito na isusunod na lang niya ang mga damit kapag nabuksan na niya ang CR.

Pinuntahan niya si Mark sa kuwarto nito para ipaalala ang sirang kandado ng CR sa kuwarto niya. Hindi kasi ito naayos noong nakaraang Miyerkules dahil sa lahat silang apat ay gabi na nang nakauwi kaya walang nakapag-assist sa locksmith.

Kumatok ito nang ilang beses sa pintuan ng kuwarto ni Mark pero walang sumagot. Nang pihitin niya ang doorknob at tuluyang buksan ang pinto, noon tumambad sa kanya ang bukas na TV ni Mark sa kuwarto at nagulat siya nang makita roon ang paboritong anime series. Naka-pause nga lang ito kaya wala rin siyang tunog na narinig mula sa labas kanina. Wala rin naman doon si Mark. Mas malawak ang kuwarto nito kaysa sa guest room. Halos pareho ang interior design ng dalawang kuwarto. Mayro'n nga lang malaking bookshelf na malapit sa pintuan ng CR. Nakaharap ang TV sa isang mahabang sofa. May mahabang table sa pagitan. Kulay beige naman ang dingding at puti naman ang kulay ng blinds sa bintana. May ilang posters ng mga iconic bands sa dingding at may isang movie poster sa tapat ng kama. Mukhang yari naman sa mamahaling kahoy ang frame ng queen size na mattress nito at may kaunting kunot at gusot ang puting comforter sa ibabaw ng mattress. Pero ang mas nagustuhan niya ay ang mabangong amoy sa loob. It reminded her of something she couldn't remember right away. Lalabas na sana siya ng kuwarto nang biglang marinig ang tunog ng doorknob at magbukas ang pintuan ng CR nito. "O, Ray? Raymen girl! Bakit?" tawag ni Mark dito.

Nagulantang na naman si Ray nang lingonin ito. Ang aga nitong maligo. Nakabitin ang tuwalya sa balikat nito. Nagpakita na naman ang sparking abs nito sa kanya at boxer shorts lamang ang suot nito. Basa-basa pa rin ang mga binti nito at may ilang butil ng tubig na tumutulo sa sahig. "'Y-yung lock ka-kasi ng CR. Hindi pa ayos," aboridong sagot niya. Kaya naman agad na lang niyang ibinalik ang tingin sa TV.

Agad namang dinampot ni Mark ang remote control ng TV para i-turn off iyon. "Sorry. Sige, ipayos na'tin mamaya," bimbing tugon nito.

"Salamat. Pero pe'de ko bang mahiram ang susi? May kailangan lang akong kunin sa loob ng CR. Sorry, na-ilock ko ulit kasi."

"Sige, samahan na kita."

"No, okay lang. Bigay mo na lang sa 'kin ang susi. Ako na ang magbubukas para 'di ka na maabala at..."

"No," putol nito kay Ray at saka inisip ang idadahilan dito. "I can't let anyone touch the master keys."

"Ay sorry po, master."

Tiningnan lang siya ng binata nang masama bago dinampot ang phone sa kama at saka lumabas ng kuwarto. Nang makarating naman ang dalawa sa loob ng guestroom, agad na dumiretso si Mark sa harap ng CR. Hindi ni Ray maalis ang tingin sa binata habang binubuksan nito ang CR. Bahagya itong nakayuko. Lumalabas din ang biceps nito. Kulang na lang talaga ay hubuin nito sa tingin ang suot na boxer shorts ng binata at kita na nito ang kalahat-lahatan nito. She hated herself for thinking about that. At dahil mabilis lang naman ni Mark na nabuksan ang pinto ng CR nahuli pa nito si Ray na nakatingin sa kanya. "What?! Okay na siya."

"Buti pa siya." Humarap siya sa sofa at kunwari ay hinahanap ang remote control ng TV. "Nasa'n na ba 'yon?"

"Ha?"

"No, sorry. I mean thank you sa pagbubukas, master."

"No worries. Basta 'yung ramen ha."

Noon na lang niya naalala ang promise rito. "Sure, to-tomorrow?" she replied. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siyang kausapin ito. Alam niyang hindi iyon dahil sa suot ng binata.

"Okay, cool. Dinner time siguro," mahinang sagot nito nang tingnan ang hawak na phone. Mukhang may binasa itong mensahe. "And'yan na pala ang date mo sa labas," sabi pa nito nang itaas ang tingin.

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon