"Wait, hindi ba parang mas ilalapit ko ang sarili sa kapahamakan kung lalapit ako kay Anxo, since known nang siya ang target?" angal ni Ray. Napatayo ito mula sa pagkakaupo. She was actually thinking about demanding a separate unit and CPO. Pero para sa kanya, that's too much to ask. Sa isip-isip niya, swerte na siyang mabigyan ng ganitong klase ng offer.
"Do not underestimate his CPO and the security system at our place," may kompiyansang sabi ni Mark.
"Well, bakit nakapasok 'yung lalaki sa building at nakitang nasa harap siya ng condo ni Anxo? As per the CCTV footage you showed me," taas kilay na tugon ni Ray.
"Sorry I didn't tell you I was talking about his new place, where he recently moved."
Iniisip pa lang ni Ray na titira siya sa iisang bahay kasama sina Anxo at Mark, kinikilig na siya. Kung stupid decision ito para sa iba, for her it's a once in a lifetime opportunity. Sigurado naman siyang hindi psychopath ang magkapatid. Naging kaibigan ni Rayco si Mark at matagal na niyang kilala si Anxo. "And wala akong babayarang rent? Pa'no ang food?" lakas-loob niyang tanong.
"We have an on-call personal maid slash cook or we can cook by ourselves, whichever you prefer. And do not worry about any of the expense. FATE will cover everything. It's like a protection program, you can continue working for Tell Adworks. You will also have a chauffeur, or you can travel with us, kung saan mas safe," sabi pa ni Mark.
She thought, she's not so sure why FATE is doing this for a mere employee like Anxo. Sabagay, hindi rin naman niya alam ang posisyon ni Anxo sa FATE. Baka mataas na ang posisyon nito at baka nga dahil rin sa FATE kaya ito nabaril, the reason why they're sticking their nose into it—she thought.
"What's your decision? No pressure. Sorry."
"I know this is an urgent matter. Pero need ko muna ito i-consult kay mama at kuya."
"Yes, I understand," sagot ni Mark nang dumukot ng business card mula sa wallet niya pero bigla rin niya itong ibinalik sa bulsa. As much as he wanted to give her his full contact details, ayaw pa niyang malaman nito na isa siya sa mga anak ng may-ari ng FATE. At least not today, he thought. "Just get my number from Rayco. And please, please take care of yourself."
"Okay. Thanks, Mark," kinakabahang sagot ni Ray. She was seriously considering the offer but she really needed more time to assess the consequences.
Mabilis natapos ang meeting niya sa boardroom. Bilin din ng boss niya na hindi na niya kailangang bumalik sa Tell Adworks at maaari na siyang dumiretso sa bahay pagkatapos ng meeting. Hinintay na lang niyang lumabas ang kapatid. Nag-text siya rito at sinabing nasa Kismet Cafe ito sa baba ng building. Mabuti na lang at maaga ring nakalabas si Rayco kaya hindi na kinailangan ni Ray na maghintay pa nang matagal. "What's up?" bungad sa kanya ni Rayco.
"Anong pinag-usapan n'yo ni Mark?" magkasabay nilang tanong.
Napakamot sa ulo si Rayco. "Ikaw muna. Anong sabi niya? Bakit ka na-involve sa ganitong scandal, Ray?" Bakas ang pagkadismaya sa tono nito.
"Scandal? Nasa park lang naman ako nang nabaril si Anxo. Ginusto ko bang nando'n ako nung mangyari 'yon?" himutok ni Ray.
"Shhh, hinaan mo boses mo. And kahit na, bakit kasi dun ka pa sa park nagbabasa? P'ede namang sa bahay."
"E nangyari na, ano nang gagawin ko? Nag ooffer sila ng protection program. Okay ba 'yon?"
"I'm not sure. Are you really considering that offer? Babae ka so I'm not okay with that. Kahit pa may sarili kang room do'n, you'll be staying with people you barely know. May tiwala ako kay Mark pero lalaki pa rin 'yon... at hindi ko rin masyadong kilala si Sir Third o kung sino mas kasama n'yo ron."
"I know, you'll not approve this pero natatakot din ako sa puwedeng gawin ng perpetrator."
"And may high-blood si mama, we can't afford to tell her the situation."
Pagkatapos ng diskusyon ng magkapatid, naglakad na sila patungo sa istasyon ng dyip habang maaga pa at hindi pa lumulubog ang araw. Nasa casa* kasi ang kotse ni Rayco at baka nga next week pa niya makukuha. Habang binabagtas ang sidewalk patungong istasyon, naramdaman na naman ni Ray na para bang may sumusunod sa kanya. 'Yung feeling na may nakatingin sa kanila habang naglalakad. Pero sa tuwing lumilingon siya sa may likuran, hindi naman niya masipat ang lalaking nakita sa CCTV footage. Feeling din niya, masyado lang niyang iniisip ang nangyari kaya kung anu-ano na ang nai-imagine niya.
Tuloy pa rin ang diskusyon ng magkapatid nang matapos ang hapunan sa bahay. Dumiretso agad sila sa kuwarto ni Rayco nang maligpit ang mga pinagkainan. Todo explain pa rin si Ray sa kapatid.
"Still, that's stupid, Ray." Mainit na ang ulo nito pero pinipigil pa ring pagtaasan ng boses ang kapatid.
"Kesa madamay kayo," sagot ni Ray.
"Hindi ko p'edeng iwan dito sina mama."
"Bakit? Kasama ka ba?"
"Hindi ba sinabi sa 'yo ni Mark ang kundisyon ko? Na kung sakaling kakailanganin na mag-stay in ka ro'n, dapat kasama ako."
"Wait. What?"
"'Wag na lang. Dito na nga lang ako. Mas natatakot akong iwan sina mama rito, nang wala ka."
"We won't have this problem kung hindi ka punta nang punta sa park na 'yon."
"Paulit-ulit ka na lang. Can we not have this conversation, kuya?"
Hindi na rin sumagot si Rayco bago ito nag-walk out. Nang makalabas ng kuwarto ang kapatid, hinanap ni Ray ang phone nito para kunin ang phone number ni Mark.
Kinabukasan, gabi na natapos ang meeting ni Ray sa team para sa project for FATE. Nakauwi na rin si Camberina kaya mag-isa na lang siyang bumaba. Nang makalabas ng building, dumiretso ito sa paglalakad patungo sa istasyon ng dyip. Ang sidewalk naman na dadaanan ay puno ng lamp-post. Nang nasa tapat na ito ng Kismet Cafe, noon niya napansin ang isang lalaking nakasumbrero. Nakatayo ito sa ilalim ng isa sa mga lamp-post. Dahil sa anino ng sumbrero sa mukha nito at sa layo mula sa lalaki, hindi niya maaninag ang itsura nito. Ayaw niyang balewalain ang instinct niya. Hindi niya matukoy pero sa tingin niya, para ngang iyon ang lalaking nakita sa CCTV footage. Iyon ang dahilan kung bakit siya napatigil sa paglalakad. Sa aninag niya, sa ibang dako pa ito nakatingin at sapat na ang distansya nila sa isa't-isa para mas lalo siyang makalayo mula rito. Nanginginig siya sa takot. Babalik na sana siya sa office. Inilabas niya ang phone. She dialed Yurena's phone number. Nag-ring iyon. Pero hindi na nito napansin ang paparating na lalaki mula sa may likuran niya. Kaya nang umikot ito, hindi niya naiwasang bumangga rito.
BINABASA MO ANG
The Name In Your Book
ChickLitMark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman kilala ang author, nagulat si Ray nang makita ang pangalan niya sa dedication page ng librong iyon. 💛