Author's Note: Hey Hunters, it's a super short update. Just to conclude Chapter 16, thought I had to write this part. Hindi ko lang talaga agad nasulat at naisama sa nai-post ko kahapon. Enjoy!
▪️📱📱📱▪️
"Why didn't you tell me?" galit na tugon ni Mark. Nakasuot naman ito ng puting T-shirt at suot pa rin ang gray na sweatpants. Suot rin nito ang pambahay na tsinelas.
"Ano?"
"Na bababa ka, Ray." Nakatingin pa ito sa manipis na blouse ni Ray. Kahit na may jacket ito, hindi pa rin siya komportable sa suot nito.
"Mabilis lang naman ako," protesta pa ni Ray habang pilit isinasara ang zipper ng suot na jacket.
"Kahit na!"
"Oh, 'eto... babayaran ko lang 'to tapos babalik na agad ako sa taas."
"'Di ba bilin na bilin ni Kuya George na 'wag na 'wag kang lalabas?"
"So magtitiis akong walang napkin? Hayaan kong bumaha ng dugesh sa penthouse?"
"What? I mean, dapat sinabi mo sa 'kin. Para ako na lang ang bumaba."
Natigilan si Ray dahil sa naturan ni Mark. Nakatitig pa siya sa mga mata nito kaya alam niyang sinsero ito sa mga sinabi. "Nakakahiya kasi," sabi niya bago iiwas ang tingin sa binata.
"Why? You're already part of the household. Bakit ka mahihiya? Mas nakakahiya 'yung bababa ka nang ganyan," sabi pa nito bago napasinghal.
Iba ang naisip ni Ray sa sinabi ni Mark. "Sorry na. Need ko lang talaga 'to. It's a girl thing. Nakakahiyang iutos ko pa 'to sa 'yo."
"Sinabi ko na sa 'yo kanina, na if you need anything, anything, just tell me. Akin na 'yan." Hinablot pa nito ang hawak ni Ray at agad dumiretso sa counter. Dumukot din siya ng cash mula sa wallet niya para bayaran ang pinamili habang si Ray ay parang batang nakabuntot sa likuran niya.
Nang makabalik sila sa penthouse, mabilisang nagtungo si Ray sa rest room. Nagulat si Ray na paglabas niya ng rest room, nando'n pa rin si Mark. "Okay ka lang?" tanong pa nito sa dalaga.
"I guess. Sorry talaga."
"No, I'm sorry kung napagtaasan kita ng boses kanina."
"Okay lang. Kasalanan ko naman," sagot ni Ray habang naglalakad sila patungong salas.
Ngunit nang makarating sila sa tapat ng hagdanan patungong 2nd floor ng penthouse, doon na dumiretso si Mark.
Sa salas naman dumiretso si Ray kahit gustong-gusto niyang sundan ang binata sa taas. Gusto pa niyang kausapin ito. Gusto niyang itanong kung bakit para bang concerned na concerned ito sa kanya. Pero noon na rin niya napansin ang naiwan niyang phone sa sofa. Tapos, naalala rin niyang hindi pa niya napa-followback si Mark sa Pixtagram na kanina pa siyang na-follow. Agad niyang binuksan ang app at pagkakita pa lang niya sa bagong gawang account ni Mark, mayro'n na agad itong 100 followers. Agad niyang pinindot ang follow button. Tiningnan niya ulit ang profile nito at mali pala ang tingin niya kanina. Ang totoo, may 100K followers na pala agad ito. Nagulat din siya nang makitang iisa lang ang pina-follow nito. Kinabahan siya nang pindutin iyon para matukoy nga kung sino lang ang pina-follow nito. Posible kasing in-unfollow siya nito dahil sa katagalan niyang i-followback ito at ayaw niya ring umasa. Pagka-load sa profile nito, noon niya nakumpirma na siya nga pina-follow nito. It's her, @Raymen_Girl. Bumilis ang pintig ng puso niya. Hindi niya alam kung dahil lang 'yon sa kaba o sa ininom niyang kape kanina. Tiningnan din niya ang una at nag-iisang picture nito sa kanyang profile. Halos 10K na agad ang bilang ng likes noon. It was just a photo of his breakfast earlier. Pero nang titigan niya ang litrato, napansin niya ang mukha niya sa background. Candid ang shot. It was when she was eating the breakfast he cooked for her.
Lalo siyang nagulat nang mabasa ang caption noon:
If you're curious, check the third page of TPL #DayOff
Nasa ikatlong pahina ng libro ni Mark ang dedication nito, kung saan nakasulat ang pangalan niya. Pagkabasang-pagkabasa niya roon, gusto agad niyang umakyat sa 2nd floor para sitahin si Mark. During the beer ritual, he told her, it wasn't her. Pero ginugulo na naman siya ng post nito sa Pixtagram. Ayaw na niyang mag-assume.
Nasa tapat na siya ng hagdanan nang tumunog ang door bell. Mukhang may bisita sila. Sinilip niya muna ang screen na malapit sa lock ng pintuan. Ang screen ay konektado sa kamera sa labas kaya doon pa lang ay kita na dapat niya ang mukha ng sinumang papasok. Ang kamera ay nasa taas ng pintuan. Pero nakatungo ang lalaking nakasumbrero sa labas ng penthouse na tila'y sa sapatos nakatingin. Napalunok siya nang makitang pareho ang sumbrero nito sa nakitang lalaki sa tapat ng Tell Adworks bago siya lumipat sa penthouse. Pareho rin 'yon sa suot na sumbrero at jacket ng lalaking nakita niya sa may convenience store kagabi. Kaya nang unti-unti nitong iangat ang mukha, noon niya natukoy na ito nga ang dating crush. It's definitely him. Mark Alan Cortez.
BINABASA MO ANG
The Name In Your Book
ChickLitMark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman kilala ang author, nagulat si Ray nang makita ang pangalan niya sa dedication page ng librong iyon. 💛