18. The Chicken (2)

159 12 23
                                    

Habang nakatitig si Nat sa mga mata ni Caleb, nagkatinginan naman sina Anxo, Mark at Tara dahil din sa naturan ni Caleb. Hindi nila alam kung paniniwalaan nila ang sinabi nito. Parang si Ray na hindi agad nahigit ang kamay mula sa pagkakahawak ni Caleb. Ang nang tuluyang mabawi ang kamay mula rito, naalala niya nang mag-usap sila noong nakaraang gabi sa pool area.

Friday night at late nang nakauwi si Caleb. Halatang nakainom ito. Hindi naman sana siya didiretso sa pool area, narinig lang niya ang pop music na tumutunog mula roon. "Asan sila?" tanong pa niya nang mapansing mag-isa lang si Ray. May hawak pa itong bote ng beer sa isang kamay habang busy sa pagpili ng mga kantang idadagdag sa playlist.

"Pumasok lang si Anxo para kumuha ng nachos," ani Ray nang mag-angat ng tingin. She could still smell strong liquor radiating from Caleb. "Kanina ka pa?" dugtong niya nang ayusin ang pagkakagusot ng suot na tank top at para rin itago ang lumalabas na pusod.

"Ah, medyo. So-sorry. Hindi ko pa kayo mayaya sa club. Pero pagkatapos na pagkatapos nito at 'pag nahuli na na'tin 'yung bumaril kay Third, party-party na ulit tayo sa labas," bulalas niya. His face was red, and he was unsteady on his feet.

She's still not used to him talking this much. "Okay lang naman ako rito. Hindi rin ako mahilig lumabas lalo 'pag Friday night," saad niya.

"Sabagay. May kilala rin akong ganyan. Ang dami n'yo talagang pagkakatulad," napapangiting tugon ni Caleb. It's as if he was reminiscing something or someone from the past.

"Ah sino ba 'yon?"

"'Wala. Kinalimutan ko na siya."

"Weh? Maganda rin ba?" biro na lang niya para pagaanin ang mood nito. Sadya niyang itinago sa likod ng kaliwang tainga niya ang ilang takas na buhok. "O cute rin ba?" dugtong pa niya nang ilagay sa ilalim ng baba ang hugis puso niyang mga kamay habang nagpapa-cute dito.

"Maganda, s'yempre," malaki ang ngiting tugon nito.

"'Yan, gusto ko sa 'yo. Kaya dahil d'yan, bibigyan kita ng isang bote ng beer." Sinakyan na lang niya si Caleb dahil sa alam niyang lasing na ito.

"Ayaw ko n'yan."

"Eh anong gusto mo?"

"'Yung pichi-pichi mo. Ang sarap no'n. 'Yung dala mo last week."

"Hoy! Caleb. Andito ka na pala," sabat naman ni Anxo na hindi na nila naramdaman ang pagdating, malakas ang boses nito para parehong sa kanya matuon ang atensyon ng dalawa. Malakas din kasi ang music doon. Dala nga nito ang isang plato ng nachos na ipinatong niya sa maliit na mesa sa tabi ng lounge chair na inuupuan ni Ray.

"Kararating ko lang. Kayo lang talagang dalawa ang andito?"

"Nasa office pa si kuya. Ang ate mo, hindi pa rin umuuwi. Kasama naman niya si Ed," bida ni Anxo.

"Ahhhh... kaya pala. Pero Third, sabihin mo nga sa 'kin ang totoo. May gusto ka ba Ray?"

Nagulat si Anxo sa tanong nito.

Pero naunahan siyang magsalita ni Ray. "Naku, Caleb, lasing ka na nga talaga. Tara na sa kuwarto mo."

"Agad-agad?" nakangising sagot ni Caleb.

"Hatid na kita," patuloy ni Ray.

"No, Ray. Ako na maghatid sa kanya," sabat naman ni Mark nang lapitan si Caleb. Hindi na rin napansin ni Ray ang pagdating nito. Suot pa rin nito ang itim na polo na may logo ng FATE. "Saan ba siya nanggaling?"

"Kararating lang niya rito," sagot ni Anxo.

"Hindi ako lasing," protesta ni Caleb nang iakbay ito ni Mark sa kanya.

"Ah, okay," sagot ni Mark kay Anxo. "Matulog na rin kayo, lalo ka na Ray, maaga pa alis mo bukas," dagdag niya nang muling lingonin ang dalaga.

"Opo, master," nakangising sagot ni Ray.

Naputol ang pagmumuni-muni ni Ray nang muling magsalita si Nat. "Oh. Rayco's sister. Kaya ba hindi na kayo nag-uusap ni Rayco kasi nakalimutan mo na ang bro code?" sagot nga nito kay Caleb.

"Nat, p'ede ba? Umalis ka na lang kung wala kang magandang sasabihin," inis namang sagot ni Caleb.

"Caleb, please, let her eat. At least. Gusto ko ring marinig ang sasabihin niya," pakiusap ni Tara. Back then, she was really close to her. Alam din niya ang pinagdaanan nito kaya pilit niyang iniintindi ang naging desisyon nito na magpakalayo. Hindi naman niya binabalewala ang sakit ding pinagdaanan ni Caleb nang iwan ito ni Nat, lalo na't pati si Rayco ay hindi na muling nakausap ng kapatid.

Noon naman nila muling narinig ang tunog ng door bell. Agad tumayo si Caleb mula sa pagkakaupo at saka dumiretso patungong pintuan. Susundan sana siya ni Ray ngunit pinigilan siya ni Mark. Si Mark naman ang sumunod kay Caleb.

Nang buksan ni Caleb ang pintuan, tumambad sa kanya ang isang lalaking nakaitim na jacket at sumbrero. Dala nito ang itim na kahon ng hot and spicy na fried chicken. Si Mark ang nag-abot ng bayad dito. "Pasensya na, sana pala hindi ko na siya pinapasok," ani Mark.

"Ayos lang bro."

"Pero ano 'yung kanina? 'Yung kay Ray?" Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

"Kung totoo ba 'yon, may problema ba?" seryosong sagot naman ni Caleb.

"Well, ayoko lang maipit si Ray sa sitwasyon," depensa ni Mark.

"Hindi mangyayari 'yon," sagot ng pinsan niya nang iabot ang kahon ng fried chicken kay Mark at magtungo sa kabilang dako. "Yosi lang."

"Sige," tipid niyang sagot. Ngayo'y mas bothered siya sa mga sinabi ni Caleb.

"Sa'n siya?" tanong ni Tara nang madala ni Mark ang kahon sa mesa.

"Yosi lang daw, hayaan n'yo muna," tugon ni Mark. Bumalik ito sa tabi ni Ray. Noon muling nagdikit ang mga braso nila habang kinukumusta nina Tara at Anxo si Nat. Kaya naman kahit sa ilalim ng mesa, pilit ding hinanap ng kanang kamay ni Mark ang kaliwang kamay ni Ray. Ramdam pa nito ang init ng kamay ng dalaga nang tuluyang mahawakan. Isang manipis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ng binata at hindi iyon napansin ni Ray.

Kinabahan si Ray dahil sa ginawa ni Mark. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya na parang naririnig na niya ito. Maigting pa ang hawak ni Mark sa kanya. Lumingon si Ray sa katabi para itanong ng mga mata niya rito kung anong ibig sabihin ng ginagawa nito. Ngiti lang ang isinagot nito habang nilalagyan niya ng chicken ang plato ng dalaga. Dalawa lang ang chicken wings at ang isa pang piraso ay nasa plato na ni Mark.

"Ray!" malakas na tawag ni Anxo dahilan para magulat ang dalawa at magbitiw ang mga kamay sa ilalim ng mesa. "Ano 'yan?"

"No, let me explain," aboridong sagot ni Ray. Iba na ang kabang nararamdaman niya ngayon.

"Ha? I mean, anong part ng chicken 'yang nasa plate mo? Wing part, 'di ba? Favorite ko 'yan ee," tulirong tugon ni Anxo kaya pati si Nat ay napako ang tingin dito. Sadyang paborito ito ni Anxo kahit noong mga bata pa sila. Alam na alam iyon ni Aki kaya sa tuwing kakain silang mag-anak, ititira nila ang chicken wings kay Anxo. Kahit nga si Aki ay nagtataka kung bakit iyon ang paborito ng kapatid. "Please?" he added as he pouted his lips like a scolded child.

"Talaga ba? Sige sa 'yo na 'to. Eh. Sure ka nga?" tugon ni Ray nang iabot ang plato kay Anxo para madampot nito ang chicken mula roon. "Ako ha, mas gusto ko talaga ang thigh part," nagtataka pa ring sabi ni Ray. Aliw na aliw naman siya sa ngiti ni Anxo nang malagay nito ang piraso ng chicken sa plato niya. Relaxing iyon sa mga mata ni Ray. Totoong thigh part din ang gusto ni Ray sa chicken lalo na kung prito. Pero sa bahay nila, laging chicken wings ang natitira sa kanya. S'yempre ang isang thigh part ay para sa panganay, at ang isa naman ay para sa bunso. Sobrang laki rin tuloy ng ngiti niya nang iabot sa kanya ni Anxo ang thigh part na inaasam-asam niya.

Ngunit noon na rin biglang tumayo si Mark mula sa pagkakaupo. "Excuse lang, guys," marahang sabi nito. Dinukot nito ang phone sa bulsa bago nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

AN: If you like this chapter, please don't forget to vote and leave your comment/s.

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon