19. The Muse

174 15 21
                                    

Hindi na bumalik si Caleb sa dining area. Lumabas ito ng building kaya noon lang din niya nalamang lumabas din si Mark. Mula sa malayo, nakita niya itong tumatawid sa Ped Xing pabalik sa FATE Tower pero hindi na siya nagpakita pa rito. Sinuot nito ang earphones bago ipinagpatuloy ang pakikipag-usap kay Lucy sa phone at bago rin pinaharurot ang dalang sasakyan.

Habang si Mark ay naghihintay ng pababang elevator nang makabalik na sa loob ng FATE Tower, may natanggap itong text kaya na pinilit bumalik sa convenience store sa may entrance.

Nakangiti itong lumabas ng convenience store habang inaalala kung paano niya hinawakan ang kamay ni Ray kanina. Ayaw pa nga sana niyang bumaba kanina, pero nang itsek kasi niya ang phone bago siya lumabas sa penthouse, nakita niyang sarado na ang restaurant na nag-deliver ng chicken sa kanila kanina. Kaya naman sinadya na lang niya ang chicken resto sa tapat ng building. Disappointed siya sa sarili. Bukod sa napagtantong hindi pa niya alam ang paborito ng kapatid na si Anxo, hindi pa rin niya alam ang paborito ni Ray sa chicken. Pero kesa hayaang lamunin siya ng disappointment, tinanggap na lang niya ang katotohanan na sadyang marami pa siyang hindi nalalaman sa dalawa. At ang bawat araw ay panibagong pagkakataon para mas makilala pa niya ang mga ito. Ang totoo, mas bothered siya sa sinabi ni Caleb kanina. Hindi pa rin niya matukoy kung seryoso ito sa naturan.

Mag-isa lang ito nang sumakay sa paakyat na elevator. May bitbit itong dalawang supot na parehong galing sa chicken restaurant sa tapat ng building. Ang ikatlong supot na nasa kabilang kamay ay para sa mga pinamili niya sa convenience store. Napangiti na lang ito dahil sa naalala na naman niya ang paghawak niya sa kamay ni Ray kanina. Kaya naman nang makalabas siya sa elevator, nagulat siya sa sumalubong sa kanya. "Ray?" he called. "Bakit lumabas ka pa?"

"Okay ka lang ba? Nag-text ako sa 'yo. Hindi ka nag-reply," salubong ni Ray sa binata. Napatingin ito sa hawak nitong plastic bags.

"Sorry," he replied. Ililipat na sana niya ang isang plastic bag sa kabilang kamay para madukot ang phone, napigilan nga lang siya ni Ray.

"No, sorry. Akin na 'yang dala mo."

"No, I'm good. Tapos na ba kayong kumain?"

"No, hinihintay ka namin. Nasa dining area pa ang lahat. Except Caleb. Nakita mo ba siya?"

"Umalis si Caleb?" Inisip niya na baka kaya lumabas si Ray ay dahil sa susundan nito si Caleb.

Tumango lang si Ray pero bakas din sa mukha nito ang pag-aalala.

Bothered si Mark na worried din si Ray kay Caleb. Pero kung worried na si Ray dito, ano pa ang pag-aalala ni Mark dito? Bukod kay Aki, pinaka-close siya kay Caleb. May tiwala siya rito at nirerespeto niya ang mga desisyon nito sa buhay. Pero wala na si Nat sa buhay ni Caleb nang makilala niya ito. Ngayong nagbalik na ang dating kasintahan, hindi niya alam kung makakaapekto iyon kay Caleb. Pero ang mas mahalaga sa ngayon, may ideya na rin naman siya kung nasaan ito. "Sige, tawagan ko," bimbin niyang sagot sa seryosong tono.

Sabay silang pumasok sa penthouse at agad dumiretso sa dining area. Agad ding ipinatong ni Mark ang mga pinamili sa ibabaw ng mesa para dukutin ang phone sa bulsa.

Habang may kausap sa phone si Mark, inilabas naman ni Ray ang mga pinamili ni Mark mula sa plastic bags. Sa unang malaking plastic bag nakalagay ang ilan pang fried chicken na binili nito. Sobrang saya niya nang makitang maraming thigh part. Sa kabilang plastic bag naman niya nasilip ang chicken wings. Pero hindi na niya nasilip ang ikatlong plastic bag dahil sa agad iyong hinawakan ni Mark na mabilis natapos ang tawag. "He's okay. Don't worry," sabi nito kay Tara, pertaining to Caleb.

Nakita naman nila ang pagtayo ni Nat mula sa pagkakaupo nito. "Nasaan daw siya? Puntahan ko siya," sabi pa nito.

"May importante daw siyang appointment tonight and I don't know the exact location kung saan sila magkikita," sagot ni Mark.

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon