8. The Penthouse (2)

198 19 18
                                    

"Wet? Wait! Hindi ako ready, wala akong dalang swimwear," balisang sagot ni Ray.

"No prob, but we'll have to raid Tara's closet," mungkahi ni Anxo. Sinama siya nito sa Pink Room. Pink Room ang tawag nila sa kuwarto ni Tara dahil halos lahat ng gamit doon ay kulay pink. Mas malawak ito sa guest room at may sariling wardrobe room. Doon siya dinala ni Anxo. "Wala rito si Tara kaya ikaw na lang pumili ng mga p'ede mong isuot d'yan," sabi pa niya. Manghang-mangha si Ray nang buksan ng binata ang sliding door ng wardrobe room na nasa harapan ng kama ni Tara. Punong-puno iyon ng ibat-ibang klase ng damit at sapatos. Itinuro ng binata ang sulok kung saan naka-display ang ilan sa mga swimsuit ni Tara.

"Hindi ako nagsusuot ng ganyan e."

"Ah gano'n ba," malungkot ang mukhang tugon ni Anxo. Lumabas ito ng wardrobe room at saka umupo sa kama ni Tara habang hinihintay si Ray.

Dahil ayaw niyang malungkot ito, naghanap na lang siya ng one-piece bikini roon. Tamang-tama naman na may dala siyang Daisy Dukes. Ang denim short ay galing sa luma niyang tattered pants. "Okay, I'll take this," sabi ni Ray nang damputin ang pink na one piece sa may sulok. Mukhang hindi pa iyon nasusuot. "Sure ka bang okay lang na gamitin ko 'to?" paniniguro pa niya.

"Yes, ako bahala. Pero... okay lang ha... na hindi mo isuot 'yan kung hindi ka talaga comfortable." Napakamot sa ulo si Anxo.

"Okay lang naman," nahihiyang tugon ni Ray. Bumalik sila sa guest room para doon na magbihis si Ray. Nang maisuot na ang bikini at ang Daisy Dukes, humarap muna siya sa salamin at saka inayos ang buhok. Sinamantala na rin niya ang pagkakataon para ma-check kung may amos sa mukha.

"That will do," bungad ni Anxo nang makalabas ito sa CR.

"Sure ka?" Hindi na niya napigilan ang pagbungisngis dahil sa kilig.

"Yes, matutuwa si kuya Mark 'pag nakita niya," sabi pa nito nang tuluyang lumabas ng guest room.

Napasimangot si Ray. Hindi naman kasi si Mark ang gusto niyang makapansin sa kanya. "Nando'n na ba siya?" tanong niya.

"Yes, kanina pa. Actually, siya ang nag-prepare ng lahat ng ito."

Bumaba sila para magtungo sa pool area. Nadaanan nila ang malawak na living room ng penthouse. Kulay beige ang kulay ng mga sofa na hugis letrang U ang pagkaka-set up. Mas matingkad naman ang pagka-beige ng carpet sa sahig at mas light ang kulay ng kisame. Pero ang mas na-appreciate ni Ray ay ang magandang view mula roon dahil sa plateglass ang dingding. Kung si Yurena lamang ang kasama niya, nakapagpa-picture na ito roon. Background ang skyline ng syudad. Konting hakbang na lang at tanaw na rin niya ang sinasabing pool area ni Anxo. Enclosed ang lugar at kahit maliit lamang ang pool, gustung-gusto iyon ni Ray dahil sa forest vibes noon. Pero ang ikinagulat niya ay ang sumalubong sa kanila.

"Hey!" bungad ni Mark. Topless at nakatambad pa ang abs nito. May suot itong pulang boardshorts. Nakataas ang buhok pero kulang sa ngiti ang mukha nito.

Hindi na nakasagot si Ray dahil agad na ring ipinakilala ni Anxo ang mga kasama ni Mark sa pool area. Nandoon si Caleb na mohawk ang gupit at may itim na hikaw sa kanang tainga. Topless rin ito at may kanyang sets ng abs. Pero doon siya humanga sa malaking tattoo nito sa taas ng dibdib. Hindi siya sure kung anong ibon iyon. Basta malaki ang pakpak noon at maganda ang pagkakadisenyo. Katabi naman nito si Tara sa suot na two-piece bikini. Tuwid naman ang mahabang buhok nito. "Hi, Ray, did you pick that yourself or did Third pick that for you?" bati ni Tara sa kanya. Bumungad din sa kanya ang malaking ngiti nito. She wasn't expecting to see her. Hindi naman kasi sinabi ni Anxo na nasa pool area rin ito. "Hi po. Sorry, wala kasi akong dalang swimwear." At noon na rin bumalik sa loob si Anxo.

"Ayos lang gurl, mukha namang tamang-tama 'yan sayo. By the way, I like the Daisy Dukes."

"Improvised lang 'yan, sayang naman kasi 'yung mga lumang pants."

"Perfect. Marami akong hindi na sinusuot na pants, help mo ako minsan ha?"

"Sure po."

"Drop the 'po'. Magka-age lang kayo ni Third 'di ba?"

"Yes po."

"May 'po' na naman? 2 years lang tanda ko sa 'yo, gurl. Pareho pa rin tayong millennials. Anyway, welcome. I hope you enjoy your stay here."

Napatingin siya kay Caleb na ngayo'y nasa kabilang sulok na ng pool. Malayo ang tingin nito. Nakaupo ito sa gutter ng pool habang binubuga ang usok mula sa hawak na sigarilyo. Nakita rin niya nang lapitan ito ni Mark. Pinaypay naman ni Caleb ang kanang kamay para ilayo kay Mark ang usok ng sigarilyo. At habang pinagmamasdan ni Ray kung saan napapayid ng hangin ang usok, sumagi sa isip niya 'yung araw nang unang beses niyang nakita ang binata.

3 years ago when she first met Caleb nang minsang isama ito ni Rayco sa bahay nila. Noon pa lang ay na-intriga na ito sa lalaki. He's always been mysterious. Kapag nakikita niya ito para bang gusto niyang malaman kung anong tumatakbo sa isip nito. Lagi lang namang nasa kuwarto si Ray kaya hindi na rin sila nagkaro'n ng pagkakataon na makapag-usap. They'd exchanged a few glances but not enough to start a small talk. Hindi rin siya nag-eexpect na makikilala pa siya nito ngayon. Kaya nga lalo lang siyang naguluhan nang makita ito sa penthouse. Alam niyang Rushton si Caleb. Nagtataka lang siya kung bakit kasama ito nina Mark at Anxo. "Could it be that they're Rushtons, too?" she murmured to herself. Pero bumalik ang atensyon niya kay Tara nang mag-abot ito ng drinks sa kanya. Pinili niya ang goblet ng pulang wine.

"Thank you naman, kaano-ano n'yo pala si Caleb?" mahinang tanong niya kay Tara.

"He's my younger brother," nakangiting sagot nito. "Kumusta na si Rayco? Bakit hindi ka niya hinatid today?"

Hindi naitago ni Ray ang pagkagulat sa naturan ni Tara. Nang sabihin niyang kapatid niya si Caleb, noon niya nakumpirma na pinsan nga ito nina Mark at Anxo at posibleng Rushtons din ang magkapatid. Nagulat din siya nang hanapin ni Tara sa kanya si Rayco. "Kilala mo rin si kuya?" she asked.

"Yep, madalas siya rito noon. He's like a brother to our Caleb. Hindi mo ba natatandaan si Caleb?"

"Nakikita ko nga siya noon 'pag kasama niya si kuya. Nagtaka lang ako na hindi na siya ngayon pumupunta sa bahay."

"Busy na siguro sa work. Pero nagkikita naman sila sa office."

"Sa FATE ka rin ba, ate?"

Napatawa si Tara. "Yes," sabi nito.

Pero noon na rin sumenyas dito si Mark. "Patawag na kay Third," usap nito.

"Hoy, Mark Anxo, nasaan na 'yung ibang foods?" tawag nga ni Tara sa pinsan.

"Buo talaga, Tara? Eto na. Ako dapat ang pasyente n'yo pero kung alilain n'yo ako ha," angal ni Anxo nang makabalik sa pool area. Dala na nito ang salad at ilang sliced fruits sa bowl. 

Sa mga mata ni Ray, ang kyut-kyut ni Anxo sa ginagawa nito. "Need mo ba ng help? Ako na kukuha," presenta ni Ray. Nahihiya rin kasi ito kay Anxo. 

"No, bisita ka namin. Binibiro ko lang sila," natatawang sagot nito. Pero hindi rin niya napigilan si Ray na agad tumulong sa kanya sa paglalagay ng mga pagkain sa maliit na mesa sa may pool deck. Sinundan pa rin nito si Anxo sa kusina para kunin ang iba pang mga inihandang pagkain.

Nang makabalik sa pool area, noon niya nahuli ang mailap na tingin sa kanya ni Mark. Hindi niya ito pinansin at ibinaling ang tingin sa hawak na tray ng pagkain. Dahan-dahan lang ang paglakad niya sa basang deck para hindi madulas. Mabuti naman at maayos niyang nailapag ang laman ng tray. Babalik na sana siya sa kusina para dalhin ang tray ngunit hindi niya inaasahang matatapilok siya roon. Tumilapon ang hawak na tray. Akala niya'y tuluyan na siyang matutumba, mabuti na lamang at may matitigas na brasong sumalo at umalalay sa kanya. Nagulat siya nang maglapit ang mga mukha nila. Hindi niya inaasahang mukha ni Caleb ang bubungad sa kanya. 

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon