20. The Mishap (2)

164 12 11
                                    

"Yes, ako 'yon," sagot ni Mark.

Hindi alam ni Ray kung kanina pa sa tabi niya ang binata. Tinapos nito ang tawag kay Rayco at saka humarap kay Mark. Gusto niyang maiyak. Feeling niya, wala na siyang lugar sa mundo.

Pero habang nakatitig si Mark sa mga mata ng dalaga, hindi na nito napigilan ang pagdaloy ng mga alaala 1 year ago nang minsang magtagpo ang mga landas nila. 

Noo'y amoy pintura pa sa office ng FATE Publishing. Iilan lamang ang empleyado sa loob. Mabilis lang naman ang naging pag-uusap nila ng babaeng editor. Pagkatapos niyang makuha ang voucher ng free laptop na bigay sa kanya ng kompanya, kinumpirma din sa kanya ng editor na malapit nang simulan ang pag-piprint sa libro niya. Kasama kasi sa kontrata niya na maging exclusive writer ng publishing company na mabigyan ng bagong laptop at internet allowance. Dahil nga malapit na ang schedule ng printing, hinihingan na rin siya ng editor ng kanyang acknowledgement at dedication message na isasama sa libro.

Bukod sa masaya sa naging balita. Gusto niya sanang i-celebrate ito kasama ang mga kaibigan. Ngunit si Ara lang ang nakarating sa kanilang tagpuan. Kasama pa nga niya ito nang kunin nila ang laptop sa shop at nang i-organize na rin doon ang magiging delivery nito. May laptop pa naman siya kaya napag-desisyunan na niyang kay Mek na lang ibigay ang freebie mula sa FATE Publishing. Supportive naman si Ara sa naging desisyon ni Mark. Tulad kasi ni Mark, supportive din si Ara sa pagsusulat ng kaibigan.

Dahil sa maagang hinanap ni Christian, naunang umalis si Ara. Biniro pa nito si Mark, "Next time ha, sa 'kin mo naman ibibigay ang laptop."

Umalis na rin si Mark pagkaraan ng ilang minuto dala ang kanyang motor. Suot ang bucket helmet, agad nitong pinaharurot ang motor pauwi sa bahay. Mabilis ang mga pangyayari at hindi niya inaasahan nang biglang sumemplang ang minamanehong motor nang masabitan ito ng nag-overtake na kotse. Muntikan na ring mahagip ng rumaragasang kotse ang tumatawid sa Ped Xing na si Ray. Tumilapon ang katawan ni Mark na bumagsak malapit sa kinatatayuan ni Ray. Galing pa naman si Ray sa book signing event ni JB Tomlinson kaya masayang-masaya ito bago tumambad sa kanya ang duguang mukha ng binata.

Tumakas ang kotseng nakasabit kay Mark at natagalan pa bago dumating ang mga pulis. Noo'y alalang-alala si Ray sa lalaki sa harapan pero hindi niya ito mahawakan. Sinama na rin ito ng mga pulis sa ospital. Naabutan pa nga niya nang magkamalay si Mark pero hindi na sila nakapag-usap. Nandoon na kasi si Rayco para sunduin siya.

Pinabasa ng mga pulis kay Mark ang pirmadong incident report na sinulat ni Ray.

Kaya ngayon, habang nakatitig sa mga mata ng dalaga at matapos alalahanin ang pangyayaring iyon, hindi na niya pinigilan ang sarili. Niyakap niya ito. "Sorry," bulong pa nito sa dalaga. 

Hindi tuloy makakibo si Ray mula sa pagkakayakap ng binata. Napapikit ito nang isandal ang ulo sa dibdib ni Mark. Hubad pa naman ang binata at kahit bagong gising, mabango ang katawan at rinig pa niya ang bilis ng pagtibok ng puso nito. "Para sa'n ba?" maang-maangan niya na ayaw pang umalpas mula sa pagkakayakap nito. It felt like home.

"For everything I didn't tell you," tugon nito habang hinahaplos ang buhok ng dalaga.

Marami pa sana siyang gustong itanong kay Rayco pero dahil sa ngayo'y nasa harapan na nito si Mark, parang dito na niya gustong itanong lahat ng gumugulo sa kanya. Pero mas magulo ang kabog sa loob ng dibdib niya. Parang sasabog ang puso niya dahil sa nararamdaman.

"For hurting you," dugtong ni Mark nang hindi magsalita si Ray.

"Okay lang ako. Tumawag lang ako kay kuya."

"Umiiyak ka e. You're not okay."

Hindi na rin alam ni Ray kung bakit siya naiiyak. "Naiinis lang ako. It's just me," sagot nito nang tuluyang makaalpas mula sa pagkakayakap ni Mark. Gusto muna sana niyang itanong dito kung bakit sinabi nito kay Caleb na wala itong lakad ngayon. Pero iba ang lumabas sa bibig niya. "Pero bakit ba tayo humantong sa ganito? Na kailangan kong tumira rito?" Muli itong umupo sa dulong bahagi ng lounge chair.

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon