Nagulat si Ray nang makita si Tara sa may pintuan ng kuwarto. Sarado na ang pinto at may dala itong tatlong denim pants. "Sorry, Ray. Nagulat ba kita? Kumatok naman ako e naka-headset ka pala."
"Hindi, okay lang. Kanina ka pa ba d'yan? Sorry. Gawin na natin? Tatlo lang ba?" Napilitan siyang putulin ang video call nila ni Yurena dahil kailangan niyang unahin ang pagpuputol ng pantalon. Napamulaga pa si Ray nang makita ang brands ng mga pantalon. "Sure ka ba?"
Mahigit isang oras din silang nagkuwentuhan ni Tara. Nalaman ni Ray na sa opisina na pala ito kumain kanina dahil sa sobrang dami ng trabaho na kinailangan niyang tapusin. Nalaman pa ni Ray na kaibigan nito ang sikat na author na si JB Tomlinson. Napag-usapan din nila si Anxo at ang social problems nito na dahil marahil sa home-schooled ito nang mahabang panahon. Yes, he's friendly. Pero laging sa simula lang. Sa tatlong kasama sa bahay, pinaka-komportable si Anxo kay Tara. Siguro dahil sa pareho silang sporty.
Nang matapos sa Daisy Dukes, agad na ring bumalik si Tara sa room niya. Mukhang pagod na pagod ito at pinilit lang bisitahin si Ray. Maglilinis na sana siya ng katawan nang maalalang nakakandado pa nga pala ang pinto ng restroom. Lumabas siya nang kuwarto para puntahan si Anxo. Walang sumasagot nang katukin niya ito kaya binuksan niya ang pinto para silipin ito sa loob. Pero wala ito roon kaya bumalik na siya sa kuwarto. Laking gulat niya nang madatnan doon si Mark.
"Bukas na CR mo," bungad nito. Nakatayo ito sa tapat ng pinto ng restroom. Suot pa rin ang itim na sando para litaw ang malalapad na balikat. Bagsak ang buhok. Ang pungay ng mga mata pero parang inaantok.
"Bakit mo nalaman?" pagtataka ni Ray.
"The master knows everything," may kompiyansang sagot ni Mark. "For now, 'wag mo na lang muna i-lock. Bukas na bukas ipapaayos na natin."
"Thank you ha."
"Wala 'to. Kumusta sa bahay n'yo?"
"Nakausap ko naman sila kanina, okay naman. Sila pa 'yung worried sa akin e," prenteng sagot ni Ray kahit nagulat sa tanong nito.
"Ah. Bakit raw?"
"Ang popogi niyo raw baka raw hindi na ako Ruiz pagbalik sa bahay, charot," biro niya rito. Mas komportable talaga siyang magbiro kay Mark dahil sa tatlo, mas maraming beses na silang nakapagkuwentuhan. Komportable din naman siya kay Anxo pero dahil nga crush niya ito, hindi niya ito mabiro ng tulad kay Mark. Hindi pa siya handang malaman nito ang nararamdaman.
"Hindi malayo."
"Ha?"
"Hindi malayo ang room ni Third dito. Madali mo siyang mapupuntan."
"Parang botong-boto ka na agad sa 'min ah, kuya Mark," tudyo pa ni Ray. Sinilip pa niya ang reaksyon sa mukha nito.
"Whatever," sagot nito bago lumabas ng kuwarto.
"'Oy, joke lang. Wala namang sinabing gano'n sa bahay. Basta mukha namang okay sila. Na wala ako ro'n." Mahihimigan ang lungkot sa tono nito.
Nagulat si Ray nang bumalik si Mark sa kuwarto. "I talked to Tita." Seryoso ang tingin nito.
"What? Kelan?" Umupo si Ray sa sofa.
"Bago kita sunduin sa inyo nung Sunday. Kinausap ko siya sa phone. I can tell she was crying when I told her that you're moving here." Umupo na rin ito sa sofa at tumabi kay Ray. Pero diretso ang tingin nito sa TV.
"Bakit naman siya iiyak?" Humahapdi na ang mga mata ni Ray. Alam niyang hindi siya favorite ng ina kaya hindi niya alam kung maniniwala siya. Hindi pa rin naman niya nakikitang umiyak ang ina.
"Sabi niya first time mo raw aalis ng bahay. Hindi ka raw marunong magluto, maglaba, at baka raw di ka makatulog 'pag hindi mo katabi si Renren. Baka raw hindi ka rin magising on time. Baka raw ma-late ka sa work. She was worried. But I assured her that everything will be alright. I told her Tara will take care of you. You see, Tara moved back here for you, for Anxo."
"Really? Nakakahiya talaga sa inyo."
"As much as possible we don't want the incident to inconvenience you. We're all just trying to keep Third safe. He's family, sabihin man ng iba na OA ang decisions at actions namin." Isa sa mga na-appreciate ni Mark ay ang suporta ni Anxo sa book niya. Kahit gaanong ka-busy, pinilit nitong basahin ang libro ni Mark. But unlike his relationship with Aki, nangangapa pa talaga siya kay Anxo.
"Kaya nga okay lang sa 'kin. You can inconvenience me basta para kay Anxo."
"Mukhang totoo nga sinabi ni Renren." Nagulat siya nang titigan siya nito sa mga mata.
"Tanda mo pa 'yon?" Inilipat niya ang tingin sa TV.
"Tanda ko rin lahat ng mga sinabi mo."
"'Yung kagabi? Sorry na."
"Nope. Dun sa ramenhouse. Totoo rin lahat ng sinabi ko sa 'yo. Totoong choice ko rin namang maging part ng Rushton. I could have said NO to them. Siguro nga dahil may ambisyon rin ako, at kailangan kong kumapit sa connections ko. Tama ka, hindi naman siguro mapipili ang manuscript ko kung hindi ako anak ng may-ari ng publishing house."
"I didn't know what I was saying last night. Pati nung nag-ramen tayo. Kalimutan mo na 'yon. Mag-ramen na lang ulit tayo? Nasa akin pa naman 'yung coupon." Pinilit niyang pasiglahin ang atmospera. "Please?"
"Okay sige. Let me know kung kelan." Pinilit din ni Mark ang ngiti.
"Yey. Sige. Basta 'wag mo na akong sungitan," biro na naman ni Ray.
Hindi sumagot si Mark at agad nang lumabas ng kuwarto.
"Good night," tawag pa ni Ray rito. Hindi man lang ito lumingon sa kanya.
Nang maisara ni Ray ang pinto, noon pa lang lumingon si Mark. Hindi niya alam kung tama bang nagkuwento siya rito.
Nang makahiga sa kama, tumawag ulit si Ray kay Yurena at kinuwento rito ang pagpunta ni Mark sa kuwarto niya. Naguguluhan siya sa nararamdaman niya.
"OMG, bet ka no'n. He's always around when you need him. 'Di ba sa 'yo rin niya dinedicate ang book niya. OMG. I just remembered."
"Parang tangi 'to. Hindi nga raw ako 'yon."
"Regardless. 'Yung actions niya kanina, it shows he cares for you."
"Tingin mo? I mean, he's tall, dark but not so dark, and definitely handsome."
"O tingnan mo pati ikaw mamaya nahulog ka na sa kanya," paalala ni Yurena sa kaibigan.
"Ewan ko ha, but I felt a connection between us. Parang comfortable akong mag-open sa kanya. I just hate 'pag nagsusungit siya."
"Alam ba niyang bet mo si sir Anxo?"
"Yes. Alam niya e."
"Confirmed bes, nagseselos 'yon. Kaya nagsusungit."
"'Wag ka ngang basta-basta mag-conclude d'yan. Napahamak na tayo d'yan."
"Malakas ang pakiramdam ko this time. I-test mo kaya siya. 'Pag kinausap mo ulit, itanong mo kung anong favorite food ni Anxo. Alam mo namang omurice lang 'yon, 'di ba? 'Pag iba sinabi niya 'yon, ibig sabihin gusto ka no'n. 'Pag sinabi naman niyang hindi niya alam, isip ka ibang tanong. Pero kapag sinabi niya ang omurice, negative tayo."
"Sige nga."
Maaga siyang nagising nang sumunod na araw. Naligo muna siya bago bumaba sa dining area para sa breakfast na niluto ng kasambahay. Nang makapagbihis at lumabas ng kuwarto, saktong nasalubong niya si Mark sa may hagdanan. "Morning," bati niya rito.
Ngiti lang naman ang naging bati nito. Basa pa ang buhok nito at naalala niya nang makita ang sparkling abs nito kahapon pagkatapos niyang pasukin ito sa restroom sa baba.
"Mukhang maaga gising na'tin ngayon, makakapag-breakfast pa tayo. May tanong ako."
"Yes?" Kunot ang noong tugon nito.
"Alam mo ba kung anong favorite food ni Anxo?"
"Uhmm, I know kung ano madalas niyang ipaluto."
"Ano?" Hindi niya maalis ang tingin sa mukha nito.
"'Yung omurice. Omolette rice."
AN: Hello City Readers! Thanks for your support hanggang dito sa sequel. If you like this update don't forget to VOTE.
BINABASA MO ANG
The Name In Your Book
ChickLitMark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman kilala ang author, nagulat si Ray nang makita ang pangalan niya sa dedication page ng librong iyon. 💛