Sandamakmak na posts ang bumungad kay Ray nang bisitahin niya ang newsfeed ng online account. Ang daming posts ng mga kaklase niya noong college tungkol sa bago nilang sasakyan, bahay, trabaho, travels, at jowa. Kaya't napangiti ito nang biglang lumabas ang bagong post ng ultimate crush. Hindi na niya maalis ang tingin sa screen ng hawak na phone habang pilit pinipigil ang ngiti at habang nakaupo sa mahabang sofa sa salas ng bahay nila. Ang sabi pa sa post ng crush nito, patungo raw ito sa park para tumakbo. Magpapaaraw at magpapapawis na naman ito na bahagi na ng kanyang weekend routine. Halos makabisa na nga rin ni Ray ang daily schedule nito. Alam niya kung saan ito nakatira at alam din niya na sa condo ito magmumula dahil na rin sa ka-popost lang nitong selfie sa kuwarto niya. Mabilis pa sa alas-kuwartong umakyat si Ray sa kanyang kuwarto para naman magbihis. Alam niya na maabutan niya ang crush sa park dahil hindi rin naman kalayuan ang bahay nila sa nasabing destinasyon.
Nang matapos magpulbo, maglagay ng konting drunk blush sa pisngi, at nude lipstick sa labi, kinuha na nito ang maliit na body bag na nakapatong sa kama niya. Pagkatapos magpaalam kay Renzy, nag-abang na agad siya ng trike sa daan. Mabilis lang naman siyang nakasakay. Nang makarating sa tapat ng Kismet Bookshop kung saan siya mag-aabang ng jeep para makarating sa park na pupuntahan ay saka naman biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pero dahil walang dalang payong ay doon muna siya sa loob ng bookstore pumasok. Pagpasok naman niya sa bookstore, bumungad na sa kanya ang mga bagong labas na libro ng mga kilala niyang author. And'yan ang mga bagong libro nina JB Tomlinson at Alma Young. Pero bago pa siya makalapit sa bukanang shelf ay agad siyang binati ni Yurena na doon na rin sa bookstore nagtatrabaho. "Rayshel? Bakit nandito ka, bes?"
"Jusko, Yurena, buo talaga? Miss you," bati rin nito sa kaibigan bago bumeso rito.
"'Tse, kung na-miss mo talaga ako, sana matagal mo na akong binisita rito? Muntik na kitang makalimutan."
"Sorry na. Pero teka lang bakit hindi ako updated sa mga librong 'to? Parang ang daming bago," sabi nito nang muling ibalik ang tingin sa kaharap na istante.
"Oo, kadedeliver lang ulit n'yan kahapon," ang sagot ni Yurena.
"Ah, baka next time pa ako makabili, ipag-reserve mo ako ha. Wala pang sweldo e."
May dinampot si Yurena na libro sa shelf na 'yon bago nakasagot kay Ray, "Sure, bes. Ito ba, nabasa mo na?"
"Kay Mark Jin. First book niya, at 'yan ang number 1 best seller ngayon dito sa KB. Pero hindi ko pa rin naman nababasa, hiram na lang ako sa 'yo 'pag nakabili ka na," natatawang sagot ni Yurena sa kaibigan.
"As if hindi ka nagpa-private reading dito lalo na 'pag walang masyadong customer," natatawa ring tugon ni Ray.
Sasagot pa sana si Yurena pero tinawag na ito ng manager niya. Nahuli pa yata siyang nakikipagtsismisan kay Ray. Hindi na na-bother si Ray kasi ngumiti rin naman sa kanya ang dating manager.
After niyang mag-wave kay Yurena na nagmadaling bumalik sa kabilang bahagi ng bookstore kung saan siya dapat nakapuwesto, ibinalik na ni Ray ang tingin sa hawak na libro. Aminado siyang interesado siya dahil sa book cover nito. Intriguing rin para sa kanya ang title nito. Mabuti na lang at wala nang balot na plastic ang librong iyon kaya nasilip na rin niya ang loob nito. Pagdating niya sa ikalawang pahina ay bumungad na roon ang dedication page nito. At laking gulat niya nang makita ang sariling pangalan doon:
Para Kay Rayshel Ruiz.
BINABASA MO ANG
The Name In Your Book
Romanzi rosa / ChickLitMark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman kilala ang author, nagulat si Ray nang makita ang pangalan niya sa dedication page ng librong iyon. 💛