Ngunit bagkus na sagutin ni Mark si Ray, dumaan lang ito sa harapan niya na parang hangin. Diretso lang ang tingin nito sa pintuan. And all they heard was the quick slamming of the door.
Ibinalik ni Ray ang tingin kay Anxo na tulad niya'y nagulantang din sa nangyari.
"I'm sorry, Ray. Hindi na dapat kita niyaya sa park?" ani Anxo nang bahagyang itungo ang ulo.
"Anong problema no'n?" sagot ni Ray kahit mahapdi na ang mata at hindi na makontrol ang panginginig ng mga labi.
"Baka nagselos lang?" patanong ding sagot ni Anxo. Hindi nito pansin ang naluluhang mata ni Ray dahil sa suot nitong glasses.
"Hindi nga raw e, 'di ba?" maktol ni Ray. "Nung sinabi n'ya 'yon, parang diring-diri siya sa 'kin."
"Hindi 'yon, baka nga nagseselos lang?" sabi ni Anxo.
"Nakakatakot siyang magselos ha. I know, hindi ko dapat nararamdaman ito, hindi dapat ako umaasa sa imposible. Hindi ko dapat hinayaan ang sariling ma-fall sa kanya. Sino ba naman ako?"
"Ray," halos pabulong na sambit ni Anxo. Noon na lang niya napansing naiiyak na ang dalaga kaya naman pinalawak niya ang mga braso para yakapin nito. He didn't know what to say. Hindi rin niya alam ang tumatakbo sa utak ni Mark.
Hindi lang naman si Mark ang gumugulo sa isipan ni Ray at kung bakit siya naiiyak ngayon. Iniisip niya ang ina sa ospital. Iniisip niya ang ama at kung paano pa maaayos ang pamilya nila. At s'yempre, pinuproblema niya ang trabaho niya sa TA. Alam niya 'yung nangyari sa isang department ng TA noong nakaraang buwan, nang ma-dissolve ang isang buong team. Kaya nga niya ginagalingan sa trabaho at ibinubuhos ang best niya para sa project nila sa FATE ay dahil sa ayaw niyang mawalan ng trabaho. Alam niyang mahirap maghanap ng trabaho ngayon. Kahit nga sa KB ay hindi siya na-absorb pagkatapos ng internship niya roon ng halos tatlong buwan. Aminadong hindi matalino at sinuwerte lang siya na makapasok sa TA. Ngunit alam niya ring hindi siya palaging kakapitan ng suwerte. Kaya habang nakasubsob sa dibdib ni Anxo, muli na namang sumulpot si Mark sa isipan niya. Pareho kasi ang scent ng magkapatid. Naalala niya ang nangyari sa kanila noong Linggo nang isuko niya rito ang Bataan. "At sa'n naman siya pupunta? Bakit kailangan niyang mag-walk out? Pagkatapos ng lahat," humahagulhol na maktol ni Ray. Hindi naman niya maamin kay Anxo na may nangyari na sa kanila ni Mark. Naiinis pa siya sa sarili dahil ginawa nila iyon habang nasa ospital ang ina.
"Susundan 'yon ni Mang George. 'Wag kang mag-alala," malumanay na sagot ni Anxo habang hinahaplos ang buhok at likod ng dalaga. Nang tumigil sa pag-iyak si Ray, ikinuha ito ni Anxo ng maiinom na tubig. Pero bago niya binuksan ang ref, he switched on his phone to make a quick call. Nang balikan niya si Ray sa salas, nalungkot siya nang maabutang tulala pa rin ito, na para bang nakatingin sa kawalan.
"Alam mo bang matagal ka nang kilala ni kuya?" ani Anxo nang iabot ang baso ng tubig sa dalaga.
Umiling lang si Ray. Hindi rin niya masyadong na-absorb ang sinabi ni Anxo.
"Noong araw na muntikan ka nang masagasaan ng motor, kung naalala mo pa iyon... noong intern ka pa lang sa KB, sakay ako ni Kuya Marvin pauwi sa condo. At alam mo, kitang-kita ko kung pa'no ka iniiwas ni kuya sa motor. To the point na muntikan na siyang masagasahan noon," kuwento ni Anxo kaya napatingala sa kanya si Ray. "Kaya noong tinatanong mo ako kung ako ba 'yung lalaking nag-save sa 'yo, alam ko na rin kung sino 'yung tinutukoy mo no'n. Pareho lang kami ng suot that night kaya siguro inisip mong ako 'yon. But I knew back then that I was not in the position to tell you... who really that person was. Ni hindi nga alam ni kuya na nandoon ako at nakita ko ang nangyari. All I did was to call Dad and advised him to check on kuya. Turned out, he injured his leg and pretended he was okay. He was brought to the hospital anyway. But why I'm saying this? Well, I want you to know that he's a good person. Lagi siyang may reason, why he does things. No matter what he says, it's always his actions that speak the truth, the real story. I think he just wants to keep us safe. Kaya niya nga tayo tinipon dito sa penthouse. To be honest, he's the sole owner of this penthouse. Sa kanya na ito ibinigay ni Dad at gawa-gawa lang namin 'yung mga house rules. Made for fun, but something we can follow seriously. Well, he's really the master of the household, for owning this property and letting us all live here."
BINABASA MO ANG
The Name In Your Book
ChickLitMark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman kilala ang author, nagulat si Ray nang makita ang pangalan niya sa dedication page ng librong iyon. 💛