Hatinggabi nang maalimpungatan si Ray mula sa mahimbing na pagkakatulog. Lumabas siya ng kuwarto para kumuha ng tubig sa baba. Pero mula sa hallway ay tanaw nito ang nakabukas na pintuan ng kuwarto ni Mark. Patay naman ang ilaw ng kuwarto nito kaya hindi na niya sinilip.
Kinabahan naman siya nang makababa dahil sa patay ang ilaw roon. Hindi siya sanay na madilim sa salas. Tapos nakarinig pa siya nang mahihinang kaluskos mula sa may kusina.
Naalala niya ang lalaking naka-black cap at black na jacket. Pero alam niya naman na imposibleng makapasok ito sa loob ng penthouse kaya lakas-loob siyang dumiretso sa may kusina.
Nang bumungad sa kanya ang dining area, nagulat siya nang makita roon na mag-isang nakaupo si Mark sa harap ng laptop nito. Patay rin ang ilaw roon kaya ang ilaw lang mula sa screen ng laptop ang nagbibigay ng liwanag kay Mark. Iyon din ang dahilan kung bakit nakita niya ang mukha nito. May suot pa nga itong glasses.
"Mark?" tawag dito ni Ray.
Nagulat si Mark sa biglang pagtawag ni Ray. Dahil sa sobrang pokus ito sa sinusulat, hindi na pala nito namalayan ang paglapit ni Ray. "Oh, hey. Raymen girl. Bakit gising ka pa?"
"Ako dapat ang magtanong sa 'yo n'yan. Ako, nakatulog na. Ikaw, mukhang wala pang tulog ah."
"See, I was typing something."
Noon lang na-realize ni Ray na nagsusulat ng manuscript si Mark. "Well, to be honest, muntik ko nang makalimutan na writer ka. Buksan ko ba ang ilaw?"
"No!"
"Ah okay. Pero, masama 'yan sa mga mata mo."
"Ah, may screen protector naman 'tong laptop. And I trust my glasses. Thanks."
"Sabagay. Ay sorry, naabala na kita sa pagsusulat."
"No, that's okay," sagot nito nang muling ibalik ang pokus sa laptop.
Hindi na tinanong ni Ray kung bakit sa kusina nagsusulat si Mark. Wala naman siyang nakitang pagkain sa harap nito. Kahit kape wala. Dumiretso na lang muna siya sa ref para kumuha ng maiinom na tubig. Dahan-dahan siyang bumalik sa dining area nang makainom. Ayaw na sana niyang abalahin si Mark pero nang dumaan siya roon, napansin pa rin niya ang pag-angat nito ng tingin. "Sorry," nahihiyang sabi niya nang mapagtantong naabala na naman niya ang binata.
"Okay nga lang."
"Gusto mo ba ng coffee? Ipagtimpla kita bago ako bumalik sa kuwarto," alok nito.
"Thanks, pero paakyat na rin ako."
"Naku sorry, sana hindi na lang pala ako bumaba, naabala pa kita."
"Ha? Sadyang patapos na akong magsulat nang makababa ka."
"Mabuti naman. Nakabalik na ba si Caleb?"
"Yes, kanina pa. Ando'n na siya sa taas."
"Tingin mo, bakit niya sinabi 'yon kanina?"
"Ang alin?"
"Ah, wala. Sabay na tayong umakyat?"
Isinara muna ni Mark ang laptop bago sumagot, "Let's go."
Nang makarating sa taas at bago maghiwalay sa paglalakad patungo sa kani-kanilang kuwarto, muli siyang nilingon ni Mark. "Wanna come?"
Napalunok si Ray. "You mean sa room mo?" Ang dami na agad niyang na-imagine.
"No," protesta ni Mark kaya halos kainin na si Ray ng hiya. "Sa rooftop. Ando'n si Caleb hinahanap ang Milky Way," he added. Malapit nga pala sa room nito ang daan patungong rooftop.
BINABASA MO ANG
The Name In Your Book
ChickLitMark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman kilala ang author, nagulat si Ray nang makita ang pangalan niya sa dedication page ng librong iyon. 💛