Gustong isipin ni Ray na hindi si Anxo ang nakitang duguan at nakahandusay sa harapan niya. Sapat na ang masilip ang mukha nito nang isang beses. Kahit mas madalas makita sa Pixtagram, hindi niya maikakailang napalapit na rin siya rito. Ito na ang naging inspirasyon niya. May mga araw na ang makita lang ito ay sapat na para sumaya siya.
May ilang mga taong nauna nang lumapit kay Anxo pero hindi talaga kakayanin ni Ray na mas lumapit pa rito. Ang totoo, takot siya sa dugo. Sinubukan niyang tawagan si Yurena sa phone pero hindi nito nasagot ang tawag. Mas umingay na rin ang mga usapan at ang mga sasakyan sa paligid at nagsimula na rin ang traffic jam. Mabuti na lang at mabilis nakarating ang mga pulis. Nang makarating ang mga ito, may dalawang nag-check sa kalagayan ni Anxo at agad nila itong isinakay sa ambulansya para ma-evacuate sa hospital. Pinalibutan nila ng barricade ang crime scene at ang ilan sa kanila na nakapalibot doon ay nilapitan ng ilan sa mga pulis para ma-interview. Dumating din naman ang team ng SOCO na siyang kinausap ng isa sa mga naunang pulis na dumating.
Hindi malaman ni Ray ang gagawin. Parang napako ang mga paa niya sa kinatatayuan. Nanginginig pa rin ang mga kamay hanggang sa mga oras na iyon. Hindi pa tuluyang mag-sink in sa kanya ang nangyari. Noon na siya napansin at kinausap ng isa mga personnel ng SOCO. Hindi agad siya makapagsalita. Para siyang nabibingi. Tinanong tuloy siya kung kilala niya ito. Lalo siyang hindi makasagot.
"Miss?" muling tawag nito. Navy blue ang suot nitong polo shirt at sumbrero na parehong may tatak na SOCO.
"Okay lang po ba siya? Matindi po ba ang tama ng baril?"
"Hindi ko pa 'yan masasagot sa ngayon. Pero nasaan po kayo nang mabaril ang biktima?"
"Ang-ang alam ko lang po, tumatakbo lang siya sa park kanina. Nakita ko siyang lumabas ng park, tapos nang tatayo na ako mula sa bench, nakarinig na lang po ako ng putok ng baril, kaya sinilip ko kung saan nanggaling."
"Pero kilala mo nga 'yung nabaril?"
Hindi niya alam ang dapat isagot dito. Naisip niya na baka madawit siya sa imbestigasyon kapag nalaman nitong sinusundan niya ang binata. Alam niyang p'ede siyang maging suspect bilang accomplice or accessory to the crime kung mali ang maging sagot niya rito. At sa tingin niya, ang mali ay ang sabihing kilala niya ang binata. Mas pahahabain lang din noon ang diskusyon. "Hindi po, sir," bimbin niyang sagot sa tagapagsiyasat.
Kinuha ng tagapagsiyasat ang pangalan niya at ang kanyang contact number para makontak daw siya kung sakaling kakailanganin pa nila ng karagdagang impormasyon. Inisip ng tagapagsiyasat na baka traumatized pa nga si Ray dahil sa nasaksihan.
Samantala, nadala na sa emergency room si Anxo. Naunang dumating si Mica sa ospital. Habang may kausap sa phone, mabilis itong tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Anxo. Hindi na nito napigilan ang pag-iyak nang makita ang sinapit ng binata.
Gabi na nang makarating si Ray sa bahay at totoo ang iniisip ng nakausap na imbestigador, traumatized nga ito dahil sa nasaksihan. Ayaw na ayaw niyang makakita ng dugo. Kanina pa rin siyang nakatitig sa phone, at paulit ulit na nire-refresh ang profile ni Anxo sa Pixtagram. Pero kahit anong refresh n'ya, tanging ang huling update lang nito kanina bago tumakbo ang tumatambad sa kanya. Ilang oras din siyang nakatulala roon hanggang sa pumasok sa kuwarto si Renzy. Doon na siya napahagulhol sa pag-iyak. Niyakap nito si Renzy pero hindi nito sinasagot ang tanong ng kapatid. "Ano ba talagang nangyari?" pilit pa ni Renzy. "Tatawagin ko ba si mama?"
Nang mapansin na parang naiiyak na rin ang kapatid, noon na nagkuwento si Ray. "Wala man lang akong ginawa nang makita ko siya roon, wala akong kuwentang tao. One minute, tumatakbo lang siya papalapit sa akin, the next minute, duguan na siya," iyak pa nito. "Hindi ko lubos maisip na makikita ko siya sa gano'ng kalagayan at hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano na ba ang nangyari sa kanya sa ospital. I really hope he's safe, na hindi matindi ang tama ng baril." Galit pa rin siya sa sarili dahil hindi niya nga raw malapitan ang binata kanina. Baka raw dapat mas maaga nila itong nadala sa ospital. "Sino bang alam ang gagawin sa gano'ng sitwasyon?" sabi niya sa sarili, malakas kaya dinig din ni Renzy.
Nang mainom ang dalang tubig ni Renzy, noon niya sinabi rito na kailangan niyang makita si Anxo. Kailangan niyang malaman kung nagkamalay na ito. At dahil alam na naman niya kung alin ang pinakamalapit na ospital sa crime scene kanina, doon na agad siya dumiretso. Nang marating ang ospital, tinanong agad niya sa lobby kung nasaan ang binata. Walang masabi ang nurse na nakausap niya noong sabihin niya ang pangalan ni Anxo. "'Yung lalaki pong nabaril na dinala rito mga 3PM kanina," sabi pa niya sa nurse. Noon nito nasagot ang tanong niya. Marami pang sinasabi ang nurse pero hindi na niya nahintay na matapos itong magsalita. Kumaripas na ito ng takbo.
Inakyat ni Ray ang 3rd floor. Nagulat siya sa dami ng guards na nasa hallway. Pero mas nagulat siya nang makasalubong doon ang nakausap na imbestigador kanina.
"Miss Rayshel, tama po ba?" bati nito sa kanya. Seryoso ang mukha nito.
Lalo siyang kinabahan, sinabi na niya rito na hindi niya kilala si Anxo tapos makikita siya nito sa ospital kung saan ito naroroon. Takang-taka rin siya kung bakit tanda pa nito ang pangalan niya.
"Y-yes, ako nga po sir," tugon niya habang pinipilit mapakalma ang sarili.
"Tamang tama po, I was about to call you. Na-retrieve na po kasi namin ang CCTV footage sa park. Kasama na rin 'yung footage a few weeks before nung last takbo niya bago 'yung kanina."
Lalong tumindi ang kaba niya.
"Mabuti naman po, ano pong matutulong ko?"
"Well, watch this," saad nito nang iharap sa kanya ang screen ng phone na hawak kung saan nagpe-play ang footage sa park noong nakaraang takbo ni Anxo sa park. "Seems like ikaw rin po 'yung babae sa bench weeks ago nang tumatakbo ang biktima," dugtong nito.
"That may be a coincidence. Sadyang madalas ako sa park na 'yon," depensa niya. This time wala na siyang maramdaman kundi takot at kaba. Pansin din naman iyon ng imbestigador kaya hindi maalis sa kanya ang lalong maghinala rito.
"Well. Coincidence nga po siguro kasi noong mga nakaraang linggo na hindi siya tumakbo roon, wala ka rin sa bench. Pero na-check ko rin po ang Pixtagram account ng biktima at nakita ko rin na isa ka sa mga nag-like sa huling post nito. Coincidence?"
Dahil sa na naturan ng imbestigador, lalong hindi na niya tuluyang makontrol ang kaba. Bukod sa nag-aalala siya kay Anxo, maaari pa siyang madawit sa mga nangyayari. Para siyang nahihilo at nagdidilim ang paningin.
"Sir, may problema po ba d'yan?" tawag sa kanila ng isang pamilyar na boses. "Ray," tawag nito nang mas lumakas na ang boses. "Ray! Ikaw ba 'yan?" mas malakas na tawag nito nang makalapit kay Ray. "Bakit ka nandito?" sabi pa nito nang alalayan si Ray bago tuluyang matumba ang dalaga mula sa pagkakatayo. "Anong nangyayari?" tanong nito sa imbestigador nang lingonin ito.
[≡] 〆( ・⺫・‶)
Author's Note: Bago ka mag-move sa next chap, comment kung sino sa tingin mo ang lalaking dumating?
どうもありがとうございました.
❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
The Name In Your Book
ChickLitMark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman kilala ang author, nagulat si Ray nang makita ang pangalan niya sa dedication page ng librong iyon. 💛