Natawa si Ray dahil sa sinabi ni Mark. "'Wag ka nang mag-joke, ano nga?" sabi pa nito na biglang naging seryoso rin ang mukha dahil napansing seryoso pa rin si Mark. "Really? You're not joking?"
"Yes," sagot ni Mark habang napapakamot sa ulo. Tumayo na rin ito mula sa pagkakaupo.
"Hindi kayo magkamukha. Seryoso nga?" Hindi pa rin makapaniwala si Ray.
Natawa si Mark. "I get that a lot. Thank you. Mas guwapo ako, 'di ba?"
Natawa na lang ding si Ray. "What a small world!"
"Uhm, yes. Ikaw ba, what's your real relationship with Anxo? You seem very concern, going all the way here." May pag-umis pa ito habang inaayos ang bumabagsak na buhok sa noo.
Napaubo si Ray. Naalala rin niyang nabanggit ni Renzy si Anxo nung kumakain sila sa bahay. "I can say we're friends. Met him during my internship."
"Oh, really? Friend? May friend nga siya?"
"Yes. Why?"
"Wala. Gusto mo ba siyang silipin? Pupuntahan ko siya baka gising na," he offered.
Gusto sana niyang sumama kaso naisip niya ang awkwardness 'pag nakita siya nito. Ni hindi nga siya sigurado kung babatiin siya nito. "'Wag na. Mas kailangan niya ang pamilya niya ngayon."
"Are you sure? Okay ka na ba? Gusto mong ihatid kita sa baba?"
"Hindi na. Punta ka na ro'n. Kanina pa kitang inaabala. Alam kong kanina mo pa gustong i-check si Anxo. Okay na ako... na okay siya," sagot ni Ray nang tuluyan nang tumayo.
Bigla ngang nag-ring ang phone ni Mark. "Yes, yes punta na ako," sabi nito sa kausap sa phone. "Gising na raw si Third," nakangiting sabi nito kay Ray nang lingonin ito.
"Third?"
"Ah, that's what he's called at home. At sa office," sabi pa nito habang naglalakad palayo kay Ray. "See you," sabi pa ni Mark nang tuluyang tumalikod sa kanya.
Nang makababa si Ray sa lobby, noon naman niya nakasalubong si Aki Rushton. Habol ang tingin niya rito. Na-starstruck siya. Para siyang nakakita ng artista. Kilala niya ito dahil sa guesting nito noong nakaraan sa The Rosy Show, at bilang ex ito ng dalawa sa paborito niyang author.
Nang makalabas na nang ospital, do'n na lang niya naramdaman ang gutom. Sa mga oras na ito, dapat nakapaghapunan na siya sa bahay. Medyo madilim ang sidewalk nang makalayo siya sa main building ng ospital. Magkakalayo ang mga lamppost at patay pa ang ibang ilaw. Walang barricade na naghihiwalay sa sidewalk at highway. Bihira lang din rin ang mga dumadaang sasakyan na hindi sapat para mas paliwanagin ang madilim na lansangan. Medyo malayo pa siya sa bus station kung saan nagsasakay ang mga pampasaherong dyip na dadaan sa tapat ng bahay nila.
Dahil sa nangyari sa park kanina, iba pa rin ang kabang nararamdaman niya. Lalo na ngayong madilim ang dinadaanan niya. Wala ring ibang dumadaan sa sidewalk nang mga oras na 'yon. Tapos hindi pa maalis sa kanya 'yung pakiramdam na para bang may nakatingin sa kanya. Pero sa tuwing lilingon naman siya sa may likuran niya, wala naman siyang makitang sumusunod sa kanya. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari kay Anxo. Paano kung nandito lang sa paligid ng ospital ang bumaril dito? Paano kung hindi pa ito satisfied sa nangyari kay Anxo? Paano kung nakita rin siya ng bumaril sa park at isiping nasaksihan niya ang pamamaril? Ilan lamang ito sa mga tanong na sumasagi sa isip niya kaya naman mas lalo siyang natakot habang patuloy pa ring binabagtas ang bakanteng sidewalk. Nang mas lumamig ang hanging dumadampi sa balat niya, mas ramdam na rin niya ang presensya ng sumusunod sa kanya. "Ganito ba ang feeling when someone stalks you?" tanong niya sa sarili. "Kung ganito 'yung feeling, it's really scary. I should stop stalking people," sabi pa niya sa sarili. She knew she would never do that again. Takot na takot siya ngayon. Hindi pa rin nawawala sa kanya 'yung pakiramdam na may sumusunod sa kanya at malakas ang kutob niya na ito 'yung bumaril kay Anxo sa park. Kaya napabaligwas siya nang biglang may tumapik sa balikat niya. "Holy shit, this is the end of me," bulong niya sa sarili. Wala siyang alam sa self-defense. Iniisip niya na iaabot na lang niya rito ang bag at phone.
"Hey, ang dilim dito and you're all alone," bati sa kanya ng pamilyar na boses.
Nakahinga siya nang maluwag nang makilala ang boses. "Mark? Oh my god," tugon niya rito nang humarap dito at nang tuluyang makita ang mukha. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na mapayakap dito at saka tuluyang napaiyak.
"Why?"
"I was so scared."
"You're okay now. It's been a tough day for you. Dapat sinabi mo sa 'kin na may lalakarin ka pa pala. Hatid na kita sa inyo," sabi pa ni Mark.
Kung ngiti lang ng binata ang pagbabasihan niya, naka-oo na siguro si Ray. Pero nahihiya siya rito. "No, Mark that's too much. Besides, malapit na ako sa sakayan," sagot nito nang umalis sa pagkakayap niya kay Mark. Pamilyar din ang perfume nito na hindi niya maalala kung saan o kanino niya naamoy. "Sorry. Sobrang natakot lang ako." Ramdam niya ang pamumula ng mukha.
Itinuro naman ni Mark ang kotse sa likuran. Pinailaw rin niya ang bumper lights nito nang pindutin ang hawak na car key. "Sayang naman ang illegal parking ko, kung 'di ka sasakay," sabi pa nito nang bahagyang sumimangot.
"Hindi na. Kailangan ka ng family mo," sabi pa ni Ray nang biglang tumunog ang tiyan nito. Kumukulo na iyon dahil sa sobrang gutom.
"Well, I think, you really need to come with me. Kumain na sila, ako na lang ang hindi pa nakakakain... kaya pinayagan nila akong umalis ng hospital. At tamang-tama ngayon humahanap din ako ng makakainan. Dinner ka na rin. My treat. Bago kita ihatid sa inyo. Remember sa inyo ako kumain kahapon. And before you say anything else, I'm doing this for Rayco. Just so you know. 'Pag may nangyari sa 'yo knowing that we met, wala akong mukhang maihaharap sa kanya," sabi nito kay Ray nang ipatong ang parehong kamay sa balikat ng dalaga. Bahagya pa itong yumuko.
"Ikaw na bahala," nahihiyang sagot ni Ray nang iiwas ang tingin sa mga mata ni Mark. Hindi na rin siya masyadong makapag-isip dahil sa gutom. Takot din naman siyang maglakad nang mag-isa.
Nang makasakay si Ray sa kotse ni Mark, noon na itinanong nito kung anong gusto nitong kainin.
"Ikaw?" sagot ni Ray pero ramen talaga ang nasa isip niya. Nahilig siya sa Japanese food dahil sa panonood ng anime noong high school. Kahit ramen-style na cup noodles sa convenience store papatusin na niya dahil sa sobrang gutom.
"Ha?" sagot ni Mark habang nagmamaneho na naguguluhan sa naturan ni Ray.
"Ikaw? Ikaw ba? Ano gusto mo?" paglilinaw ni Ray.
"Ikaw nga?" sagot naman ni Mark.
BINABASA MO ANG
The Name In Your Book
ChickLitMark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman kilala ang author, nagulat si Ray nang makita ang pangalan niya sa dedication page ng librong iyon. 💛