26. The Day He Wrote Her Name (2)

153 11 13
                                    

"Look, who's here," bungad ni Mark kay Mek. "How's Zürich?"

Mek was wearing a plain black T-shirt tucked into her skinny denim pants. Kasunod nito si Aki suot ang puting T-shirt. Hindi agad nag-reply ang dalawa at inunang iabot ang tig-isang paperbag kina Mark at Anxo. "Your pasalubong," Mek murmured after handing the paperbags. "Oh, we love Zurich," she added. Halatang may jetlag pa ito dahil sa mahabang biyahe mula sa Switzerland.

"Wow, thank you guys," sagot naman ni Anxo na may tamis ang ngiti at kislap ang mga mata.

"Malilimutan ba namin ang poging-poging Thirdy namin," hirit pa ni Mek. Kitang-kita rin ang saya sa mukha nito. Now she could easily travel around the world with Aki.

Napaumis lang si Aki na inunang lapitan si Mark. Habang nag-uusap ang dalawa, panay rin ang kuwentuhan nina Mek at Anxo sa kabilang dulo ng sofa. At kung nagtatawanan ang dalawa, pareho namang seryoso ang mukha nina Aki at Mark.

Noon na rin muling nagbukas ang front door ng penthouse. Malakas ang usapan ng mag-best friend nang pumasok na 'di maikakaila ang pagkagulat nang makita ang apat sa salas.

Noon na lang nila muling nakita si Mek at noon na lang muling nakita ni Mek ang uniform ng employees sa Kismet Bookshop dahil sa suot ni Yurena. Ang dami tuloy sumulpot ng mga kaganapan sa isip ni Mek.

"Oh, hi po," nahihiyang bati ni Ray na agad itinago sa likuran ang bitbit na mga bote ng soju.

"Naku, nakakahiya naman," sambit ni Yurena. Hindi rin siya makapaniwalang nasa harapan niya ngayon ang Rushton brothers. It's a sight to see. Never silang nakitang magkakasama in public or even in magazines. Huli niyang nakita si Aki sa bookstore nang ma-televised ito sa TRS. At hanggang ngayon na-starstruck pa rin siya rito. He's always looking way better in person.

"Hi guys, nice to see you again, and oh I can't believe we're having a small reunion now," malaki ang ngiting bati ni Mek sa dalawa bago ibinalik ang tingin kay Aki. "Natatandaan mo ba sina Ray noon, bave? 'Yung lagi kong kinukuwento sa'yo."

Napakunot ang noo ni Aki nang 'di matukoy kung alin sa mga kinukuwento nito ang ibig nitong sabihin. Pero pinilit din itong ngumiti nang mapansing nakatingin sa kanya ang nagugulumihanang si Ray at ang excited na si Yurena. "But, no, sorry 'di ko pa rin talaga matandaan."

"Nung makita kitang nagsusulat sa scratch paper sa KB?"

"Ah, ando'n ba sila?"

"Yes, back then, interns sila sa KB," paliwanag ni Mek na siyang nagpakaba kay Yurena.

Napatulala naman si Ray kasi hindi rin niya maalala kung kailan nangyari ang tinutukoy ni Mek.

"Bes, noong napagalitan tayo ni Ms. Lyn noon, dahil sa isang bolpen, ando'n pa si Sir Anxo sa KB no'n," nahihiyang sabi ni Yurena na hindi rin makatingin nang diretso kay Anxo. Gusto na sana niyang kalimutan ang araw na iyon. Higit sa lahat, hiyang-hiya siya kay Mek kaya ayaw na sana niyang balikan iyon. Kaya nga never na rin niyang binuksan ang topic na 'yon kapag kausap si Ray. Kaya rin maiintindihan niya kung hindi na nito maalala ang araw na 'yon. Kahit nga noong ma-televised sa TRS sina Mek at Aki, she didn't remind Ray about the incident with Mek. After all, it was a long day for Ray at ang dami rin talagang nangyari sa kanya noong araw na 'yon.

It was almost 2 years ago, noong bago naaksidente si Aki, nakita muna ni Mek si Aki roon. Kasalukuyang interns sina Ray at Yurena noon sa KB. Nagtitingin lang sana ng bolpen si Mek pero nakalimutang may bitbit pa itong bolpen nang habulin si Aki nang makalabas na ito ng KB. Kaya nang makita ni Yurena na biglang lumabas si Mek nang bookstore dala ang hindi pa nababayarang bolpen, agad nitong tinawagan ang security guard. Napansin naman iyon ng manager na agad sumunod kay Yurena. 

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon