8. The Penthouse

201 17 20
                                    

"Wait, a mansion on top of a building?" Ray murmured to herself. Hindi niya inaasahan na ang tinutukoy ni Mark na condo unit ay dalawang floor pala ng gusali ang nasasakop. Ang 34th floor ng gusali ang mistulang naging ground floor ng akala niya'y isang simple lamang na condo unit. Sa isip-isip niya, ang dali-dali naman sanang sabihin na penthouse hindi pa nasabi ni Mark.

Tanaw agad niya sa bungad pa lang ang engrandeng balkonahe sa taas at ang mga kuwarto roon. Nando'n ang dalawang hagdangan na nagdudugtong sa una at ikalawang palapag ng penthouse. Concrete ang mga ito at pakurba ang pagkakadisenyo. Magkalayo ang mga ito mula sa baba na magdadaop pagdating sa balkonahe. Kulay ginto naman ang railings sa nasabing staircases na tulad ng railings sa balkonahe sa itaas. Tila nama'y pinaggigitnaan ng dalawang staircases and dambuhalang chandelier sa itaas na kulay ginto rin ang ningning. Sa ilalim nito ay may isang pabilog na mesa kung saan nakapatong ang isang malaking banga. Doon nakasuksok ang naguumapaw sa dami ng mga bulaklak at kakaibang mga dahon. Inisip niya rin na baka iyon ang dahilan kung bakit amoy mamahaling pamango sa loob.

Hindi niya lubos maisip na nasa loob pa rin siya ng gusali ng FATE. Well, technically, she's on top of the building. Pero ang mas ikinagulat niya ay ang pagsalubong sa kanila ni Anxo. Suot ang magkaternong jacket at jogging pants, ngumiti ito sa kasama nilang lalaki. Kinabahan si Ray nang sa kanya na ibinaling ni Anxo ang tingin. Hindi tuloy siya makatingin nang diretso sa mga mata nito na lalong sumisingkit kapag ngumingiti. "Hi, Miss Ray. Welcome," bati ni Anxo sa kanya. Ikinagulat pa rin niya iyon pero wala siyang choice kundi batiin din ito. Humarap siya rito at nagpasalamat. Halos malusaw siya dahil sa ngiti nito. Ang bango at lambot pa ng kamay nito. Kaya pilit niyang pinigil ang pagbungisngis para hindi naman nito mahalata na tuwang-tuwang siya sa nangyayari. Para maiba naman, kinumusta pa rin niya ang kalagayan nito kahit halata na namang fully-recovered na ang binata. Noon na rin ipinakilala ni Anxo ang kasama nilang lalaki na naka-polo barong. Ito raw ang CPO o ang bodyguard ni Anxo na siya na ring magiging CPO niya, si Manong George. Pero bago daw nila pag-usapan ang buong set-up, niyaya muna siya ni Anxo sa magiging kuwarto niya. Noon niya napagtantong wala na si Mark sa tabi nila. Mabilis maglakad si Anxo kaya doon na nabaling ang atensyon niya. Hindi niya rin lubos akalain na kasama na niya ngayon ang ultimate crush at sa isip-isip niya, mukha namang natatandaan nga siya nito.

Nang marating ang itaas ng penthouse, doon bumungad ang ilang pintuan ng mga kuwarto roon. Plateglass ang dingding kaya tanaw na rin niya ang skyline ng syudad mula sa kinatatayuan. Hindi pa siya nakasasakay sa eroplano o nakakarating sa summit ng kahit anong bundok kaya sa buong buhay niya iyon na ang highest point na narating niya. Ilang pintuan din ang nadaanan nila bago narating ang pintuan kung saan may nakasulat na "Guest Room".

"This is your room," sabi pa ni Anxo nang buksan ang pintuan. Bumungad sa kanila ang isang malawak na kuwarto. Mas malapit ito sa condo unit na ine-expect niya. Ganito lang ang ine-expect niya kanina nang marating ang 34th floor ng gusali. Hindi ang isang unit na nasa loob ng isang mansion.

"Ako lang mag-isa rito?" tanong ni Ray dahil sa nalalawakan siya sa kuwarto. Malaki rin ang kama na nasa dulong bahagi ng silid. Malapit iyon sa pintuan ng restroom nito. Sa bukana naman ng kuwarto nakalagay ang isang mahabang sofa na may entertainment center sa tapat.

Napatawa si Anxo. "Bakit, gusto mo bang may kasama?" biro ni Anxo. Ang inosente ng mukha niya.

"I mean, ang lawak kasi nito Sir para sa iisang tao," segunda ni Ray. Sanay kasi siya na laging kasama sa kuwarto si Renzy.

"No. Drop the 'sir' unless you want me to start calling you 'mam'," he replied. "And... if you ever feel lonely, do not hesitate to call me. That's my room," he added. Itinuro niya ang katapat na kuwarto ng guest room.

"No, I think I should be fine. Thank you, sir."

"Hey!" Sumimangot ang binata pero ibinalik din naman ang ngiti.

"So-sorry."

"Okay. Make yourself at home. Pahinga ka muna. Call me if you need anything."

Hindi pa rin makapaniwala si Ray sa mga nangyayari. She just had her first real conversation with Anxo. Pinigilan niya ang pagtili nang tuluyang makaalis ang binata. Parang bata siyang nagtatalon sa malambot na kama. Pero bigla niyang naisip si Mark at kung bakit bigla na lang itong nawala kanina. Naalala niyang may number siya ni Mark sa phone. Gusto niya sana itong tawagan. Pero bago pa niya ito makontak bigla namang tumawag sa kanya si Renzy.

Nang matapos ang video call sa kapatid, saka naman may kumatok sa pintuan ng kuwarto niya. Isang mahinang katok. Tumayo si Ray mula sa pagkakahiga para buksan ang pinto, pero nang buksan niya ito wala na ang kumatok. Nilingon niya ang paligid ng kuwarto pero wala na siyang naabutan. Hindi na siya bumalik sa kama. Doon na lamang siya umupo sa sofa. Napatingin siya sa sukbit niyang bag kanina. Naalala niya ang hindi pa natatapos basahing libro, ang librong sinulat ni Mark. Doon niya iyon sa bag inilagay kanina. Dinukot niya ang libro. Hindi na niya maalala kung saang part siya natapos. Pero bigla na namang may kumatok sa may pintuan bago pa siya makapagpatuloy sa pagbabasa. At dahil mas malapit na siya sa pintuan, agad niya itong nabuksan. Noon muling tumambad sa harapan niya si Anxo. "Hey," biglang bati niya.

"Hi," bati rin ni Anxo. "I thought you're asleep."

"No, no. Matagal ako bago antokin. Why?" kinikilig niyang tugon kay Anxo.

"Kailangan ka na kasi sa pool area."

"Oh my god, may pool din dito?"

Napatawa si Anxo. "Well, it's not the huge infinity pool you might be imagining right now. It's more like an outdoor spa, maybe a bit bigger," he replied. Hindi nakatakas sa kanya ang pag-ngiti nito habang nagsasalita.

"I see. Ano bang meron sa pool area?" nagmamayumi pang tugon ni Ray.

"Well, it's a simple welcome party for you, but don't expect too much, okay?"

"Hindi na naman kailangan ng ganyan," nahihiyang tugon nito sa binata. "Masyado nang nakakahiya."

"So don't think we're doing this for you if that... would make you feel any better. Think like we're celebrating life, like here I am still alive."

Napatawa si Ray. "Okay. Sige."

"Wait. Aren't you changing?"

"Okay na ako rito," sabi niya nang hilahin pababa ang suot na bestida.

"I'm just not sure if you can swim with that dress on." Nilagay niya ang kamay sa baba niya na parang nag-iisip.

"E makakapag-swim ka ba sa suot mong 'yan?" Tiningnan niya ang binata mula ulo hanggang paa habang pinipigil ang muling pagbungisngis.

Napatawa si Anxo. "Nope, but it's easy for me to take off my clothes. Real quick."

Noon na na-imagine ni Ray na hubad si Anxo. "'Ke-kelangan na ba talagang naka-swimwear?"

"It's a pool party, I guess you should come ready to get... wet."

〰️〰️〰️〰️〰️

Author's Note: Hey gurl hey! Sorry sa delay in my updates. Ang lungkot kasi sa hotel. Ang lungkot mag-work away from home during this pandemic. I hope everyone is safe. If you can stay at home, please stay at home. Gusto ko na rin umuwi pero 'di pa pede. Huhu.

If you like this update, please vote or comment your thoughts below.

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon