Kalat sa social media ang posts ng mga fans ni Mark. Karamihan sa mga ito ay umiiyak sa pictures at videos na pinost nila. May iba ring nagagalit at tanging sa socmed lang nailalabas ang sama ng loob. Dahilan para maging isa na naman sa trending topics sa socmed at masama sa headlines ng ilang news agencies at online news portals itong si Mark. Nang matapos makita ang ilan sa mga nasabing posts, dahan-dahang isinara ni Anxo ang laptop. Inayos nito ang kwelyo ng suot na itim na suit bago hinugot ang naka-charge na phone sa laptop at bago tumayo mula sa pagkakaupo.
***
Bandang alas sais na ng hapon nang lumabas mula sa lobby ng FATE Tower sina Camberina at ang manager nito. Itim na shirt at blue denim ang suot ni Camberina habang fit at pencil cut naman ang suot na itim na bestida ng kasamang manager. Ilang linggo na rin sila sa FATE at unti-unti nang nasasanay sa bagong environment. Kinuha ni Camberina ang pulang cardigan mula sa bag nang makarating sa tapat ng Kismet Cafe. Agad niya itong isinuot na bumagay naman sa suot na plain black shirt. She hated wearing black kaya nga iyong shirt lamang na iyon ang nag-iisang black shirt niya sa closet. Ngumiti sa kanya ang manager nang makita ang suot na cardigan nito. At habang sinasabayan nito si Camberina sa paglalakad, inalala rin nito ang mga araw na pinili niyang hindi papasukin si Ray sa opisina.
Nasa vacation leave ito nang matanggap ang mensahe mula sa isang empleyado. Saktong nasa vacation leave din si Camberina noon. Ang sabi ng empleyadong nag-text sa kanya, kalat na raw sa buong TA ang chismis tungkol kina Mark at Ray. Pansin nito na hindi magaganda ang ibat-ibang mga bersyon ng chismis patungkol sa dalawa. Bukod sa alam na maaari iyong makasira sa binubuong novation sa pagitan ng FATE Co. at TA (Tell Adworks), naisip din nito ang magiging epekto noon sa paboritong newbie sa department nila. Gustong-gusto nito kung gaano ka-specific si Ray sa gusto nito at kung gaano ito kadetalyado sa mga plano. Kahit minsa'y matagal itong makaisip ng solusyon, hindi naman ito nagkakamali sa mga desisyon nito. Iyon ang dahilan kung bakit malaki ang tiwala nito kay Ray kaya hindi ito nag-atubiling bigyan ito ng isang malaking project. Para rin daw ma-prove sa FATE Co. kung gaano kahusay ang mga empleyado sa TA. Sadyang mga rookies ang kinuha nito para sa binuong team para sa nasabing project. Para nga patunayan sa management ng FATE kung gaano kabilis matuto ang mga empleyado sa TA, na kaya nitong mag-adapt sa kahit anong uri ng environment. Kahit pa nga sa competitive environment na mayroon sa workplace ng FATE.
Successful naman ang ginawang project ng grupo nina Ray na dahil na rin sa mahusay na supervision ng istriktong manager. Doon na rin ibinase ng management ng FATE ang final na decision. Kaya nang ma-absorb ang lahat ng empleyado ng TA sa FATE pagkatapos ng novation, sobrang thankful ang lahat sa team nina Ray. Well, her manager made sure that Ray would be given the right credit; thus, immediately promoted her as a Senior Copywriter.
***
Unti-unti nang nagkakabuhay ang lumang café na madalas noong puntahan nina Rayco, Caleb, at Nat. Ang dating kinakalawang na awning sa labas nito ay may bago nang pintura. Ngayo'y blue pastel na rin ang kulay ng dingding nito sa loob at marami na ring nabago sa dating kahoy na counter. Makulay at maliwanag na rin ang menu sa taas ng bar.
Nahubad na ni Rayco ang suot na apron na siyang inabot niya kay Nat para maisabit ng kaibigan sa kabinet sa loob ng kusina.
"Who knew you would take that joke seriously, Rayco?" natatawang asar ni Caleb sa kaibigan. Sinukbit na nito ang body bag at saka tumingin sa oras sa hawak na phone.
"Akalain ko bang nagbibiro lang si dad. E sa pagkakaalam ko hindi naman siya joker," natatawa ring sabi ni Rayco kahit naiinis na rin na paulit-ulit na lang si Caleb sa pagpapaala noon sa kanya.
"Anak," sabi ni Nat nang subukang gayahin ang boses ng dad ni Rayco. "Dahil may plano na naman pala kayong café, kay Ray ko na lang ibibigay itong resto ha," in character pang sabi ni Nat bago tumawa nang malakas nang tuluyang makalabas mula sa kusina.
BINABASA MO ANG
The Name In Your Book
ChickLitMark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman kilala ang author, nagulat si Ray nang makita ang pangalan niya sa dedication page ng librong iyon. 💛