Nang sumunod na Lunes, maagang ipinatawag si Ray ng boss niya. Sinabi niya rito na nakahanap na ito ng kasama niya sa team na graphic designer for the project. Pero si Ray na lang daw muna ang umattend sa first meeting with the client ngayong hapon. It's still sketchy for Ray. Alam niyang may sariling marketing department ang FATE Co. pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangan ng mga ito ng isang third-party provider. It's either maraming projects ang marketing nila o tinetest nito ang Tell Adworks bago ito bilhin. Hindi rin niya maintindihan ang boss kung bakit sa kanya ibinigay ang malaking project. Hindi naman siya naglakas-loob na tanungin ang boss tungkol dito. Unang-una, hindi sila close at ayaw niya ring masabing nakikialam sa desisyon ng management.
Malapit lang sa opisina ang Tower 1 ng FATE. She's an hour early for her meeting. Sinalubong naman siya ni Amber sa lobby ng building. Nang makarating sa 32nd floor, inihatid na siya ni Amber sa boardroom. Medyo excited si Ray at hindi kinakabahan para sa meeting. Marami na siyang kakilala sa FATE kahit first time lang niyang makapasok sa building nito. And'yan si Rayco, Mark, at Anxo. Bukod do'n, excited siyang makita ang Big Four na sinasabi ni Camberina. In her mind, this might be her chance to meet them.
Nag-text si Ray kay Rayco nang makapasok ito sa boardroom. Pupunta na sana agad si Rayco sa boardroom nakita lang nito si Mark. May sinabi rito si Mark. Pagkatapos ng mabilis na pag-uusap, dumiretso siya sa boardroom para puntahan ang kapatid.
"Bakit ang aga mo?" bungad nito sa kapatid.
"Kuya!" galak nitong bati sa kapatid. "S'yempre, ayokong ma-late."
"OA naman 'yung an hour before the meeting. Come, someone wants to meet you."
"Sino?" Kinabahan si Ray. She was imagining Anxo.
"Basta."
Sumunod ito sa kapatid. Pumasok sila sa isang maliit na meeting room. Nagulat si Ray nang makita roon si Mark.
"Hi," bungad ng binata sa kanya. Nakangiti ito. "Raymen girl!" He filled the room with warmth and charm.
"Okay, I'll leave you two here. I have a meeting in 2 minutes," sabi nito sa dalawa bago muling hilahin ang pinto. "Ray, don't do something stupid," bilin pa nito sa kapatid bago tuluyang iwan ang dalawa sa kuwarto.
"Tsk," singhal nito sa umalis na kapatid. "Sorry, anong meron?"
"No, sorry sa abala," nahihiyang sagot ni Mark. "Okay na pala si Third, work from home na siya ngayon," bida pa nito.
"Awww, good to know. It's been a week. Thanks ulit, hindi na ako binobother ng kuya sa ospital," saad ni Ray. She recalled when Mark helped her when she fainted from shock and fear at being involved in the investigation.
"Well regarding that, we had advised them to temporarily stop the investigation as it may affect the image and the brand of the company," paliwanag ni Mark. Pinaupo nito si Ray sa isa sa mga swivel chair sa kuwarto.
"Ah I see," sagot ni Ray. Sa isip-isip niya, saklaw pa siguro ito ng trabaho ng kapatid bilang brand manager, to protect the image of the company, at bilang isa sa employees nila ang involved. At dahil laging kasama si Mark ng kapatid, maaring nasa iisang team sila. Tapos kapatid ni Mark si Anxo, ang posibleng rason why he keeps involving himself.
"So instead, we hired a private investigator. Alam mo na, buhay na ni Third ang nakasalalay," saad ni Mark nang bahagyang tumitig sa mga mata ni Ray. Noon niya napansin na kamukha rin ito ni Anxo. Mas maputi nga lamang si Anxo na singkit ang mga mata. "But if you're not comfortable with this conversation, that's okay. Just let me know. I don't want to stress you out."
"No, no biggie. How can I help?" Pinilit ni Ray ang ngiti.
"Great, thank you, Ray. I can assure you... na hindi mo na kailangang i-meet ang investigator. May question lang siya regarding sa nangyari sa park at ako na lang ang magre-relay ng details sa kanya," nahihiyang sabi nito sa dalaga nang ipakita ang picture ng lalaki sa phone niya. Ramdan din ni Ray ang paglapit ng mukha ni Mark sa kanya. "Kuha 'yan sa CCTV. Pamilyar ba sa 'yo ang mukha ng lalaking ito? He's been seen around Third's unit a few times over in the past. Kuha 'yan before the incident sa park happened. Very suspicious, 'di ba? Pero wala siyang kuha sa park. Hindi naman daw 'yan kilala ni Third," dagdag nito.
"Medyo malabo 'yung picture. Pe-pero, y-yes, he looks familiar," kinakabahang tugon ni Ray.
Nagulat si Mark sa sagot ni Ray. "Are you sure?"
"Last last Sunday bago dumating si Anxo sa park, I think I saw him," dugtong ni Ray
"Did he see your face?" Ramdam ni Ray ang titig sa kanya ni Mark.
"I don't know. Pero dumaan siya sa harapan ko nang nakaupo ako sa bench."
"Well, we've also seen his face sa CCTV footage ng ospital that Sunday. And don't be shocked, we also checked the CCTV footage around Tell Adworks' building, and we also saw this guy. That's last week."
"What is that supposed to mean?" Nilalabanan ni Ray ang panginginig ng kamay.
"I think maybe this guy thinks you witnessed what happened sa park. No valid proof on this yet."
"So I'm also being followed?"
"May chance. We're still investigating."
"Alam ba ni kuya 'to?"
"Yes, sa kanya ko muna sinabi."
"Anong dapat kong gawin?"
"Well we can offer you protection."
"What kind of protection?"
"Well, you see, we can offer you a close protection officer, a fully-secured condo unit in a highly-secured building with a 24/7 operating security team."
Napatawa si Ray sa sinabi ni Mark at hindi niya iyon balak seryosohin. "I'm not sure what you're saying. Pero if you mean I'm being followed, I will take care of myself. I will be extra cautious. Thanks for letting me know."
"As of yet, we don't know the motive of the perpetrator but we're sure of one thing, they'll destroy anyone who'll get in their way. At hindi ko sinasabi 'to para takutin ka."
"Anong sabi ni kuya?"
"He said it's up to you."
Naalala ni Ray ang bilin ni Rayco kanina, about doing something stupid, bago lumabas ng kuwarto. "Hindi ako makapaniwala sa nangyayari," singhal ni Ray.
"Well I'm sorry kung nadadamay ka sa nangyari kay Third. But that's why we're willing to help you as well. We think you need our protection."
"Pa'no nga?"
"As I said earlier... while the investigation is still on-going you can stay with us."
Napalunok si Ray. "Wait, ano?"
"Yes, Third currently has a CPO. Staying with us would also mean protecting yourself from the perpetrator. That also means protecting your family. If you will be targeted by the perpetrator, and if you're with your family, ang worst-case scenario ay madamay din sila. Again, hindi kita tinatakot at mas lalong hindi kita pinipilit."
"Seryoso? Us? You mean, I will stay with you... and with Anxo? Sa iisang bubong?" Alam na niyang magkapatid ang dalawa kaya hindi na rin siya magugulat kung sa iisang unit lang nakatira ang mga ito. Ang ikinakagulat niya ay ang mismong offer nito na mahirap tanggihan. But it seemed too good to be true for her.
"Yes."
BINABASA MO ANG
The Name In Your Book
ChickLitMark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman kilala ang author, nagulat si Ray nang makita ang pangalan niya sa dedication page ng librong iyon. 💛