Eating ramen with Mark wasn't something she would imagine happening. Ang ramen house ay malapit sa Fate Enchanted. Maliit lamang ang resto na recently lang nadiskubre ni Ray. Naka-ilang punta na siya roon. Binabalikan talaga ito ng mga tao dahil sa authentic na lasa ng ramen nila. Authentic din ang feels sa lugar. Amoy pa lang para ka nang nasa Japan. Pansin ito mula sa interior design hanggang sa menu, background music, at staff ng restaurant. Ibinase raw kasi ito sa ramen houses sa Japan.
Doon sila naupo malapit sa full-service bar ng resto kaya kahit wala pa ang order nila natatakam na silang humigop ng sabaw. Tamang pandalawahan lang ang mesa na puno ng ibat-ibang klase ng condiments.
"I didn't expect you're into ramen," saad ni Mark habang nililinga ang paligid na para bang may hinahanap ito sa loob.
"Eng sherep keye," biro ni Ray rito.
Tumawa lang si Mark. Naalala kasi niya ito nang makasabay ding kumain sa bahay nina Rayco kahapon. Naalala rin niya nang bantayan niya ito sa ospital kanina. Sapat na iyon para mapansin niya ang ganda ng dalaga at bumalik ang ilang alaala. Burado na ang makeup nito. Gulong-gulo na rin ang buhok at lumilitaw na ang mga eyebags. Pero para kay Mark, noon mas lalong lumitaw ang ganda nito, natural at hindi na kailangan ng kahit ano pang kolorete.
"Pero seryoso, hindi ko nagustuhan 'yung unang kain ko sa ramen," bida pa ni Ray nang hindi makarinig ng sagot mula kay Mark. "I know, it's not the place, the add-ons, or the type of ramen I tried. Hindi ko lang talaga agad na-appreciate 'yung, let's say—different na lasa niya. 'Yung lasang malayo sa tipikal na Pinoy cuisine. Pero after ilang days, for some reasons, nag-crave na ako sa ramen. At 'yon na-enjoy ko na ang every bowl of ramen na natikman ko since then. Ikaw, anong gusto mo sa ramen?"
"Not the ramen itself. But the experience. Not saying I don't like eating ramen, na hindi ako nasasarapan. Pero, alam mo 'yung naalala ko 'yung kabataan ko sa bawat higop. May gano'ng feeling. 'Yung wala kang masyadong iniisip, pinuproblema—it takes you back to the good old days."
"Yeah, felt that. Like connected siya sa memories na'tin. Like sino nga ba kasama ko the first time I tasted that food. Like nasa'n nga ba kami no'n. Or anong pinapakinggan naming music that time? Good food brings back so many good memories. Damn."
Nang dumating ang dalawang bowl ng ramen na in-order, nagulat si Ray nang makita ang lalaking nagdala nito sa kanilang mesa. Hindi ito ang nag-assist sa kanila kanina nung um-order sila. Hindi rin niya ito nakikita noong nakaraan sa ramen house. Pero kahit first time makita sa resto, pamilyar ang itsura nito sa kanya. Hindi lang niya maalala kung saan at kailan niya ito nakita. Kaya naman nagulat siya nang batiin siya nito sa pangalan, "Rayshel? Ikaw na ba 'yan?"
"I'm sorry. I'm not good with names, sa'n nga tayo nagkita?" nahihiyang sagot ni Ray. Hindi niya talaga maalala kung sino ang lalaki sa harapan. "Sorry."
Bigla namang sumimangot ang lalaking nasa harapan nila. "Remember the anime series we watched in high school?"
"Oh my god, Otep? Ikaw na ba 'yan?" gulat na sagot ni Ray. Basta anime, si Otep talaga ang unang pumapasok sa isip niya. Bukod sa malaki ang pinagbago ni Otep, hindi niya inaasahang doon makikita ang dating kaklase. Malaki ang tinangkad nito at totoong mas gumuwapo pa ito. Nakakamacho rin ang military cut nito. Ang black hair nito. Mukhang naka-move na ito sa pagkukulay ng buhok, she thought.
"Yes, yes. Mark Joseph Saroza. Nice to see you here. But for now, ayoko muna kayong abalahin sa pagkain... ng boyfriend mo? Enjoy your meal," sabi nito nang iabot ang businesscard kay Ray. Nandoon ang number at email address nito. Bukod do'n, napansin din ni Ray na Josh Saroza ang pangalang nakasulat sa card. Ngumiti rin ito kay Mark bago umalis. "Let me know if you need anything else." Hindi na nga nito naabutan ang pag-iling ni Ray.
BINABASA MO ANG
The Name In Your Book
ChickLitMark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman kilala ang author, nagulat si Ray nang makita ang pangalan niya sa dedication page ng librong iyon. 💛