Mabilis nakababa si Mark mula sa kuwarto niya. "Ako na ang magbukas, Ray. Sorry, I might have startled you," nagmamadaling sabi ni Mark sa dalaga. Bakas din ang pag-aalala sa mukha nito.
Bukod sa nagulat si Ray sa pagbaba nito, hindi pa rin nawala ang pangamba ng dalaga. "Teka! Ki-kilala mo ba siya?" kabado pa ring tanong nito habang nakatingin sa screen ng kamera sa pinto.
"Yes," mahinahong sagot ni Mark. "Hindi mo ba siya nakita last Saturday, nang umuwi ka sa inyo? Andito na siya nang umalis ka e," dagdag pa nito nang tuluyang mabuksan ang pinto.
"Sorry, Kurt. Na-late ako sa pagbubukas. Galing pa ako sa taas."
Nagulat pa rin si Ray nang bumungad sa kanya ang mukha ng bisita. Hawig na hawig talaga ito kay Cortez lalo na sa malapitan. "Kurt?" nagtatakang usal ni Ray.
"Yes. Hi. Rayshel. Kurt, Mark's private investigator," bati at pagpapakilala nito. Lalo niyang naalala si Cortez dito nang ilabas nito ang ngiti.
"Pasok ka, Kurt. Sorry, I didn't mean to bother you today. May nangyari lang kagabi which extremely agigated me," saad ni Mark.
"No, okay lang. May kailangan din akong idiscuss sa 'yo," sagot naman ni Kurt. "Continuation din ng discussion natin last Sunday," dugtong niya kaya napatingin ulit sa kanya si Ray.
Umugong sa tainga ni Ray ang salitang Sunday, ang araw noong nag-ramen sila ni Anxo. Pero habang sinusundan niya sa paglalakad ang dalawa patungong salas, sumenyas sa kanya si Mark para patigilin siya sa pagsunod sa kanila. Humarap ito sa phone niya at nag-type habang naglalakad. Pagkaraan ng halos isang minuto, may natanggap na mensahe si Ray sa Pixtagram.
From PenthouseMaster:
Sorry, as promised to you before, I didn't want to involve you in the investigation.Nasa kusina na si Ray nang mabasa ang chat nito. Naalala niya ang insidente sa ospital nang i-save siya ni Mark mula sa interrogation ng isang investigator. Naalala rin niya nang kausapin siya nito bago siya pumayag na lumipat sa penthouse. Noon sinabi ni Mark sa kanya na siya na ang bahalang makipag-usap sa private investigator nila para hindi na matakot si Ray.
Nag-reply si Ray sa chat ni Mark.
Raymen_Girl:
Okay lang. Gusto ko ring malaman ang mga nangyayari.Ang totoo, gusto rin niyang makausap ang investigator. Gusto niyang malaman kung ito nga ba talaga si Cortez dahil iyon talaga ang kutob niya. Tandang-tanda niya ang boses nito na siya ring nakilala niya kanina. Kaya habang hindi pa nakaka-receive ng reply mula kay Mark, tumawag muna siya kay Yurena.
"Ano bes? Positive?" excited na sagot ni Yurena.
"Gagi. Urgent 'to. May tanong ako. May balita ka ba kay Cortez?"
"'Wala na, bes. Alam mo namang after ng iskandalo n'yong dalawa, iniwasan ko na rin 'yon. 'Yung pinaka-latest ko nang narinig tungkol sa kanya ay nang kumalat naman ang video scandal niya with her girlfriend. Kaya natanggal siya varsity team at nawalan ng scholarship. I didn't know kung nagtuloy pa siya. Mayaman naman sila so kahit walang scholarship, baka tinuloy niya ang pagpasok," kuwento pa ni Yurena.
"Ay grabe, pinanood mo 'yon?"
"Oo, may nag-send sa 'kin. Juts naman pala ang crush mo, bes."
"Loka ka. Natanong ko kasi, 'yung private na investigator nina Mark, kamukhang-kamukha talaga niya."
"Nagkita na kayo? Binati ka niya?" usisa pa ni Yurena.
"Yes, ngayon lang. Nasa penthouse siya. Tinawag niya ako sa pangalan ko. Pero kung siya nga ang nagwo-work sa case ni Anxo, at dahil involved na ako rito, for sure bilang investigator... alam na niya ang name ko. Kaya di na ako nagulat."
BINABASA MO ANG
The Name In Your Book
ChickLitMark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman kilala ang author, nagulat si Ray nang makita ang pangalan niya sa dedication page ng librong iyon. 💛