25. The Secret Affair

199 11 12
                                    

Hindi pinagsisihan ni Mark ang paglipat niya sa penthouse at ang pagpasok niya sa FATE. Bukod sa mas nakilala niya ang ama, mas naging malapit na rin siya kay Anxo. Ang pinagsisihan niya ay ang hindi niya pagbisita sa mama niya simula nang umalis siya sa kanila.

Bukas ang bintana sa kuwarto ni Mark kaya maaaninag ang dagim sa langit. Dinampot ni Mark ang phone bago tumayo mula sa pagkakaupo pagkatapos pakinggan ang suhestiyon ni Anxo.

Pinipilit na siyang patawanin ni Anxo nang lumabas sila ng kuwarto. Pinauna niyang maglakad si Anxo at masayang pinagmasdan ang paglalakad nito habang naririnig ang saya sa boses nito. Kumuha muna sila ng beer sa baba bago lumabas at doon sa pool area tumambay.

***

Umiiyak na lumabas ng kuwarto si Ray. Bukod sa nag-aalala sa nangyari sa ina, hindi niya kinayang magtagal sa loob ng kuwarto dahil sa ama. She hated him. Gusto niya itong sisihin dahil sa nangyari sa ina.

Naiinis din siya na hindi siya hinabol ng ama nang makalabas na ng kuwarto. Sinundan naman siya ni Rayco nang puntahan niya ang doktor ng ina ngunit hindi rin sila masyadong nakapag-usap.

Bandang alas dos na ng tanghali nang makausap ni Ray nang mag-isa ang ina. Nakahiga pa rin ito sa kama at may suwero sa kaliwang kamay. Ni hindi niya tinanong dito ang ama. Hinawakan niya ang kanang kamay ng ina at pilit na inilabas ang ngiti. "Ma naman, bakit hindi n'yo po sinabi sa'kin?" ulit niya at bakas ang pag-aalala sa tono.

Ang sabi naman sa kanya ng ina, hayaan na nito ang dad nila. Naalala nito ang bilin sa kanya ni Rayco kaya hindi itinuloy ang pagkukuwento sa anak. Pero ang dating noon kay Ray, mukhang pinagtatakpan pa nito ang dad nila. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata ng ina. Alam na alam din niya kung gaano nito kamahal ang dad nila. Tanda rin niya noon, na kapag nag-aaway ang dad at mom nila, kahit rinig na rinig nila ang ang sigawan ng dalawa sa loob ng kuwarto, itatanggi pa rin ng mga ito sa mga anak na nag-aaway sila. Inisip din niya na ayaw lang siguro ng ina na masaktan siya. Her mother knew she always looked up to her father. He's the perfect man for her. Baka nga ayaw ng mom niya na sirahin ang imahe sa kanya ng ama. Alam niya na kung may problema, gusto pa iyong maayos ng ina. Ayusin nang silang dalawa lang. 

"Pero 'ma, deserve kong malaman 'yon," pilit ni Ray.

"Hayaan mo na akong mag-ayos nito. Tingnan mo, hindi ako iniwan ng papa mo. Hindi pa siya aalis kung hindi ko pinabili ng gamot."

"Ewan, ma. Guilty lang po siguro siya. So alam n'yo rin po talaga ... na matagal na siya rito?"

"Oo alam ko," hindi makatingin kay Ray na sagot ni Mrs. Ruiz. 

"Bakit hindi n'yo po sinabi sa 'kin? Sa'n po siya nag-stay all this time?"

"Ray, pwede bang 'wag muna nating pag-usapan ang papa mo?" seryosong sabi ng ina nang higitin nito ang kamay mula sa pagkakahawak ni Ray.

"Okay 'ma," dismayadong tugon ni Ray. Bigla na lang din kasi niyang naalala ang family picture na pinost ni Rayco sa Pixtagram. 'Yung picture na hindi siya kasama. Sobrang sama talaga ng loob niya.

"At hayaan mo na ang kuya mo rito. Bumalik ka na sa condo," mailap ang tingin na sabi pa nito sa anak.

Kaya naman sa pakiramdam ni Ray, pinagtatabuyan na siya ng mama niya. Idagdag pa na hindi na niya alam kung kaya pa niyang pagkatiwalaan ang papa niya. Hindi na siya nagsalita dahil sa nanginginig na ang mga labi niya at umiinit na ang gilid ng mga mata. Masama na naman ang loob niya nang lumabas ito ng kuwarto. Tamang-tama namang nasalubong niya si Rayco.

"O, sa'n ka?" bati sa kanya ni Rayco.

"Alam mo rin ba kuya na may kabit si papa?"

"'Yan ba sinabi sa'yo ni mama?" mahina ang boses nitong sagot.

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon