35. The Beautiful Gift

988 34 36
                                    

[Hey guys, last chapter for this story. Please share your thoughts and comments below. Thanks so much for being with me in this journey 💓]

[Now Playing:  Miley Cyrus - Angels Like You]

*****

Hindi malilimutan ni Ray nang tumambad sa kanya ang duguang mukha ni Mark. Hindi rin niya malilimutan ang sinabi sa kanya ng doktor nang makausap ito pagkatapos maisugod si Mark sa ospital. Hindi tuloy ito makapag-pokus sa hinahalong tomato sauce sa isang malaking saucepan. Nasa loob ito ng kusina ng resto na kahit sa mapulang sauce nakatingin, bakas sa mukha nito na hindi ang sauce ang nakikita. Noon na ito nilapitan ng dad niya. "'Nak, ako na d'yan. Okay ka lang ba?" sambit nito nang agawin mula sa anak ang mahabang sandok.

"Opo, dad, I'm okay," tipid nitong reply nang pilit iiwas ang tingin sa ama. "Dad, mapapatawad n'yo pa ba ako sa mga nasabi at nagawa ko sa inyo?"

"Ano bang sinasabi mo, 'nak?" mahinanong tugon ni Raymond nang masilip ang niluluto. Noon na niya ibinukas ang mga braso para hintaying yakapin siya ng anak.

At hindi naman siya binigo ni Ray, mahigpit nitong niyakap ang ama. "Dad, I'm sorry," iyak nito.

"'Nak, hindi nagalit sa 'yo ang daddy. Ang totoo, ako pa nga ang dapat mag-sorry sa 'yo. I didn't know you were feeling that way. I didn't even know you're life was in danger. Anong klaseng ama ako? Kung hindi ko alam ang nangyayari sa pamilya ko?"

"Dad, 'wag mong sabihin 'yan. You were working really hard para sa amin. I can only imagine how hard it was. For you to work really far from your family."

"'Nak, basta para sa pamilya, gagawin ko ang lahat."

"Dad, salamat po sa lahat."

Pukto pa rin ang mga ni Ray nang lumabas ito mula sa kusina. Hindi niya alam kung bakit niya pa rin paulit-ulit na iniisip ang nangyari kay Mark gayong napakasaya ng mood sa loob ng bagong bukas na resto ng ama. At naroroon sila para mag-celebrate. Ngayong halos lahat ng mga taong inimbita nila ay nasa loob na ng resto, hindi pa rin mapigilan ni Ray ang mayat-mayang pagsilip sa phone. It's as if she's waiting for someone's call or text.

Nang makaupo ang lahat at pumalibot sa isang parihabang mesa, marami nang mga pagkaing nakahayin sa harapan nila. Meron ding iba't ibang klase ng alak sa mesa. Nakaupo si Ray sa pagitan nina Anxo at Yurena. Nasa pagitan nina Yurena at Nat si Rayco na katabi si Caleb. Nasa kabilang side naman sina Aki at Mek na kahilera sina Kurt, Amber, at Nathan.

Malakas ang nagpe-play na pop music sa resto ngunit mas malakas ang tunog mula sa malaking wind chime sa taas ng front door ng resto sa tuwing may papasok sa loob. Pampasuwerte daw iyon ayon sa Tita Ana nila. Kaya naman laking gulat ng lahat nang muling marinig ang tunog ng wind chime lalo na nang iluwal ng pintuan ang isang makisig na sundalo sa suot nitong uniporme. "Makoy," malakas na tawag ni Rayco nang makita ito. Mark Anthony Jinares ang full name nito, hindi iyon malilimutan ni Ray dahil sa nakatagong yearbook ni Rayco sa bahay nila. Mas lalo pang lumaki ang ngiti nito nang salubungin ang kababata, ang matalik na kaibigan bago naputol ang komunikasyon noong mag-highschool. Madalas ito sa bahay nila noong mga bata pa sila. Dahilan para noo'y mas madalas ding makita ni Ray kaya nga siguro maaga itong nagkaroon ng crush.

Nagulat din si Ray nang makita ito sa resto at hindi maalalang inimbita ito. Mas matangkad ito kay Rayco. Maigsi ang army cut nitong buhok ngunit hindi na ito nagulat sa mga naging pagbabago nito. Alam na ni Ray na noong mangyari ang insidente sa abandunadong gusali, ito ang nakapuwesto sa taas ng bahay sa may kanto. Ito rin ang humawak ng shot gun na nakahandang bumaril sa sinumang magtatangkang manakit sa kanya. Ang bilin ni Mark dito ay ang masiguro na ligtas si Ray. Hindi nito matanggihan si Rayco nang malamang at risk ang buhay ng kapatid na si Ray. Mabuti na lamang at available ito noong araw na iyon.

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon