Napatikhim si Rayco dahil sa sinabi ni Mark. At sapat na iyon para makuha niya ang atensyon ng kaibigan.
"I mean, excited sa 'yo ang mga followers mo sa Pixta. For sure hindi mo pa napo-post 'yang chapchae n'yo," palusot nito nang muling ibaling ang tingin kay Ray.
"Ah, eh, bahala na. Walang makuhang magandang shot. Tara na sa loob?" sagot naman ni Ray na sinisiko-siko pa rin ni Yurena. "Tumigil ka nga d'yan," bulong niya rito.
Nasa dining area na rin si Renzy at Mang George nang makapasok ang apat sa loob. Nagkatinginan tuloy sina Renzy at Yurena nang makaupo si Mark.
Habang kumakain ng chapchae, pumunta si Ray sa may ref para ilabas ang Buko Lychee Juice na ginawa niya kanina. Pero sinundan siya ni Rayco. "Ano 'yon? 'Yung kanina," inis na tanong nito.
"Ah, kuya, wala 'yon. He followed me sa Pixta kaya I followed him back," pabulong niyang sagot sa kapatid.
"Kahit ikaw lang ang pina-follow niya?"
Natigilan si Ray. Hindi niya naisip na kaibigan nga pala ni Rayco si Mark at paniguradong nakita na nito ang post ng kaibigan sa kanyang account. "Ah, totoo ba?" pagmamaang-maangan na lang nito. "Sinong gusto ng Buko Lychee na Juice?" malakas niyang tanong para matakasan ang usapan nila ng kapatid.
Nang matapos kumain, kinumusta rin ni Mrs. Ruiz ang anak kay Mark. Kinumusta na rin nito ang project ng anak, at tinanong kung kailan makakabalik si Ray sa bahay.
"Miss mo na talaga ako ma, 'no?" biro pa ni Ray sa ina. Ayaw din niya ma-pressure si Mark sa pagsagot.
"Itanong mo d'yan sa kapatid mo?" sagot ng ina nang lingonin si Renzy.
"Ate, natatakot na akong mag-isa sa room na'tin. Sa kuwarto na ni mama ako natutulog," sagot naman ni Renzy na sarap na sarap sa iniinom na juice.
Sinabi na lang ni Mark na inaayos na nila ang project, at ginagawan na nila nang paraan na mas mapabilis ang completion nito. Humingi rin siya ng pasensya rito.
Matapos ang usapan, dumiretso sina Mark at Rayco sa salas para naman pag-usapan ang totoong project sa FATE.
Do'n naman sa kuwarto dumiretso sina Ray, Yurena, at Renzy dala ang isang box ng natirang pizza. Tinanong din ni Yurena kung kailan siya pe'deng dumalaw sa penthouse. Hindi pa rin nito nalilimutan ang invitation ni Anxo noong mag-video call siya kay Ray habang kumakain ang mga ito.
Lubog na ang araw nang magpaalam sina Ray at Mark para bumalik sa penthouse. S'yempre, may dala silang chapchae na pasalubong sa mga kasama sa penthouse.
Hinintay ni Mark si Ray sa may salas dahil sa nauna itong nakarating sa penthouse. Kanina pa itong tingin nang tingin sa phone niya.
"Asan na sila?" bungad ni Ray sa binata nang makarating sa may salas. Bitbit pa niya ang container kung saan nakalagay ang chapchae. May plastic bag naman siyang hawak sa kabilang kamay.
"Na-message ko na sila sa GC," sagot pa ni Mark. "Umorder na rin ako ng chicken, andito na 'yon in 20 minutes."
Pinatong muna ni Ray ang dalang chapchae at plastic bag sa sidetable na katabi ng sofa kung saan nakaupo si Mark bago ito tabihan sa pag-upo. Kulang na lang ay idikit din niya ang katawan rito. Feeling niya, pagod na pagod siya at gusto niyang humilig dito.
"Mukhang gustong-gusto ka na nilang pauwiin ah. Lalong-lalo na si Rayco," basag pa ni Mark sa katahimikan.
Inisip tuloy ni Ray kung narinig ni Mark ang usapan nila ni Rayco kanina. "Hindi naman alam nina mama ang totoong rason kaya gano'n na siyang makapagtanong, pero kung alam niya, mas maiintindihan niya," sabi na lang niya.
Noon na rin nakababa si Anxo at kasunod na nito si Caleb. "Sa'n ka ba galing, bro? Bakit parang sabay kayong dumating ni Ray?" tanong pa ni Caleb sa pinsan.
"Kina Rayco. May inayos kaming files," sagot ni Mark.
"Kina Ray? So magkasama kayo? Luh ang daya. 'Di n'yo ako sinama?" angal ni Anxo.
"Sorry na, Anxo. Biglaan lang din 'yung pagsunod ni Mark e," sagot ni Ray.
"Okay lang. Biro lang 'yon."
"Next time," sabi pa ni Ray. Medyo nagi-guilty rin siya. Alam niyang hindi nakakaalis si Anxo sa penthouse sa tuwing umaalis siya. Kasama kasi nito si Mang George.
"Kahit 'wag na," sagot pa ni Anxo. Tuloy lang ang lakad nito patungong kusina.
"'Uy, 'wag na magtampo. Eto oh, may dala ako sa inyo," sabi ni Ray nang habulin ito.
"Hindi naman ako nagtatampo," depensa pa ni Anxo.
"Chapchae?" sabat ni Caleb.
"Yep."
"Favorite ko 'yan. Pero walang pichi-pichi?" tanong pa ni Caleb bago nagpa-cute kay Ray.
"Next time na ang pichi-pichi," natatawang sagot ni Ray nang maalala ang usapan nila ni Caleb kagabi.
Nakababa na rin si Tara nang maihayin ni Ray ang bagong init na chapchae. Naglabas din siya ng limang Coke in cans na pinabili niya kay Mang George kanina nang may madaanan silang convenience store.
This time, hindi umupo si Anxo sa tabi ni Ray. Doon tuloy umupo si Mark habang nasa tapat nito si Anxo na pinagigitnaan nina Caleb at Tara sa kabilang side. Si Caleb ang nasa harapan ni Ray. At kahit wala pa ang in-order na chicken, nagsimula na sila sa pagkain.
Habang kumakain, pinag-usapan nila ang update tungkol sa investigation. Naalala na naman ni Ray si Cortez at hindi pa rin nawawala ang pagdududa niya rito. Paano nga ba kung ang hinire nilang investigator pala talaga ang perp? Baka kaya ang tagal-tagal ng investigation. "Sigurado ba talaga kayo kay Kurt?" hindi na napigilan ni Ray ang pagtatanong.
"Well, bago lang si Kurt sa amin. Pero marami na naman siyang progress sa investigation. Highly recommended din siya ng previous investigator ng company. Hindi ko pa lang talaga p'edeng i-discuss ang buong detalye ng case sa inyo," paliwanag ni Mark. Sarap na sarap pa rin ito sa chapchae kahit 'yun na ang kinain nila kanina.
"Dahil ba sa 'kin, bro?" tanong naman ni Caleb.
"No, hindi," nag-aalalang tugon ni Mark sa pinsan.
"I mean, kung siya talaga ang culprit, hindi naman para makialam ako sa investigation. Alam ko lang na hindi niya magagawa 'yon. Kilala ko siya," depensa ni Caleb.
"Wait, sino ba 'tong pinag-uusapan na'tin?" nagtatakang tanong ni Ray. Dahil katabi si Mark, halos magdikit na ang mga mukha nila nang lingonin siya nito.
Pero bigla namang tumunog ang pintuan bago pa makasagot si Mark kaya agad rin itong tumayo mula sa pagkakaupo. Sumilip muna ito sa phone bago nagsalita, "Ako na."
"P'ano ba 'yan? Busog na ako wala pa ang chicken," angal naman ni Tara nang makaalis na si Mark.
Kaya naman laking gulat nila nang pabalik na si Mark at hindi kahon ng fried chicken ang dala nito. Malayo pa nga sa dining area pero tanaw na nila kung sino ang kasama nito. "Teka, si Nat nga ba 'yon?" paniniguro pa ni Tara.
BINABASA MO ANG
The Name In Your Book
ChickLitMark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman kilala ang author, nagulat si Ray nang makita ang pangalan niya sa dedication page ng librong iyon. 💛